FINAL CHAPTER

19.1K 279 74
                                    

FINAL CHAPTER

Yana had the chance to meet her siblings the next day. The two already knew that they were siblings the first time they met. Niana welcomed her with warmth, while River . . . he was a pain in the neck. He hated her for whatever reason, and he wasn't even concealing it.

"River, come back here, anak. It's rude to walkout when someone is talking," saway ni Rebecca kay River nang talikuran sila nito.

"Ma, it's okay. Let him be po muna. Baka need niya lang po ng time para i-process ang lahat," aniya saka iginaya si Rebecca sa couch para makaupo ito.

Kasalukuyan silang nasa bahay ni Rina, ang kaibigang tinutukoy ni Rebecca. Nasa US pa ang pamilya nito kaya naman pinatuloy muna ang mag-iina roon.

Buong maghapon ay sina Yana, Niana, at Rebecca ang magakakasama. Madali niyang nakagaanan ng loob ang bunso niyang kapatid sa kaniyang Mama. She was a sweetheart. At sa tingin niya ay makakasundo rin ito ni Empress dahil halos magkasing edad lang ang dalawa, mas bata lang ang huli ng isang taon.

Katulad ni River ay matatas din magsalita ng wikang Filipino si Niana. Mukhang sinanay ito ni Rebecca.

"This is River when he was still a baby. Ang cute niya 'no?" ani Rebecca habang tinitingnan nila ang photo album ni River noong bata pa ito.

Napaka-cute ni River noong bata pero napakatipid ngumiti sa mga litrato.

They were flipping the pages and Yana stopped on the page where a picture of a three-year-old River was. Pamilyar sa kaniya ang background nito. It was a famous amusement park in Pasay.

Napansin iyon ni Rebecca kaya tumikhim ito.

"I met Terry in Manila. He's American. Halata naman sa mukha ng mga kapatid mo. Boss ko siya noon sa dati kong trabaho. Then the rest was history. We got married and started a family. Dito ko ipinanganak si River sa Pinas. We stayed here until Terry had enough of me trying to go n-near you . . . Nag-migrate kami sa States. River was five then and I was pregnant with Niana. Para wala nalang away, I agreed. Umalis kami nang mabigat sa loob ko."

Napatangu-tango si Yana saka tahimik na inilipat ang pahina ng photo album. She couldn't find the right words for the past. Sa totoo lang, may parte sa kaniya na ayaw nang balikan iyon dahil tapos naman na. Napatawad na niya si Rebecca sa mga ginawa nito noon.

Kinuwentuhan siya nito tungkol sa childhood ng mga kapatid niya at kung anong mga paborito at ayaw ng mga ito. She did the same when she was asked by Rebecca.

SA MGA sumunod na araw ay palagi si Yana sa bahay ni Rina para bisitahin ang kaniyang Mama Rebecca. Palagi siya nitong ipinagluluto ng mga paborito niyang pagkain. Masaya si Yana at unti-unti na niyang nakaka-close sina Rebecca at Niana. Si River ay nanatiling mailap at masungit sa kaniya ngunit ayaw niya naman itong kulitin nang kulitin.

Nasabi niya na rin ang kaniyang desisyon sa alok ni Rebecca na sumama siya sa mga ito na pumunta sa California. She said yes. Nasabi niya na rin iyon sa kaniyang maga magulang at ayos lang naman sa mga ito na sumama siya sa Amerika

Dumating ang araw ng Sabado kaya excited si Yana na bumaba sa salas nila kung saan naroon si Nicholas. Halos talunin niya ito ng yakap nang makalapit siya rito na ikinatawa nito.

"Good morning, my love. You're that excited to see me?" Nicholas chuckled.

Yana smiled and nodded.

"Good morning, too, my handsome boyfriend. Yes, I've missed you so much. Marami akong baong kuwento pero bago 'yon, nag-almusal ka na ba? Sabayan mo akong mag-breakfast kung hindi pa. Mom and Dad went to the vineyard early. Empress is with Arianne. Nag-sleepover siya sa bahay nina Arianne, mamayang tanghali pa siya uuwi."

The Politician: Nicholas YbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon