Chapter 17

20.4K 364 30
                                    

CHAPTER 17

Tahimik lang si Yana buong biyahe dahil sa pagkahilo, pagod, at gutom. Kahit na dumaan sila sa drive thru kanina ay hindi nakain ng dalaga ang pagkain niya nang maayos.

Inabutan sila ng matinding traffic sa daan kaya naman pasado alas onse na sila ng gabi nakarating sa Del Valle General Hospital sa Maynila. Ang dating limang oras na biyahe ay naging pito.

Nagkalat ang security sa entrance at sa lobby ng ospital. Mahigpit ang seguridad dahil sa nangyari kay Nicholas. Sa VIP entrance sila pumasok para makaiwas sa mga tao at ilang media na nasa labas.

"Are you okay, Ate?" nag-aalalang tanong ni Empress nang makitang halos kaladkarin niya na lang ang sarili sa paglalakad.

"I'm fine, dear. Kinda tired pero kaya pa."

Halos magbulungan lang sila para hindi makaistorbo ng mga pasyenteng nagpapahinga na.

"You don't look okay to me, Ate. You look pale. Pwede namang umuwi na tayo tapos hayaan na lang natin sila Mom ang mag-check kay senator. Gabi na rin naman."

Yana was tempted by Empress' suggestion, but she wanted to know the senator's condition.

"Ayos lang. Saglit lang naman daw tayo. Uuwi rin tayo agad sa condo."

In normal circumstances, Yana would be angry or jealous of Nicholas. Masyado kasing nag-aaalala ang kaniyang mga magulang kaya kahit pupuwede namang bukas na lang sila lumuwas ay ipinilit ng mga ito na ngayon na pumunta sa ospital. Pero dahil nag-aalala rin siya, hindi siya nakaramdam ng pagkainis o selos.

"Are you sure?"

Tumango siya bilang sagot kaya napatango na lang din si Empress bago siya inakay papunta sa direksyon ng private elevator.

Hanggang alas otso lang talaga ng gabi ang visiting hours ngunit dahil naitawag na ni Kilian kay Albert na pupunta sila ngayon ay pinayagan sila ng management na bumisita pa rin kahit alanganing oras na.

Ayon kay Albert ay tinambangan ang sasakyan ng senador habang pabalik ito sa senado pagkatapos mananghalian sa labas kasama ng mga pinsang lalaki. Sa tagiliran tinamaan si Nicholas ng bala kaya ilang oras na sumailalim sa operasyon. Successful naman iyon at stable na ang lagay ng senador. Hinihintay na lang itong magising.

Tatlo sa mga bodyguard ng senador ay natamaan din ngunit wala namang kritikal ang lagay. Nagpapagaling na ang mga ito sa isa sa mga private room sa ospital kung nasaan sila ngayon.

"Ikaw ba? Hindi ka pa inaantok?" tanong niya kay Empress nang humikab ito.

"Inaantok po, pero naka-sleep naman ako kanina sa biyahe, so I'm fine. Hungry lang." Kasabay ng pagkakasabi niyon ni Empress ay ang pagtunog ng tiyan nito.

Kapwa sila nagkatinginang magkapatid at impit na nagtawanan.

"Gutom na nga," natatawang aniya.

"Sorry . . ." Nag-peace sign si Empress na kaniyang ikinailing.

"Kain na lang tayo pag-akyat sa taas. May food namang dala sila Dad."

Mas doble ang security nang makarating sila sa VIP floor ng ospital.

Sinalubong sila ni Jarred na nasa hallway. Katatapos lang nitong makipag-usap sa isa sa mga bodyguard na naroon nang lapitan sila nito.

"Tito Kilian . . ." Si Jarred ang unang sumalubong sa kaniyang ama.

Jarred was with his two other male cousins. Pamilyar kay yana ang dalawa—sina Cage at Lay Del Valle. Matunog din ang pangalan ni Cage sa business world tulad ni Jarred, habang si Lay naman ay schoolmate niya noong college.

The Politician: Nicholas YbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon