CHAPTER 29
APRIL 16, 2025
HINDI maipaliwanag ang sayang aking nararamdaman habang naglalakad ako sa pulang carpet suot ang puting traje de boda. Mas lumawak ang nakaukit na ngiti sa aking labi nang matanaw ko sa malapit sa dalampasigan ang lalaking pinakamamahal ko. Suot niya ang kaniyang puting tuxedo.
Kahit malayo pa ako sa kaniya, kitang-kita ko ang kaniyang matamis na ngiti. Ang mga ngiti niyang iyon ay sumasabay sa banayad na pag-alon ng dagat. Marahan akong napakagat sa aking labi dahil pinipigilan ko ang pagluha ng mga mata ko.
Mas lalong nangibabaw ang hindi maipaliwanag na galak sa aking puso dahil sa saliw ng musika na nagmumula sa pagtugtog nila ng violin at piano. Ang tugtog na iyon ang siyang araw-araw na magpapaalala ng pagmamahal ko kay Hezekiah. Ang "Anghel na Kakandili sa Iyo".
Tatlong taon na ang nakalilipas simula noong sagutin ko si Hezekiah. Masasabi kong hinding-hindi ko pinagsisisihang tanggapin ang kaniyang pag-ibig na ako ang nagpasimula. Araw-araw ay ipinapakita niya ang kaniyang buong-pusong pagmamahal sa akin.
Walong taon na ang nakalilipas noong una akong nagkagusto sa kaniya. Natatandaan ko pa ang araw na iyon, April 16, 2017. Hindi ko akalain na aabot kami sa ganito. Dati ay iniibig ko lang siya mula sa malayo.
Nasira ang pagsasamahan naming dalawa ngunit ngayon ay naayos na. Muli itong nahulma kahit pa matagal na panahon bago ito muling nabuo. Hindi iyon naging imposible dahil ang muling humulma ng aming pag-iibigan ay ang Maykapal na may likha ng lahat. Siya ang muling bumuo ng pag-iibigan namin.
Paano iyon nangyari? Simple lang, Siya ang naging sentro at pundasyon ng pag-iibigan namin. Higit sa lahat, alam naming ito ay perfect will.
Nang marating ko ang kaniyang tabi ay nagkatitigan kaming dalawa habang nakaukit ang matatamis na mga ngiti sa aming labi. Sumabay pa ang magandang view dahil malapit na ang paglubog ng araw. May-maya pa ay nagsalita na si Bishop.
"Nagtipun-tipon tayo ngayon upang ipagdiwang ang kasal nina Hezekiah Peregrino at Merry Crisostomo. Narito kayo ngayon upang ibahagi ang inyong suporta at pagmamahal, at para masaksihan ang pagiging isa nina Hezekiah at Merry."
Nandito lahat ng mga taong importante sa akin para saksihan ang pagiging isa namin ni Hezekiah. Mga co-members ko sa life group, sina Rica at Rachelle, basta lahat ng mga taong importante sa akin. Nandito nga rin si Ate Lana, eh. Engaged na rin silang dalawa ni Kuya Mike at sa susunod na taon din sila ikakasal.
Kahit matagal ng wala sa piling namin si Kuya Melchi, alam kong masaya siya para sa akin ngayon. Kung nabubuhay lamang sana siya ay baka kasal na rin siya sa taong mahal niya ngayon.
Muli kaming nagkatinginan ni Heze. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa lahat-lahat. Hindi ko akalaing aabot kami sa ganito samantalang noon ay tinatanaw ko lamang siya sa malayo.
Habang on-going ang wedding ceremony ay tila bumabalik sa aking memorya ang mga masasaya kong alaala kasama si Hezekiah. Pagkatapos ng kasal na ito ay mas marami pa kaming bubuuing alaala at babaunin namin hanggang sa pagtanda.
Hanggang sa pagsapit ng declaration of intent ay hindi pa rin mabura ang ngiti sa aking labi kahit na nangingilid na ang aking mga luha dahil sa saya.
"Do you, Hezekiah Peregrino, take this woman to be your wedded wife?" tanong ni Bishop. Napatingin sa akin si Hezekiah. Ngumiti muna siya atsaka sumagot.
"I do," tugon niya.
Ibinaling naman ni Bishop ang tingin niya sa akin. "Do you, Merry Crisostomo, take this man to be your wedded husband?" tanong din niya sa akin.
BINABASA MO ANG
✓Angel By Your Side
SpiritualKakaibang pananaw ang nais ni Merry Crisostomo sa kanyang buhay. Ngunit ang pananaw na iyon ay naglaho dahil hindi nito napigilan ang sarili na umibig sa isang Christian guy na Violinist at life group leader na si Hezekiah Kailangan niyang labanan...