Chapter 34

13K 234 13
                                    

CHAPTER 34

Saktong oras ng agahan nang magising si Yana, kinabukasan. She did her morning rituals and didn't bother to change the short night gown that she was wearing. She was wondering why she was wearing that, though. Nagtataka rin siya kung paano siya nakauwi sa mansyon ng pamilya niya, pero mamaya niya na lang itatanong sa senador dahil kumakalam na talaga ang kaniyang sikmura.

She just wore a brassiere underneath the night gown and walked out from her bedroom. Nasa hagdan pa lang siya ay naririnig na niya ang mga masasayang tinig na nagmumula sa dining room. Isang pamilyar na boses ang nangingibabaw kaya naman napakunot ang noo ni Yana sa pagtataka.

Do I miss Nick so much that I'm hearing his voice now?

Para makumpirma kung hindi nga siya nililinlang ng kaniyang pandiginig at hindi siya nananaginip ay dali-dali siyang naglakad papunta sa dining room.

"Good morning, folks!" she greeted everyone with a bright smile.

Agad na nagtama ang mga mata nila ng lalaking nagmamay-ari ng pamilyar na boses. Tama nga siya ng hinala. It was Nicholas. He was wearing a pair of dark gray pajamas Ang buhok nito ay hindi gaanong magulo ngunit hindi rin ganoon kaayos. It wasn't styled like the usual.

"Oh, you're here!" she said in a surprised tone. "Dito ka natulog, love?" kuryosong tanong niya sa senador saka humalik sa pisngi nito at umupo sa tabi nito.

Nakalimutan na ng dalaga ang kaniyang suot at maging ang tatlong pares ng mga mata na nanunood sa kanila ngayon.

"Yes, I did. Hindi na ako pinauwi nina Tito at Tita pagkatapos kitang ihatid kagabi dahil late na."

"Oh! I see. That's good. Kung gising din ako ay hindi rin kita pauuwiin dahil late na. Delikadong bumiyahe ka pa. Though I couldn't remember how we arrived here last night. Nakatulog ako. Sorry."

"It's okay. I know you were tired last night," he said considerately as he reached and unfolded a table napkin and placed it on her lap to cover the exposed part of her thigh.

Hindi na siya nagtaka dahil sa tuwing maiksi ang suot niya at magkatabi sila ay palagi iyong ginagawa ng senador.

"Thanks, love."

Akala ni Yana ay tapos na ito ngunit ganoon na lang ang gulat niya nang kumuha pa ito ng isa pang table napkin at maingat na ipinantakip iyon sa dibdib niya. Hindi man lang iyon nalaglag kahit hindi iyon nakasuksok sa tirante ng bestidang kaniyang suot dahil may mapagkakapitan naman. Doon niya lang naalala na hindi lang pala bastang maiksi ang suot niyang damit. Malalim din ang neckline niyon at manipis. She chuckled at the realization of what the senator did.

"Here we are again with my conservative and old-fashioned boyfriend." Yana shook her head and removed the table napkin placed on her chest.

Nilingon niya si Maya na katatapos lang maglagay ng panghimagas na mga hiniwang prutas sa hapag.

"Manang, pasuyo naman po ng robe ko sa kuwarto ko. Baka kasi mamaya itong buong tablecloth na ang itabon sa akin ni Nicholas. Masyadong demure at gentleman, e. Ayaw makakita ng legs at cleavage," natatawang aniya na siyang ikinatawa rin ng pamilya niya.

Natatawang tumango si Maya saka umalis para sundin ang iniutos niya.

"Ikaw talaga, hija," naiiling na saad ni Kilian. "O, siya . . . sige at kumain na tayo ng almusal. Masamang pinaghihintay ang grasya."

They uttered a short prayer before eating. Hindi siya tinapunan ng tingin ni Nicholas hangga't hindi bumabalik si Maya dala ang kaniyang roba kaya inulan niya ito ng tukso habang kumakain sila.

The Politician: Nicholas YbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon