CHAPTER 3
MAY 21, 2017
ALAS-SAIS pa lang pero bihis na bihis na ako. Mabilis na lumipas ang mga araw, at hindi ko namalayan na higit isang buwan na pala ang nakalipas simula noong mahulog ang loob ko sa lalaking iyon.
Palagi ko rin namang ipinagdarasal na kung mali ang nararamdaman ko, sana ay unti-unti ng mawala. Ayokong makaramdam ng pag-ibig na hindi naman dapat para sa akin. Iyon nga lang, kahit anong pilit kong paged-deny ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko.
Dali-dali akong bumaba ng hagdan at dumiretso sa dinning table. Inaasahan ko na kumakain na rin doon sina mommy pero mali ako. Sina Kuya Mike at Kuya Melchi lang ang nandoon. Napatigil naman sila sa pagkain at napatingin sa akin.
"Bihis na bihis ang bunso, ah. Saan ka pupunta?" tanong ni Kuya Melchi sa akin.
"Pupunta tayo sa church ngayon, 'di ba?"
"Next time na lang daw sabi nina mommy at daddy," tugon niya.
Hinila ko naman ang upuan para umupo sa harap ng mesa at kumuha ng tinapay. "Bakit daw ba?"
Nanghihinayang tuloy ako sa effort na inilaan ko. Alas singko pa lang ay gising na ako.
"Pupunta raw dito 'yong kaibigan nina mommy, si Tita Zandra" sagot pa niya sabay higop ng kape. Si Kuya Mike naman ay sa pagkain lamang nakatuon ang atensyon.
"Oo nga, Merry, kaya ito todo linis kami. Pero mamaya uuwi ako sa bahay namin," singit naman ni Ate Weng sa usapan.
Kaya naman pala pati 'yong mga cook dito sa bahay ay todo handa, tapos 'yong ibang maids ay sobrang maglinis.
"Gan'on po ba? Kailan po balik ninyo?"
"Bukas din ng umaga."
Madali kong tinapos ang pagkain at walang ganang tumayo. Aalis na sana ako pero may sinabi si Kuya Mike.
"Magpalit ka raw ng damit mo sabi ni mommy. Ang isuot mo raw ay 'yong inilagay ni Ate Weng sa kuwarto mo," sabi ni kuya at tumango lang ako at matamlay na umakyat pabalik sa kuwarto ko.
Nagpalit na ako ng damit pero hindi ko muna isinuot 'yong sinasabi ni kuya. Maghintay na lang daw ako ng text ni mommy.
Lumabas ako ng kuwarto ko, at banas na banas na bumaba ng hagdan. Nadatnan ko naman si Kuya Mike na may kalandian sa sala kaya pumunta na lang ako sa hardin. Pinagsisipa ko ang mga bato na makita ko sa daan.
Pag-upo ko sa marmol na upuan sa garden, nakita ko si Kuya Melchi na tutok na tutok sa laptop niya. Pumunta ako sa likod niya at sinilip ang laptop niya. Hindi niya alam na nasa likuran niya na pala ako. Gugulatin ko sana siya pero ako pa ang nagulat sa nakita ko.
"Hala! Kuya, totoo ba itong nakikita ko?" sigaw ko habang nakatakip sa bibig ko.
Nakatingin lang ako sa screen ng laptop niya at maging siya ay nagulat dahil hindi niya magawang isara ang laptop niya.
"M-Merry? W-Wait, magpapaliwanag ako," nauutal na sabi niya at agad na isinara ang laptop niya.
Pinanliitan ko siya ng tingin, "Bakit ang dami mong pictures ni Rica sa laptop mo." Napaiwas naman siya ng tingin at sumipol-sipol lang.
"Type mo si Rica, ano? Type mo ba ang bestfriend ko?" Agad niya namang tinakpan ang bibig ko at luminga sa paligid.
"Huwag mo ng sasabihin sa kaniya!" sabi sa akin ni kuya kaya kunwari napatango na lang ako.
Nginitian ko siya at tinapik ang kaniyang braso. "Huwag kang mag-alala, Kuya. Hindi naman ako madaldal gaya ni Kuya Mike."
Mabilis na lumipas ang oras kaya 'yong mga cook namin ay abalang-abala sa paghahanda at pagluluto para sa dinner. Sabi nina daddy papunta na raw sila kaya initusan na ako ni Kuya Mike na mag-ayos na.
BINABASA MO ANG
✓Angel By Your Side
SpiritualKakaibang pananaw ang nais ni Merry Crisostomo sa kanyang buhay. Ngunit ang pananaw na iyon ay naglaho dahil hindi nito napigilan ang sarili na umibig sa isang Christian guy na Violinist at life group leader na si Hezekiah Kailangan niyang labanan...