CHAPTER 10

63 25 13
                                    

CHAPTER 10



DECEMBER 22, 2017

KAHIT na ilang beses ko pang sampalin ang sarili ko, hindi ako magigising mula sa malalim na pagkakatulog dahil nasa reyalidad ako. Totoo ang mga nangyayari. Totoong nag-e-exist na ako sa buhay niya. Totoo ang lahat.

"A-Ano pong ginagawa niyo rito?" nauutal na tanong ko habang papalabas ako ng kuwarto ko.

Halos hindi ako makapagsalita, at maging ang mga tuhod ko ay nanghihina dahil hindi ako makapaniwala sa nangyayari.

"Merry! Bumaba na raw kayo rito para dito kayo makapag-usap nang maayos!" narinig kong sigaw ni Kuya Mike mula sa sala kaya agad kaming pumunta roon.

Pagkababa namin sa sala, nadatnan ko si Azarel na gulat na nakatingin sa amin. Marahil ay hindi rin siya makapaniwala na magkasama kami ni Hezekiah.

"Nandito pala si Hezekiah—I mean, Kuya Hezekiah!" ani Azarel at hindi inaalis ang pagkakapako ng tingin sa amin.

"Ano pala ang sadya mo rito?" tanong naman ni Kuya Melchi. Mabuti na lang ay kami-kami lamang ang naririto. Sina dad ay umalis na naman.

"Isasama ko pala si Merry sa life group namin," tugon naman ni Hezekiah at isinalaysay pa kung ano ang gagawin namin.

Pumayag naman si Kuya Melchi, ngunit si Kuya Mike naman ay ngisi nang ngisi na parang nang-aasar.

Kung hindi lang siguro nakaharap si Hezekiah, matagal ko na siyang binato ng tsinelas ko. Parte na talaga ng pamumuhay ni Kuya Mike ang asarin ako nang asarin.

Sinabihan ako ni Hezekiah na magdala ako ng extra notebook at ballpen. Pati na rin ang Bible kung mayroon daw ako. Wala akong nahanap, mabuti na lamang ay may naka-install na Bible app sa cellphone ko.

Makalipas ang limang minuto ay umalis na kami sa bahay. Isinasama nga si Azarel pero tumanggi siya. Ito ang napansin ko kanina, hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako dahil nakita kong sinimangutan kami ni Azarel noong papaalis na kami ni Hezekiah.

"May lima akong miyembrong ipakikilala ko sa iyo mamaya. Schoolmates mo lang din sila kaya tiyak na magiging ka-close mo sila kaagad," wika ni Hezekiah habang iminamaneho niya ang kotse na pinagsasakyan namin. Ni hindi ko alam kung saan kami papunta.

"G-Gan'on po ba?"

Ngumisi naman siya at sinabi sa akin, "Oh, bakit parang nahihiya ka sa akin?" Bahagya siya lumingon, "Huwag ka ng mahiya dahil simula ngayon, para mo na rin akong kuya."

Para mo na rin akong kuya. Hanggang kuya na lang ba talaga? Ayos na rin sa akin ito. Kahit papaano ay nagkakaroon na kami ng closure at nage-exist na rin ako sa buhay niya.

"S-Sige po... kuya," matipid na tugon at bahagyang ngumiti.

Tahimik lamang kami buong biyahe. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil hindi naman talaga ako pala-salita. Hindia ko makapag-open ng topic, lalo na at nahihiya ako sa kaniya. Isa pa, hindi ako makapaniwala na darating din pala ang panahong ito.

Noong makarating na kami sa aming pupuntahan ay agad na akong bumaba. Siya naman ay inayos ang pagkakapark sa sasakyan. Nasa San Alidrona Park kami ngayon.

Napapikit ako habang dinadama ang sariwang simoy ng hangin. Kahit alas tres pa lang ng hapon ay lumalimig na rin ang simoy ng hangin dahil Desyembre na. Idagdag pa ang paghalo ng mababangong halimuyak ng mga bulaklak.

"Nandito na tayo sa San Alidrona Park. Tuwing walang pasok ay dito tayo magkakaroon ng service. Kapag may pasok naman ay sa school niyo na," wika niya habang nakatayo sa tabi ko.

✓Angel By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon