CHAPTER 26
October 20, 2020
MAGDADALAWANG taon na ang lumipas simula noong lumipat ako dito sa Pangasinan. Sa totoo lang, miss na miss ko na sila sa San Alidrona, kaya lang ay wala akong choice dahil may pasok ako.
First year college na ako ngayon. Ang bilis ngang lumipas ng mga araw dahil parang kahapon lang noong lumipat ako dito sa Pangasinan. Pareho rin kami ng pinapasukang university ni Minerva.
Nakapasa kasi kami sa admission test at scholarship dito sa College of Eastern Pangasinan. BS Business Administration ang kinuha ko at si Minerva naman ay Bachelor of Secondary Education.
Noong recognition noong Grade 11 at graduation noong Grade 12 ay pinuntahan ako nina mom, dad, at Kuya Mike. Noong Christmas naman ay nagbakasyon din sila dito ng limang araw. Pero iba pa rin talaga kung araw-araw ko silang kasama.
Walang araw na hindi ko sila na-miss. Palagi ko silang na-iisip at gustung-gusto ko ng makabalik doon pero hindi pa talaga puwede.
Si Azarel, nakaka-videocall ko naman pero magdadalawang taon ko na siyang hindi nakikita ng harapan. Mas naging busy siya kaya hindi siya nakakadalaw sa akin dito sa Pangasinan. Sina Rachelle at Rica rin, puro sa videocall lang.
Magkaklase pa rin kami ni Rhaiza dahil pareho lang kami ng kurso. Siya lang at si Minerva ang kaibigan ko dito ngayon.
"Wala kang klase ngayon, Kuya Mike?" tanong ko at umupo sa gilid ng soccer field.
Vacant subject ko ngayon at dalawang oras ang free time ko kaya malaya kong nakakausap si kuya sa video dahil eksakto rin namang online siya.
"Hindi ako nakapasok dahil nilalagnat ako," tugon niya sabay bahing. "Ikaw, saan ka ngayon?" tanong din niya.
"Soccer field. Vacant kasi namin ngayon, at wala akong gagawin kaya naisipan kong tumawag. Kumusta kayo riyan? Magpagaling ka kaagad dahil baka nami-miss ka na ng mga babae mo," biro ko at tinawanan siya.
"Ayos lang ako. Gagaling din naman ako kaagad. Isa pa, loyal ako kay Lana," saad niya kaya bahagya akong napatahimik.
"K-Kumusta na si Ate Lana?"
"Si Lana nga ba ang nais mong kumustahin?"
"Sige na nga, kumusta siya?" tanong ko at napakagat sa aking labi.
"Hindi ko na alam kung ano ang nagyayari kay Hezekiah. Pagkatapos ng recognition niyo noong Grade 11 ay pinuntahan niya ako pero hindi ka niya binanggit. Ibinilin niya sa akin na ako na raw ang bahala kay Lana."
"B-Bakit daw?"
"Hindi ko rin alam dahil hindi niya sinabi ang dahilan. Tapos nalaman ko na lang kay Lana na hindi na life group leader si Hezekiah, kaya si Lana na ang may hawak kina Crissel noong Grade 12. Hindi na rin siya tumutugtog sa church. Sobrang dalang ko na lang din siyang makita. Pati si Lana nga ay sobrang dalang niya ng makausap, kaya kaming dalawa palagi ni Lana ang magkasama," pagsasalaysay niya kaya napasimangot ako.
Ano na ba ang nangyayari kay Hezekiah. Bakit siya biglang naging gan'on? Bakit siya tumigil sa pagiging life group leader?
"Ngayon, kumusta kaya siya?"
Ngumiti naman nang malawak si kuya kaya sinamaan ko siya nang tingin. Napatawa naman siya sa inasal ko.
"Easy lang! Isang taon na siyang licensed architect," wika niya.
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Kung gan'on ay naisakatuparan na ang pangarap niya. Sayang nga lang dahil wala ako doon para batiin siya.
Ang tagumpay niya ay tagumpay ko rin kaya masayang-masaya ako para sa kaniya. Napawi naman ang ngiti sa aking labi nang mapagtanto kong hindi na nga pala kami katulad ng dati.
BINABASA MO ANG
✓Angel By Your Side
SpiritualKakaibang pananaw ang nais ni Merry Crisostomo sa kanyang buhay. Ngunit ang pananaw na iyon ay naglaho dahil hindi nito napigilan ang sarili na umibig sa isang Christian guy na Violinist at life group leader na si Hezekiah Kailangan niyang labanan...