CHAPTER 30

104 17 3
                                    

CHAPTER 30


APRIL 16, 2028

"HAPPY 3rd anniversary!" masayang bati sa akin ni Hezekiah at hinalikan ako sa noo. Napabangon naman ako at niyakap siya nang mahigpit.

"Happy 3rd anniversary sa atin at happy 11th anniversary sa pagmamahal ko sa iyo!" tugon ko at kumalas sa pagkakayakap sa kaniya. Umupo naman siya nang maayos sa tabi ko at pinagpag ang mga buhangin sa likuran ko.

"Sabi ko kasi sa iyo huwag kang hihiga dito sa buhanginan," saad niya habang pinapagpagan ang damit ko.

"Masaya kaya!" giit ko at hinila siya kaya pareho kaming napahiga sa buhanginan. Napangiti naman ako nang maramdaman ko ang pagtama ng alon sa paa ko.

Tatlong taon na rin ang nakalilipas simula noong ikinasal kami ni Hezekiah. Ang bilis lumipas ng mga taon. Parang kahapon lang noong nagsimula akong nahulog sa kaniya. Parang kahapon lang hinahangaan ko lang siya.

Nasa dalampasigan kami ngayon nng Islands of Merdes. Kaunti lamang ang mga tao rito ngayon kaya hindi gan'on kaingay. Nakikisama rin ang kalangitan sa amin dahil makulimlim. Hindi tuloy nakasusunog sa balat ang init.

"Ang ganda talaga rito. Sana isinama natin si Maryjoy para tatlo tayo," wika ko at napahikab.

Nakakaantok kasi ang tunog ng alon sa dagat. Naka-relax kaya parang hinihila ako nito para matulog.

"Ngayon na nga lang kita masosolo, eh. Kahati ko na si Mika sa atensyon mo," sambit niya at napanguso.

Mahina ko namang pinalo ang dibdib niya at tinawanan siya. "Nagseselos ka ba sa batang dalawang taon?" tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya habang nakangisi.

"Syempre joke lang. Baby natin iyon, eh. Siya ang bunga ng ating labis na pagmamahalan. Siya ang patunay kung gaano kita kamahal. Siya ang patunay na maganda ang lahi namin—"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil tinawanan ko siya nang malakas. Napatigil naman ako sa pagtawa nang yakapin niya ako nang mahigpit na halos hindi ako makahinga.

"Hindi ako makahinga! Oo na, maganda na ang lahi niyo!" sigaw ko at pilit siyang itinutulak.

"Tara doon sa rock formation," anyaya niya at inalalayan ako sa pagbangon.

Tinanaw ko naman ang rock formation na ilang metro ang layo sa amin. Napaka-divinely ang view doon kaya maganda ang pasya ni Heze na pumunta doon. Habang naglalakad kami sa pampang ay maghawak ang aming mga kamay. May mga taong napapatingin sa amin pero hindi na lang namin iyon pinansin.

Inakyat namin ang rock formation dahil hindi naman iyon gan'on kataas. Umupo kami sa cliff at pinanood ang pag-alon ng dagat. Kung minsan ay may tumatalsik pang mga tubig sa amin.

"Ang bilis din lumipas ng mga taon lalo na kapag ine-enjoy natin ito habang magkasama tayo," saad niya. Sumandal naman ako sa bisig niya at pumikit.

"Parang kahapon lang noong ikinasal tayo," sabi ko naman. Naramdaman ko ang kaniyang kamay na humahaplos sa aking buhok kaya napangiti ako.

"Naalala ko tuloy no'ng nalasing si Azarel tapos umiiyak siya sa dalampasigan," dagdag ko kaya pareho kaming natawa.

"Nalasing o talagang naglasing?" tanong niya.

"Bakit naman maglalasing?"

"Kasi kasal ka na sa akin," sagot niya.

Sabagay, kahit naman sinabi sa akin noon ni Azarel na masaya na siya kung anong meron sa amin alam ko naman na nasasaktan pa rin siya n'on. Naaawa tuloy ako sa kaniya noong araw na iyon. Mabuti na nga lang ay may ikinukwento na siyang babae sa akin ngayon.

✓Angel By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon