ACKNOWLEDEMENTS
Mahigit tatlong taon na ang nakalilipas simula noong inumpisahan kong isulat ang akdang ito. Salamat sa inyong lahat na sumuporta sa akin. Ang mga sumusunod ay nais kong pasalamatan:
Ang aking mga magulang, at ang aking kapatid, dahil sa lubos na pag-unawa at pagsuporta nila sa akin.
Si 'Nay Almar at ang buong CLP, kung hindi dahil sa kanila, hindi ito maililimbag.
Sina Rachelle, Rica, at Rhaiza, aking mga matalik na kaibigan, na palaging nakasuporta sa akin simula noong una.
Sina Rose Anne, Rhode, at Lecca, na una palagi sa pag-abang sa mga updates ko. Idagdag pa ang buong Poem Republic/Team Apollo, mga kaibigan ko sa wricon world.
Si Mentor Emerald Blake na matiyagang nagtuturo sa amin upang lumago sa larangan ng pagsusulat.
Higit sa lahat, ang PANGINOON dahil sa talentong ibinigay Niya sa akin. Siya ang naging katuwang ko upang matapos ito.
Sa Kaniya lahat ng papuri at kadakilaan!
***
DEDICATIONS
Ang espesyal na akdang ito ay para sa mga taong espesyal sa buhay ko. Sila ay ang aking pamilya, mga kaibigan, at sa lahat ng mga sumusuporta sa akin. Iniaalay ko rin ang akdang ito sa lahat ng mga naging karakter ng kuwentong ito.
Higitsa lahat, ang nobelang ito ay para sa Diyos na nagbigay sa akin ng ganitongtalento.
--
Pakibasa po ulit ang next part, tungkol naman iyon sa pagkakalimbag nito bilang isang libro.
BINABASA MO ANG
✓Angel By Your Side
SpiritualKakaibang pananaw ang nais ni Merry Crisostomo sa kanyang buhay. Ngunit ang pananaw na iyon ay naglaho dahil hindi nito napigilan ang sarili na umibig sa isang Christian guy na Violinist at life group leader na si Hezekiah Kailangan niyang labanan...