Chapter 27

17.9K 330 30
                                    

CHAPTER 27

Yana excitedly jumped off the car when they reached the location she told Nicholas. Iniwan niya sa shotgun seat ang itim na jacket habang bitbit ang mga gamit na kinuha mula sa backseat.

Mataas na ang sikat ng araw at mainit sa balat ngunit hindi iyon alintana ng dalaga. Kaagad niyang i-s-in-et-up ang camera at kumuha ng ilang random shots para subukan kung maayos na ang ang pagkaka-set-up niyon.

Tila nakalimutan na niyang naroon si Nicholas dahil masyado na siyang naaliw sa hawak na camera. Napailing ang senador ngunit masaya itong pinagmasdan si Yana na nag-e-enjoy sa ginagawa.

Everything was well, not until a group of male college boys passed by where Yana was standing. Sinipulan ng mga ito ang walang kamalay-malay na dalaga habang nakatingin sa mapuputing mga binti at balakang na hapit sa suot nitong shorts.

Napapalitan ng mga makahulugang tingin ang mga kabataan bago nagtawanan. Lahat iyon ay nasaksihan ni Nicholas na hindi nag-aksaya ng panahon at kaagad na nilapitan ang grupo ng kabataan. Hinarangan niya ang daraanan ng mga ito.

"That's really a rude thing to do to a lady, kids. Don't you have any woman member in your family?" saway ni Nicholas sa mga estudyante.

Pikon na lumingon ang pinakamatangkad sa apat sa kinatatayuan niya. Akmang sisinghal ito ngunit agad itong natigilan nang mamukhaan siya.

The one with three ear piercings immediately apologized to Nicholas and urged his friends to leave. The four scrammed as the senator continued his walk towards Yana.

"You okay here?"

Kunot-noong nilingon ni Yana si Nicholas.

"Yeah. Why? Is everything alright?" she asked curiously.

Wala itong ideya sa mga nangyari sa paligid, ilang sandali ang nakalilipas.

Seryosong tumango ang binata.

"Pwede ba tayong pumunta sa sasakyan saglit? May ibibigay lang ako sa 'yo."

Ilang sandaling napakunot ang noo ni Yana habang nakatingin sa senador ngunit pumayag din, hindi kalaunan. Sabay silang naglakad pabalik sa Jeep Wrangler.

"Stand here, wait for me," ani Nicholas nang huminto sila sa tapat ng kanang pinto ng backseat.

"Okay . . ." pagpayag ni Yana saka muling ibinalik ang atensyon sa camera.

Nag-browse siya ng previous shots habang hinihintay si Nicholas na sandaling may kinuha mula shotgun seat. Tumayo ito sa harapan niya pagkatapos.

"Here . . ."

Napaangat ang tingin ni Yana nang marinig ang boses na iyon ng senador. Agad na nahagip ng kaniyang paningin ang itim na jacket na iniwan niya kanina sa upuan. Agad niyang na-gets ang gustong mangyari ng binata.

Yana rolled her eyes upward. "Don't tell me, you're gonna ask me to cover my legs with that again, 'coz I won't."

Nicholas sighed. "I won't ask you then . . ." anito.

Ang buong akala ni Yana ay tapos na sila sa usapang iyon ngunit laking gulat niya nang isinara ng binata ang distansya nilang dalawa at ito na mismo ang nagpulupot sa kaniyang baywang ng lightweight jacket nito.

"Hey! What are you doing?" saway niya habang abala ito sa pag-aayos ng jacket sa kaniyang baywang.

"Protecting you. I respect your choice of clothes, but I can't stand seeing other men looking at your legs and behind with malice. That's just so wrong . . . Ayokong binabastos ka ng ibang tao. A woman like you deserves a lot of respect from everyone, especially men."

The Politician: Nicholas YbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon