CHAPTER 4

145 60 39
                                    

CHAPTER 4




MAY 29, 2017

"MERRY, sandali lang," narinig kong sabi ni Azarel pero hindi ko siya nilingon.

Tuluy-tuloy lang ako sa paglalakad. Pagkarating ko sa exit ay sumalubong sa akin ang malakas na hangin at ulan.

Binuksan ko ang payong ngunit wala rin lang silbi dahil halos tangayin ito ng hangin. Napaatras na lang ako atsaka napasimangot.

May mga tao rin namang naglakas-loob na lumusong sa malakas na ulan, halos tangayin tuloy ng hangin ang mga payong nila.

Naramdaman ko naman na nasa tabi ko na si Azarel. Tumalikod na ako at akmang aalis ngunit may naalala ako. Kung iiwan ko namang basta-basta si Azarel dito, parang lumalabas na wala akong good manners.

Kanina kasi ay niyaya ako ni Kuya Melchi rito sa mall. Hindi ko naman akalaing si Ate Karel at Azarel ang katatagpuin niya rito kaya niya ako isinama.

Sabay-sabay pa kaming kumain kanina, magkatapo pa nga kami ni Azarel. Subalit noong pagkatapos naming kumain, may tumawag kay Ate Karel, si Tita Zandra daw. Tumawag siya dahil pinapapunta niya silang dalawa ni Kuya Melchi sa laboratory nila.

Kaya sa huli, naiwan kaming dalawa ni Azarel dito sa mall. Gusto ko na ngang umuwi dahil nahihiya ako sa kaniya, pero ang lakas naman ng ulan sa labas.

Bumalik na lamang ako sa loob ng mall, sumabay naman sa akin si Azarel sa paglalakad, ngunit walang umimik sa amin.

Dumiretso ako sa isang book store at nakasunod pa rin siya sa akin. Halos magtatalon ako nang makita ang mga maraming libro. Napangisi pa ako ng abot tainga dahil tila nabubuhayan ako sa mga libro.

"Iiwanan muna kita saglit dito. May bibilihin lang ako pero babalikan kita rito," pagpapaalam niya sa akin habang ako naman ay nakatingin lamang sa mga libro.

"Sige lang."

Nang lingunin ko siya ay lumalakad na siya papalayo. Nilibot ko ang buong book store at huminto sa tapat ng isang mataas na shelf.

Sa sobrang dami ng mga libro, hindi ko tuloy alam kung ano ang unang kukunin ko. May isang libro na talagang gusto kong bilihin. Nag-iisa na lang ito kaya agad kong inabot, ngunit bago ko pa man abutin, may babaeng agad na kumuha roon.

Napatitig ako roon sa babae. Mas matangkad ako sa babae tapos kagaya ko, hanggang balikat lang din ang haba ng buhok.

Tinignan ko 'yong libro habang hawak niya sabay tingin sa kaniya. Ngumiti lamang siya at tinalikuran ako. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nakapag-bayad na siya sa counter.

Napasimangot ako at iiwas na sana ng tingin, ngunit laking gulat ko nang makita ko kung sino ang kasama niya. Hindi ako puwedemg magkamali, 'yong taong gustung-gusto ko ang kasama niya.

Magkasintahan ba silang dalawa? May iba ng iniibig ang taong gusto ko?

Tumalikod na sila at lumakad papalayo. Dali-dali ko silang sinundan nang palihim. Nakalayo na rin ako sa book store. Hindi ko alam kung saan sila papunta basta sinusundan ko lang sila.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang sunod nilang ginawa. Magkahawak ang mga kamay nila habang naglalakad sila.

"Pinapasabi nga pala ni mama na pupunta raw kami bukas sa inyo," narinig kong sabi n'ong babae. Hezekiah pala ang pangalan niya...

Hindi ko man ginusto, naramdaman kong parang may maliliit na karayom na tumutusok sa puso ko.

Bakit kailangan kong maramdaman sa kaniya ito? Bakit nasasaktan ako dahil may kasama siyang iba

✓Angel By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon