Chapter 10

27.4K 412 10
                                    

CHAPTER 10

Kinabukasan ay pinilit ni Yana ang tumayo mula sa higaan kahit napuyat siya mula sa pagsundo nila ni Kilian sa kaniyang kapatid at ina sa airport kagabi. She was feeling lightheaded.

She did not put such effort on her outfit for today. Wala siya sa mood mag-mix and match and damit. She wore a knee-length red fitted dress and a pair of black pumps. Hindi na rin siya nag-effort na mag-makeup. Pulang lipstick lang ang kaniyang nilagay sa labi bago lumabas mula sa kaniyang kuwarto bitbit ang itim na designer handbag.

Matinis na boses ni Empress ang sumalubong sa kaniya pagkarating niya sa dining room.

"Ate!" masayang anito saka sinalubong siya nang mahigpit na yakap.

"Oh, wow! My sister is so sweet. Good morning, dear! Bakit gising ka na? Ang aga mo . . ." saad ni Yana habang yakap-yakap ang nakababatang kapatid.

Kung hindi lang siya naka-heels ay halos magkasing tangkad na sila nitos. Empress was just sixteen. Tingin niya ay matatangkaran pa siya nito sa mga sususnod na taon.

"Good morning din, Ate. Of course! I was excited to get up early so I can eat breakfast with you and Dad. Na-miss ko kaya 'yon . . ."

Napangiti si Yana. Na-miss niya rin makasabay sa almusal si Empress. She ruffled the latter's hair before she broke off from the hug.

"I missed that, too," she agreed. "Is Mom joining us, too?"

"Yes. She's just at the garden, watering her plants. Alam mo naman, ate . . . plantita ang Mommy natin."

She chuckled. "Ang aaga n'yong magising. I salute you, guys!" naiiling na aniya ska pabirong nag-salute sa kapatid.

Natawa lang si Empress saka siya iginaya patungo sa mahaba nilang dining table.

Aware ang buong pamilya niya sa maaga niyang schedule sa umagang ito papunta sa Dynasty, ngunit ang hindi niya inasahan ay maaga ring gigising ang kapatid at mommy nila para sabayan siyang mag-almusal.

Bago sila maupo ay mataman siya nitong sinuri mula ulo hanggang paa habang may malawak na ngiti sa mga labi.

"You're so beautiful, Ate!" puri nito pagkatapos na kaniyang ikinatawa.

"And so you are, dear. 'Wag ka munang magmadaling magdalaga, ha? Enjoy being young . . ." seryosong aniya dahil napapansin niya ang mabilis nitong paglaki.

Empress was just like other teenagers. Cheerful, playful, yet kind-hearted. Ayaw niyang mag-mature agad ito tulad niya.

Sa kanilang dalawa, mas seryoso siya noong nasa edad siya nito.

Tumango naman ito bilang pagsang-ayon. "Yes, po. I'm enjoying my teenage life well, Ate."

"That's good."

"Siya nga pala, Ate . . . malapit na kaming magpasukan. Kailan ulit tayo pupunta sa falls? Miss ko na mag-swimming doon . . ." Lumabi ito at nagpa-cute pa sa kaniya habang nilalaro ang dulo ng mahaba at tuwid nitong brown na buhok.

Ang inosenteng pares ng mga bilugan nitong mata ay mas lalo pang naging inosente. Masyadong maamo ang mukha ng kaniyang kapatid para tiisin.

Lihim siyang napailing.

"Next Saturday, mag-swimming at picnic tayo roon nang umaga. Pasensya ka na . . . Hindi kaya this week i-set. Busy si Ate sa work," aniya para makapag-relax din siya pagkatapos ng mga trabaho.

Napatalon at tili naman ang kapatid niya sa sobrang saya. "Yey! OMG! Excited na 'ko!" Muli siya nitong niyakap. "Okay lang 'yon ate. The best ka talaga, Ate!"

The Politician: Nicholas YbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon