CHAPTER 12
MABILIS NA lumipas ang mga araw at sumapit ang umaga ng Sabadong ipinangako ni Yana kay Empress. Maaga siyang nagising para maghanda dahil malayo ang tagong talong nais puntahan ng kaniyang kapatid. It was the hidden gem of their land.
Matagal na mula noong huli siyang pumunta sa lugar na iyon para mag-swimming dahil sa naging busy na siya sa trabaho.
"Magandang umaga, hija? Mukhang good mood tayo, a?" ani Yves nang maabutan niya sa kusina.
"Good morning, Mom . . . Of course, I am." Niyakap niya ang ina at hinalikan sa pisngi.
"Excited?"
"Yes. Very much . . . Sure kang hindi ka sasama, Mom?"
Natawa ang ginang saka hinaplos ang kaniyang pisngi. "Oo naman. Bonding n'yong magkapatid 'yon, e. Saka na lang ako sasama. Kami muna ng daddy mo ang magbo-bonding habang wala kayo . . ."
Napaingos siya. "Tss . . . Oldies!" natatawang aniya saka humiwalay ng yakap mula sa ina.
Napailing lang si Yves saka siya tinulungan maghanda ng mga babaunin nilang pagkain ni Empress mamaya.
***
TUMULAK ANG magkapatid patungo sa kinaroroonan ng talon bandang alas sais ng umaga. The magnificent view of the nature welcomed them when they arrived at the falls. Nasa looban ng gubat ang falls at napapaligiran ng mga nagtataasang puno at rock formation.
Malamig ang simoy ng sariwang hangin at may manipis na fog ang bumabalot sa mismong pinagbabagsakan ng tubig mula sa itaas na bahagi ng talon. Tanging ang marahas na pagbagsak ng tubig at huni ng mga ibon ang maririnig sa paligid dahil silang magkapatid lang naman ang naroroon.
There was an old nipa hut nearby the bank. Ipinasadya iyon ni Kilian noong high school pa siya dahil napakahilig niyang tumambay sa talon na iyon. Well-maintained pa rin ang kubo kahit na lumipas ang napakaraming taon.
"This is life! Na-miss ko 'to!" ani Empress na agad tumakbo sa pampang.
Natatawang napailing siya saka ibinaba ang hawak na picnic basket sa pinakamataas na baitang ng hagdan ng kubo.
"'Wag ka munang lulusong sa tubig. Kakain muna tayo," paalala niya bago kinuha ang picnic blanket mula sa basket.
Tumango naman ang kaniyang kapatid saka kumuha ng mga larawan habang nagsi-setup siya. Naglatag siya ng blanket sa damuhan malapit sa pampang at doon inilagay ang mga baon nilang pagkain.
Ilang saglit pa ay dinaluhan siya ni Empress kaya nagsimula na silang kumain. They enjoyed the view and serenity of the place. Sobrang na-relax siya habang pinakikinggan ang mga kuwento ng kapatid.
Madaldal ito at halos hindi nauubusan ng kuwento at energy.
"Ate, nagka-crush ka na ba?" biglang tanong ni Empress na malayo sa topic na naikuwento nito kanina.
Kunot-noo niyang tiningnan ang kapatid. "Yes, before. Why?"
"Edi congrats, Ate kasi tao ka na!" humahagikgik na anito kaya siya napailing.
"Ikaw talaga! Pero bakit mo naitanong? May crush ba na ngayon?"
Ngumuso ito.
"Wala, Ate. Wala namang pogi sa school—si Diego sana kaso kay Arianne na 'yon, e . . ."
Napakunot ang kaniyang noo. "Ano'ng mayr'on sa kanila?"
Mabilis na umiling si Empress. "Wala pnaman, Ate. Crush lang ni Arianne si Diego."
"Oh, I see . . . Hindi rin malabo since you three grew up together."
Anak si Arianne ng sekretarya ng kanilang ama habang si Diego naman ay anak ng manager ng coffee farm nila. Kaedaran ng dalawa si Empress kaya sabay-sabay na lumaki ang mga ito at naging matalik na magkakaibigan.
BINABASA MO ANG
The Politician: Nicholas Ybarra
ChickLit[REVISION COMPLETED] Ylyana Cervantes is living the life that anyone wants to have . . . but why is she still jealous of the handsome politician, Nicholas Ybarra who does nothing but admire her from afar? *** Yana always gets what she wants except f...