Chapter 35

16.3K 270 28
                                    

CHAPTER 35

Three days ago . . .

It was a busy week for Nicholas. Kabilaan ang mga senate hearing, ilang pahina ng mga batas na kailangang amiyendahan at ipasa ang kaniyang mabusising inaral at binasa. Everything was stressful in the senate, yet Nicholas stayed positive. Aside from getting strength from the Lord, he was also looking forward for the weekends. Uuwi siya sa San Nicolas para makasama ang pamilya at ang nobya niya.

"Nakangiti ka na naman mag-isa, senator. Naku! Iba talaga 'pag maganda ang love life, ano? Kahit pagod sa trabaho, bigla na lang napapangiti . . ." biro ng isa sa mga staff ng senator sa senate office.

Kapapasok lang nito habang may may bitbit na mga folder na naglalaman ng mga importatnteng dokumento.

Nginitian at tinanguan ni Nicholas si Dennis.

"Ikaw pala, Dennis. Magandang araw sa 'yo," bati niya, hindi na pinatulan ang panunudyo nito nang mahuli siyang nakangiti habang nire-review ang isang case na magkakaroon ng senate hearing mamayang hapon.

"Magandang araw din sa inyo, senator. Sasabay po ba ulit kayo mag-lunch? Magpapadagdag po ako ng lunch kung opo."

"Salamat, Dennis. Sa labas ako ngayon kakain. Enjoy kayo mamaya. Pasensya na at hindi ako makakasabay."

"Naku! Ayos lang po, senator. Wala pong problema. Kasabay n'yo pong kumain mamaya si Miss Cervantes?"

Lahat ng staff sa opisina niya ay kilala si Yana. Lahat ng mga ito ay boto sa kaniyang nobya kahit pa isang beses niya lang itong dinala sa opisina niya noon. Yana effortlessly charmed his staff.

"Hindi . . . Nasa trabaho rin siya."

"Ay, sayang naman po! Magkalayo nga po pala kayo ng tarabaho. Naku, sige po, senator . . . hindi ko na po kayo aabalahin pa. Mauna na po ako. Hinatid ko lang po talaga 'tong mga 'to. Wala po kasi Greg sa labas." Nilapag nito ang mga folder sa ibabaw ng mahogany cabinet.

Si Greg ang lalaking kalihim ni Nicholas sa senado.

"Sige, salamat ulit, Dennis."

Pagkalabas ng staff ay ipinagpatuloy ni Nicholas ang pagbabasa. Halos hindi niya namalayan ang oras dahil sa iaaral na case. Kung hindi pa tumawag si Jarred ay hindi niya pa malalamang tanghali na pala.

"Buti tumawag ka. Ito na, palabas na rin ako ng opisina. Nasa restaurant na ba kayo?"

"Wala pa naman, Kuya, pero medyo malapit na."

"Sige. Magkita na lang tayo sa restaurant. Ingat kayo."

"Thanks, Kuya. You, too."

May usapan silang magpipinsang lalaki na kumain sa isang restaurant na malapit sa senado. Nagtatampo na kasi ang mga ito dahil palagi siyang walang oras makipagkita. Mas madalas niya pang nakikita si Yana na nasa San Nicolas kumpara sa mga pinsan niyang nasa ka-Maynilaan lang din naman nakatira. Ang huling beses na nakita siya ng mga ito ay noong fashion show pa.

Nicholas rode on his SUV with his security team and went to the nearby restaurant to meet his cousins.

Pagkarating niya ay naroon na sina Lay, Jarred, Kyle, at maging si Cage. Inulan siya ng kantiyaw ng mga ito nang makita siyang pumasok sa VIP room na ipina-reserve niya.

"Finally! Nagpakita na rin ang napakaguwapo nating pinsan. Nakaka-miss ka rin pala, Kuya, 'no? Lagi kasing si Yana ang kasama mo tuwing weekends, e. Aba'y nakakaselos na. Hindi kami makasingit," ani Lay na kaniyang ikinatawa.

"Kailan ba ang kasal? Para naman magkasama na kayo palagi tapos tatambay kami sa inyo 'pag weekends."

Inilingan niya si Jarred bilang sagot.

The Politician: Nicholas YbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon