CHAPTER 16
FEBRUARY 09, 2018
NGAYON ay araw ng biyernes, kaya muli ko na namang kasama ang mga co-members sa life group. Gaya ng dati, si Heze ang nagtuturo sa amin. Kasama na rin namin sa life group sina Rachelle at Rica.
"Dahil Love Month na ngayon, ang topic natin ay tungkol din sa pag-ibig," panimula ni Heze pagkatapos naming magdasal at umawit na worship song.
Gaya rin ng dati, tahimik lamang kami sa tuwing siya ay nagpapaliwanag. Atsaka lamang kami nagsasalita kung sasagot kami sa mga katanungan niya. Masyadong interesting ang topic kaya kailangan kong makinig mabuti at isulat ang mga importanteng detalye.
"Ang Diyos ang orihinal na may akda ng pag-ibig kaya nga palagi nating naririnig sa karamihan na ang Diyos ay pag-ibig. Kailangan nating mahalin ang bawat isa dahil kung hindi natin iyon ginawa, hindi natin kinikilala ang Diyos dahil ang Diyos ay pag-ibig," pagpapaliwanag ni Heze at may binanggit pa siyang verse tungkol dito at agad ko iyong isinulat. "7Beloved, let us love one another: for love is of God; and everyone that loveth is born of God, and knoweth God. 8He that loveth not knoweth not God; for God is love." (1John 4:7-8)
Nabanggit niya rin na ang tunay na pag-ibig ay ang pagmamahal ng walang anumang kondisyon. Unconditional love kung tawagin sa Ingles, at Agape naman sa salitang Griyego. Masasabing tunay ang pag-ibig mo sa isang tao kung tatanggapin mo kahit anong mga imperfections ang mayroon siya.
Kasalukuyan akong may isinusulat na importanteng detalye sa aking notebook nang bigla akong napatigil noong marinig ko ang ang halimbawa niya sa Agape.
"Isang pang halimbawa sa unconditional love ay ang agwat ng edad ng dalawang nagmamahalan," aniya kaya napatingin lamang ako sa kaniya.
Halos magwala ang puso ko nang mapansin kong nakatingin din siya sa akin. Ramdam ko rin ang pamumula ng aking pisngi.
Bakit sa dinami-rami ng puwedeng maging halimbawa ay iyan pa ang naisip mo, Heze?
"Hindi hadlang ang edad sa dalawang taong tunay na nagmamahalan kahit pa higit na mas matanda o mas bata ang isa sa kanila," wika niya at inilipat ang tingin sa iba. "Iba pang halimbawa, mahal mo siya kahit na hindi siya marunong magluto, mahal mo kahit mas bata sa iyo, mahal mo kahit mas matanda sa iyo, at higit sa lahat mahal mo siya kahit hindi siya perpekto."
Napahinga ako nang maluwag matapos ang tungkol sa Agape. May iba pa siyang binanggit gaya ng Phileo o friendly love, Storgy o natural affection gaya ng pagmamahal na ina sa anak, at ang Eros o ang sexual love.
Napatitig na naman ako sa isinulat kong verse sa aking notebook. "12This is my commandment, that ye love one another, as I have loved you. 13Greater love hath no man this, that a man lay down his life for his friends."
Pinakadakilang pag-ibig ang handang mag-alay ng buhay para sa taong kaniyang pinakamamahal. Ako, ano nga ba ang handa kong iaalay para sa taong mahal ko? May mapapala kaya ako?
Pagkatapos ng life group namin ay binilisan na namin ang pagkilos para makauwi na kami. Gaya rin ng dati, tuwing may life group ay si Heze ang naghahatid sa akin pauwi sa bahay.
Magkakasabay ng umalis sina Rachelle at Rica at iba pang mga members kaya kami na lamang ulit ni Heze ang naiwan. Mabilis ang bawat paghakbang namin dahil alas sais na at inaaagaw na ng dilim ang kalangitan.
Habang naglalakad kami ay napatigil siya at napahawak sa kaniyang sentido. Napapikit siya habang hinihilot iyon.
"May masakit po ba sa inyo? Ayos lang po ba kayo?" sunod-sunod na tanong ko, at inilalayan siyang umupo sa malaking bato na hindi kalayuan sa pinag-parking-an niya ng kaniyang motor.
BINABASA MO ANG
✓Angel By Your Side
SpiritualKakaibang pananaw ang nais ni Merry Crisostomo sa kanyang buhay. Ngunit ang pananaw na iyon ay naglaho dahil hindi nito napigilan ang sarili na umibig sa isang Christian guy na Violinist at life group leader na si Hezekiah Kailangan niyang labanan...