Chapter 11

26K 398 15
                                    

CHAPTER 11

Sa mga sumunod na araw ay naging abala si Yana sa preparation ng shooting ng coffee ad project na siya ang nagsu-supervise at sa iba pang mga trabaho sa opisina.

She was literally flying to Manila and back to San Nicholas almost every day. Sa tuwing pupunta siya sa Dynasty ay palagi niya ring nakikita si Nicholas. Halos hindi na nga niya ma-maintain ang pagiging friendly rito dahil una sa lahat, ang mga pagkikita nila ay tungkol sa trabaho. Pangalawa, pagod siya physically and mentally. Hindi na niya kayang makisama minsan sa senador.

Sa sobrang hectic ng schedule niya ay palagi na siyang ginagabi ng uwi—bagay na napakabihra niyang gawin noon.

Ultimong hanggang sa pagtulog ay naiisip niya pa rin ang trabaho.

This is not healthy anymore, reklamo ng isang parte ng kaniyang isipan.

Hindi talaga siya fan ng pagtatrabaho nang overtime kaya lahat ng paraan ay kaniyang ginawa para maging efficient and time-saving ang kaniyang mga trabaho ngunit sa sitwasyon ngayon ay kailangan niya talagang mag-overtime.

Kaunting tiis na lang. Patapos na rin naman na 'tong pagpapabalik-balik ko next week.

After ng shooting for their coffee ad ay sa San Nicolas na lang mamamalagi para magtrabaho.

Pagod na sumalampak si Yana sa three seater couch sa kaniyang kuwarto. Pasado alas siyete na ng gabi at kauuwi niya lang galing sa Maynila. Hindi pa man siya nakakapagpahinga nang maayos nang mag-vibrate ang kaniyang phone na kanina ay hinagis niya lang sa kabilang parte ng couch na kinauupuan.

Yana reached for her phone. She immediately saw the senator's name on the screen. He just texted her. She was about to ignore the text when Nicholas' caller ID popped into her phone screen.

Lihim na napairap si Yana bago huminga nang malalim.

Be nice . . . she reminded herself.

"Good evening, senator. Napatawag ka?" she tried to sound nice, but her energy failed her.

Nangingibabaw sa boses niya ang pagod.

"Are you okay?" Nicholas asked in concern.

Yana cleared her throat and shifted position from the couch. "Yes, I am. Just tired. What's up, senator? Napatawag ka?"

"Wala naman. Just want to make sure kung nakauwi ka na . . . I hope I'm not disturbing you."

"Not at all. Actually I just arrived safely. Thank you for asking. Ikaw? Nakauwi ka na?"

"Yes, kauuwi lang din. Sige . . . I wont make this call long para makapagpahinga ka na. Eat and rest well tonight. You deserve it."

"Thank you. You, too. Bye!"

Laking pasasalamat niya nang matapos agad ang tawag.

In the past days, napapadalas ang pagtawag at pagti-text sa kaniya ng senador. More on pangangamusta lang naman ang mga iyon at pagtatanong kung kumain o nakauwi na siya. Kapag magkasama naman sila ay palagi itong nakaalalay sa kaniya—at palagi siyang may free refreshments mula rito. Surprisingly, lahat ay paborito niya.

The senator was a true gentleman. He was patient with her even though sometimes, she could not help but to show her real attitude at work. Mahal niya ang ginagawa nilang project pero ayaw niya ng inconvenience sa trabaho. Doon siya naiirita at nakakapagtaray.

Sa totoo lang ay hindi niya maiwasang magtaka kung tao pa ba si Nicholas o santo. Masyado itong mabait at pasensyoso. And she was about to break that nice man's heart. She sighed. Bigla siyang nakaramdam ng guilt.

The Politician: Nicholas YbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon