CHAPTER 15
JANUARY 22, 2018
"CLASS, mamayang hapon ay suspended ang klase ng mga Grade 10 and Grade 12 students dahil may meeting ang mga advisers mamaya para sa incoming Junior and Senior Promenade," anunsyo ng class adviser namin kaya naman napapalkpak ang lahat dahil wala na namang klase.
Halos lahat ay excited para sa darating na prom maliban sa akin. Sigurado ako na hindi ako papayagang sumali diyan dahil paniguradong magpupuyat kami niyan. Hindi ako puwede sa mga ganiyan dahil mababa ang hemoglobin ko.
Isa pa, wala rin naman akong hilig sa mga ganiyan kaya wala namang mawawala sa akin kahit na hindi nila ako payagan.
Pagkaalis naman ng guro naming ay eksaktong may na-receive akong message mula sa aking messenger kaya agad ko iyong binasa.
Galing kay Marie ang chat. Nasabi niya pala kay Heze na wala kaming pasok mamayang hapon. Sabi raw ni Heze sa kaniya, punta raw kami ng lunch break sa San Alidrona Park para i-celebrate ang kaniyang 22nd birthday.
Dapat kasi ay mamayang alas singko pa kami pupunta, ngunit wala namang pasok mamayang hapon kaya sa lunch break na kami pupunta.
"Gusto niyo bang sumama mamaya?" tanong ko kina Rachelle at Rica kaya napalingon silang dalawa sa akin.
"Saan naman tayo pupunta? Himalang ikaw ang nagyayaya ngayon, ah," katuwiran ni Rica.
Umukit ang malawak na ngiti sa aking labi. "Sa San Alidrona Park dahil birthday ngayon ni Hezekiah! Dali na, sama na kayo!"
"Nakakahiya kaya, hindi naman kami kasali sa life group ninyo tapos makikikain kami. Hindi na, nakakahiya," tugon ni Rica. Si Rachelle naman ay halata sa ekspresyon ng kaniyang mukha na gusto niyang sumama.
Humarap naman si Rachelle kay Rica. "Sama na tayo kay Merry sa celebration tapos sumama na lang tayo sa mga susunod nilang life groups."
"Oo nga, sama na kasi kayo. Mababait naman sila at hinding-hindi nila iisipin iyang sinasabi ninyo," pagsang-ayon ko sa sinabi ni Rachelle kaya napa-isip naman si Rica.
"Sige na nga!"
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay hinalungkat ko ang aking bag kung nadala ko ba ang ginawa kong regalo para kay Heze. Isa itong color blue na knitted bracelet na gawa sa makakapal na sinulid na ginawa ko kahapon. Marunong kasi ako pagdating sa mga crochets.
Advanced Computer Programming ang susunod naming subject. Ngayon din ang deadline ng pagpasa ng System Proposal namin. Pagkapasa naming lahat ay inanunsyo ni Ma'am Karen na next month ay magkakaroon kami ng defense para sa proposal namin.
Kulang na lang ay hilain ko ang oras para sumapit na ang dismissal para makapunta na kami sa San Alidrona Park. Pagkatapos ng klase ay mas mabilis pa sa alas kuwatro kong hinila palabasa sina Rachelle at Rica. Eksakto namang nakasalubong namin sina Crissel, Marie, Irish, James, at Jerico kaya sabay-sabay na kaming pumunta sa San Alidrona Park.
Dumiretso na kami sa silong ng mga Fire Trees dahil siguradong nandoon na si Heze. Noong una ay nahihiya pa sina Rachelle at Rica kina Crissel pero naging makakasundo rin lang naman sila habang lumilipas ang mga minuto. Lalo na sina Marie at Rachelle, pareho kasi silang dalawa na madaldal.
"Happy Birthday po!" masayang bati naming lahat kay Heze noong pagkarating namin doon. Bakas naman ang kagalakan kay Heze dahil hindi mabura ang ngiti sa kaniyang labi.
"Oh, kasama mo pala ang mga bestfriends mo. Mabuti ay sumama na sila sa iyo rito," ani Heze habang nakatingin kina Rica. Kilala na sila ni Heze dahil naikukwento ko sila sa kaniya noon.
BINABASA MO ANG
✓Angel By Your Side
SpiritualKakaibang pananaw ang nais ni Merry Crisostomo sa kanyang buhay. Ngunit ang pananaw na iyon ay naglaho dahil hindi nito napigilan ang sarili na umibig sa isang Christian guy na Violinist at life group leader na si Hezekiah Kailangan niyang labanan...