Chapter 28

16.7K 310 17
                                    

CHAPTER 28

Isang pamilyar na babae ang sumalubong kila Nicholas at Yana pagkarating nila sa The Fort. She was all smiles—not to Yana but to the senator.

"Hi, Nicholas! Long time no see! It's great to bump into you here. I missed you!"

Laking gulat ni Yana nang biglang yakapin ng babae si Nicholas. The senator just let the woman to hug him as a sign of courtesy, but he immediately pulled away.

Tahimik na pinanood ni Yana ang dalawa sa gilid. Saglit na sumikip ang dibdib ng dalaga nang makitang may ibang babae ang yumakap sa senador.

Yana knew the woman. It was a famous Filipina international supermodel. Matangkad ang babae at sopistikada ang dating sa suot nitong pulang dress at pares ng pumps. Matangos ang ilong at may matas na cheekbone—tipikal na katangian ng mga modelo.

Never na-threaten si Yana sa kapwa niya babae pero sa pagkakataong iyon, kahit pa alam niyang mas maganda siya sa modelo ay hindi niya mapigilang maramdamang parang aagawin nito sa kaniya si Nicholas.

Naka-high ponytail ang babae kaya mas nadepina ang bawat anggulo ng mukha nito. She had a golden tan skin and gold accessories everywhere. Ni hindi man lang nito tinapunan ng tingin si Yana dahil ang buong atensyon nito ay nasa binata.

"Violet . . . It's been a long time, indeed. Kailan ka pa dumating?"

"Last week lang. I'm here for vacation with my cousins."

"I see. Enjoy." Magalang na tumango si Nicholas saka nilingon si Yana. "By the way, Yana, this is Violet . . . my ex-girlfriend," pagpapakilala nito.

Doon lang napansin ni Violet na may kasama pala ang senador. The woman eyed Yana from head-to-foot. Imbes na ngumiti ay napataas ang kilay nito—bagay na hindi nakatakas sa paningin ni Yana.

Yana felt small when the woman did that gesture to her. She was just wearing a very casual pair of clothes compared to Violet. Kung alam niya lang na makakasalubong niya ang supermodel na ex-girlfriend ni Nicholas, nagsuot sana siya ng eleganteng damit.

But she was Ylyana Cervantes. Hindi niya palalampasin ang ginawang pasimpleng pagmata sa kaniya ni Violet. Kahit pa parang buong pagkatao na niya ang haba ng mga biyas ng babae ay hindi siya papayag na maliitin siya nito.

Yana gave Violet a smirk as she linked her left arm into Nicholas' right arm. Inilahad niya naman ang libreng kamay sa harapan ng babae.

"Ylyana Cervantes, Nick's girlfriend," she said. Her smirk turned into a sweet smile.

Kitang-kita ni Yana kung paanong dumilim ang ekspresyon ni Violet sa kaniyang sinabi.

Gan'yan nga . . . mainis ka.

Lihim na nagdiwang si Yana dahil nakuha niya ang reaksyong gusto niya mula sa babae.

Nang hindi nito inabot ang kaniyang nakalahad na kamay ay iniyakap niya na lang iyon sa braso ng senador.

Yana saw from her peripheral vision how Nicholas looked at her with a lost expression. Nilingon at tiningala niya naman ito.

"Let's go, hon. I'm starving. You should eat, too so you can drink your meds on time," Yana sweetly said as she batted her lashes innocently at Nicholas.

Nanlaki ang mga mata ng senador sa tamis ng kaniyang tono ngunit agad naman itong nakabawi nang ma-gets ang gusto niyang palabasin. He cleared his throat before he looked at Violet.

"My girl is already starving. Mauna na kami, Violet. Ingat!" Tinanguan nito si Violet bago siya masuyong iginaya papunta sa VIP section ng restaurant.

A staff welcomed them with a warm smile and polite greetings. Sinamahan sila nito sa pinto ng isang bakanteng VIP room kahit wala silang reservation. Parehas silang VIP sa The Fort kaya hindi na rin kataka-taka.

The Politician: Nicholas YbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon