CHAPTER 7

85 32 20
                                    

CHAPTER 7

SEPTEMBER 08, 2017

"SINONG kasabay mong uuwi mamaya?" tanong sa akin ni Azarel habang kumakain kami sa canteen.

"Wala nga, eh. Magko-commute ako dahil wala 'yong driver namin ngayon. Sina kuya naman may kaniya-kaniya silang pinagkakaabalahan," sagot ko matapos kong malunok lahat ng pagkaing nginunguya ko.

"Kung gusto mo sabay na tayo," suhestiyon niya naman.

"Gusto ko iyan! Sige, sabay na lang tayong umuwi tutal pareho tayo ng dadaanan."

Napatingin naman sina Rica at Rachelle sa akin at hindi ko napalampas ang mapanukso nilang ngiti at tingin.

Nagtataka sila sa inaasal namin ni Azarel dahil bigla na lamang daw kaming naging close sa isa't isa samantalang noon ay iniiwasan ko siya. Matapos kasi 'yong nangyari noong gabi ng nakaraang buwan ay doon ko napagtanto na hindi ko dapat isarado ang puso ko para sa mga taong nais maging parte ng buhay ko.

Naiisip ko lang na hindi ko dapat iniiwasan o ipinagtatabuyan ang mga taong laging nasa tabi ko sa tuwing ako namimighati ako.

Palaging nasa tabi ko si Azarel sa tuwing malungkot ako o kailangan ko ng comfort. Hindi lang isa o dalawang beses na nandiyan siya para sa akin. Ilang beses na naulit iyon. Nakaka-guilty nga dahil palagi ko siyang iniiwasan. Kaya pagkatapos ng gabing iyon, nakipag-usap ako sa kaniya.

"Mauuna na ako, hintayin na lang kita sa labas ng room niyo," pagpapaalam niya kaya tumango ako. Hindi naman malayo ang building nila sa amin kaya hindi na siya mahihirapan pa. Grade 11-ABM si Azarel.

Pagkaalis ni Azarel ay pinaulaanan ako nina Rachelle at Rica ng tukso kaya naman ay asar na asar ako sa kanilang dalawa. Para silang mga uod na binudburan ng asin.

Hindi ko na ikinuwento kung paano kami naging close at kung ano ang rason ng closure namin dahil ayokong malaman nila na dahil iyon sa palaging nandiyan si Azarel sa tuwing nalulungkot ako dahil kay Hezekiah.

Sa pagsapit ng uwian, gaya ng napag-usapan namin ni Azarel, hinintay niya ako sa labas ng room namin. Nakakahiya nga dahil mahigit kalahating oras siyang naghintay. Maaga yata silang pinaalis ng teacher nila.

"Mauuna na kami tutal nandiyan na 'yong bebe—este, sundo mo," pang-aasar na naman nina Rica at Rachelle kaya inirapan ko sila.

Pagkaalis nila ay agad na rin akong lumabas. Nakita naman ako kaagad ni Azarel kaya napangiti siya. Hindi pa rin mabura sa labi niya ang ngiti habang papalapit siya sa akin.

"Kanina mo pa ba ako hinihintay?" tanong ko kahit alam ko naman na mahigit sa kalahating oras siyang naghintay sa akin.

"Hindi naman," tugon niya at tumingin sa kaniyang relo, "mga 10 minutes pa lang ako dito," pagsisinungaling niya pero hindi ko na lang iyon pinansin. Bakit kailangan niyang ipagkaila na matagal na siyang naghihintay?

Pagkalabas namin sa building ay umaambon. Agad ko namang kinuha 'yong payong ko sa bag. Hinihintay kong ilabas ni Azarel 'yong payong niya pero naiwanan niya raw sa bahay nila kaya nag-share na lang kami sa iisang payong.

Siya na ang naghawak ng payong tutal ay mas matangkad naman siya sa akin. Napatingin sa amin ang mga estudyanteng napapadaan kaya napayuko ako. Marahil ay nagtataka sila kung bakit bigla na lamang kaming naging close samantalang noon ay hindi ko siya pinapansin. Nakaka-guilty nga dahil dinadaan-daanan ko lang siya noon.

"Huwag mo na lang silang pansinin," sabi ni Azarel sa akin kaya napatango ako.

Pagkarating namin sa parking lot ay agad na kaming sumakay sa kotse nila. Pinaandar na rin ng driver nila ang kotse at eksaktong pagkalabas namin sa school ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mamayang gabi pala magla-landfall iyong bagyo kaya malakas ang ulan at medyo mahangin.

✓Angel By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon