C2.0 5

1.8K 29 0
                                    

Dedicated to: bebeabril

>>>>>>>>>>>>

Ilang araw na ba ang nakalipas. Bago dumating ang batang to sa puder namin.

Hindi ba hinahanap ng pamilya nito.

Wala naman palang kwenta ang mga magulang nito.

Sa paglipas ng araw. Halatang napapalapit ang lahat sa bata.

Ako lang ang hindi.

Tsk.

Basta naiinis ako sa bata.

" Little Caine sasama ka ba sa amin ngayon sa hacienda?" Rinig kong tanong ni Tres sa bata.

" No. I will stay here." Sagot naman ng bata.

" Why? Bored ka ba dun?" Si Dos.

" No. It just I want to say here for Manang. Tutulong ako sa kanya sa gawain." Rinig kung saad ng bata.

" Nakung bata ka. Huwag na. Kayang kaya to ni Manang." Sumulpot sa tabi tabi si Manang.

" I insist." Saad ng bata. Wala namang nagawa ang iba kundi mapa iling na lang sa ugaling matanda ng bata.

" Sige Little Caine ikaw ang bahala. Aalis na muna kami ha. Babalik din kami mamaya." Dos.

Napa iling na lang ako at nauna nang lumabas.

Hihintayin ko na lang ang mga lokong yun dito. Tsk.

Nagawa namin pumunta ng hacienda at ginawa ang kinakailangan.

Buong maghapon dahil marami kaming tatapusin.

Hanggang naging busy kami at di na alintana na mag gagabi na pala.

Umuwi na din kami. Bago tapusin ang ginagawa ko.

" Umuwi na tayo. Bukas na natin to ipagpapatuloy." Ako.

Tumango lang ang mga nagtatrabaho. At nagsimula na itong mag-alisan. Habang kami naman nagsi sampa sa kabayo para umuwi sa mansyon.

Agad kaming sinalunong ni Manang pero ang pinagtaka ko walang nakasalubong na bata.

" Manang asan si Little Caine?" Tanong ni Tres.

" Yun batang yun. Naku sinabi ko na huwag nang pagudin ang sarili. Di man lang nakinig. Ayon tulog na. Nilinisan ko muna ito bago bihisan at ilagay sa kwarto nito." Manang.

" Bakit ano po bang ginawa?" Si Dos.

" Naku iho. Hindi ka maniniwala. Sa ganoong edad kaya na niya magligpit ng mga bagay bagay. Marunong din siyang tumiklop ng mga damit. Yung mga niluto ko alam na alam nito kay hindi siya nahirapan maging assistant ko sa pagluluto. Siya din yung dumilig ng mga halaman sa hardin. At tinulungan sa iba pang gawain." Manang

" Talaga?" Di makapaniwalang saad ng dalawa.

Tumango naman si Manang.

" Alam nyo bang tinatanong ko siya kanina. Kung bakit kailangan nitong tulungan ako. Alam nyo ba ang sinabi niya.?"

Flashback....

" Nak? Hindi ka ba nahihirapan? Sa ginagawa mo ngayon. Alam kung di ka sanay sa mga gawain na to?"  Manang.

" No worries. May alam ako sa mga gawain Manang." Sagot ng bata.

" Talaga? Sa edad mo bang yan? Pinagtatrabaho ka ba ng pamilya moh?" Manang.

" No Manang. I am a princess to my beautiful Mother. Hindi nga ako nito pinapayagan sa mga gawain. Buhay prinsesa ako sa bahay." Saad ng bata.

Cold version 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon