EPILOGUE
A year later...
Napatingala ako sa kalangitan at tinitigan ang mga ulap na nagiging kulay abo. Maya-maya pa ay tuluyan nang umambon. Hinayaan ko lamang na pumatak ang ambon sa mukha ko. Napapikit ako habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin.
Mayamaya ay umayos na ako ng tayo at pumasok na sa loob ng church. Napangiti naman ako nang i-welcome nila ako at ipinakilala sa harap. Ako ang guest nila ngayon para magbahagi ng testimony sa series na pinag-aralan nila. Ang Perfect Will Series.
Saglit kong tinignan ang mga kabataang sa tingin ko ay nasa edad 14-20. Napahinga ako nang malalim atsaka muling ngumiti. Inilapag ko sa podium ang dala kong diary at hinarap silang lahat.
"Maraming salamat sa ibinigay niyong opportunity para maibahagi ko sa inyo ito ngayon bilang pagtatapos ng Perfect Will Series na pinag-aralan niyo tuwing linggo sa loob ng isang buwan," panimula ko.
"Ang ibabahagi ko ngayon ay tungkol sa naranasan ko sa pag-ibig. Ang lahat ng ito ay nag-umpisa 12 years ago. Magki-kinse lang ako no'n at ngayon ay 27 na ako. Nagmahal ako noon ng isang taong hindi niya alam na nag-e-exist pala ako. Nagkakasalubong kami, magkasunod maglakad, at ang lapit ko sa kaniya pero parang hindi niya ako nakikita. Kahit na may iba siyang minamahal, hindi natinag ang nararamdaman ko para sa kaniya," saglit akong tumigil at binuklat ang aking diary.
"Kahit na malayo ang age gap namin, hindi naging hadlang iyon. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Hiniling ko sa Diyos na sana pagtagpuin ang landas namin," dagdag ko pa at ibinahagi sa kanila ang naging kwento ng aking pag-ibig.
Ikinuwento ko lahat-lahat. Gusto kong kapulutan nila ng aral ang nangyari sa akin noon. Gusto kong ipakita sa kanila kung gaano kadakakila ang pag-ibig na ang Diyos mismo ang nagtakda. Gusto kong ipamulat sa kanila kung ano nga ba ang Perfect Will.
Kitang-kita ko mula rito sa stage ang pagluha ng karamihan. Napakagat ako sa aking labi hindi dahil sa sakit kundi dahil sa galak. Hindi ko akalaing malalampasan ko ang lahat ng mga iyon.
"Si Hezekiah... siya ang anghel na kumandili sa akin. Labis ang pasasalamat ko dahil ipinakilala siya ng Diyos sa akin. Kung hindi ko siya nakilala, hindi ko rin siguro malalaman kung gaano Siya kadakila. Hindi ko rin mauunawan ang Perfect Will," sabi ko pa kaya mas lalo silang naluha.
"May tao talagang darating sa buhay natin na magiging instrumento upang tayo ay magbago. I thought love is just a biological feeling that can be explained by Science, ngunit nagkamali ako. Love conquers everything even death." Mas lumawak ang aking ngiti dahil sa naisip kong susunod na sasabihin.
"Yes, love conquers death. Ang nangyari kay Hezekiah ay ang pinakamalaking milagrong nasaksihan ako. Right after I told God that I still believe on His Perfect Will, ibinalik niya ang buhay ni Hezekiah. Bumalik ang normal na pagtibok ng kaniyang puso at nagising siya na tila walang nangyari." Narinig ko ang malakas na palakpakan matapos kong sabihin iyon.
Dumako ang tingin ko kay Hezekiah na nakangiti sa akin habang pumapalakpak sa gilid ng entablado. Hanggang ngayon ay labis-labis pa rin ang kasiyahan ko dahil hindi siya tuluyang binawi ng Diyos sa akin.
"Kaya narito ako sa harap ninyo ngayon upang patunayan na His Perfect Will is true. You need to have a faith and belive on Him. Tapat siya sa Kaniyang mga pangako at hinding-hindi Niya babaliin ang mga iyon. It takes time pero kailangan lang natin maghintay at maniwala," saad ko. Lumapit naman sa akin si Heze kaya mas nagpalakpakan sila.
"I can say that our love with each other is God's Perfect Will. We're destined for each other para magpatotoo sa nakararami tungkol sa perpektong kalooban Niya, at para makapagpabahagi ng aral sa mga kabataang gaya ninyo. Salamat sa inyong lahat. Let God's Perfect Will be done," wika ko bilang pagtatapos.
BINABASA MO ANG
✓Angel By Your Side
SpiritualKakaibang pananaw ang nais ni Merry Crisostomo sa kanyang buhay. Ngunit ang pananaw na iyon ay naglaho dahil hindi nito napigilan ang sarili na umibig sa isang Christian guy na Violinist at life group leader na si Hezekiah Kailangan niyang labanan...