C2.0 8

1.8K 33 0
                                    


Dedicated to: sniperskey

>>>>>>>>>>>>>>

" What? Kung noon pa pala kayo nakabantay sa kanya? Eh dapat di siya nakidnapp?" Saad ko.

" Sinundan namin ang kumuha sa kanya at agad na sinugod ng makatakas ang Young Lady. Kami yung bumugbog sa mga nagtangkang habulin ito ng makatakas ang Young lady. At isa pa sa pagmamasid namin. Nakita namin kayo na nilapitan ng Young Lady. Kaya di na kami nagpakita." Sagot ng lalaki.

" What? Pero hinayaan nyo siya at iniwan." Angal naman ni Dos.

" Hindi namin siya iniwan at lalong hindi pinabayaan." Angil naman ng lalaki.

" Nasa likod lang kami ng Young lady nagmamasid. Kung di kagaya nyo ang matatagpuan niya. Well lalabas din kami at kagaya ng kakahitnan ng mga kutong lupa na kumidnapp sa Young Lady ang gagawin namin sa kanila. Kung susubukan nilang saktan ang Young Lady." Saad ng lalaki.

Hindi ko maintindihan.

Bakit ganoon?

" My name is Adrian. Ako ang namumuno sa kaligtasan ng Young lady. At sila ang mga kasamahan ko." Adrian at tinuro ang mga kasama nito.

" Eh nang naliligaw ang bata bakit hindi nyo man lang tinulungan ito para iuwi.?" Curios na tanong ko.

Kung lumabas sila at sila na kusang samahan ang bata. Makaka uuwi ito agad. At masisigurado pa ang kaligtasan nito.

" Well about that. Hindi kami pwedeng magdesisyun. Yung may karapatan lang ang Young lady. We just a shadow following her order. At kung ano man ang inutos niya. Kailangan namin yung sundin." Adrian.

Laglag panga naman kami sa sinabi nito.

" Paano kung hindi kaming mabuting tao at sinaktan ang bata. Wala ba kayong isip? Sa kakahantungan ng bata?" Dos hissed.

" Well kagaya ng sinabi namin. Kapag nalagay sa alangin ang Young lady. Yun ang hudyat na lumabas ng lungga at tulungan ito. Parang protector ang dating namin. At nagtatago sa likod ng pinagsisilbihan namin." Paliwanag naman ng Adrian.

Hindi ako makapaniwala sa sinusunod nilang patakaran.

Tsk.

Natigil ang seryosong usapan ng makitang papalapit ang doktor sa amin.

Nagsitayuan ang lahat. At nag-alalang hinarap ang Doctor.

"Doc? Kamusta po siya?" Nag-alalang tanong ko.

" She's okay now. Kailangan lang nitong magpahinga. At sa natanggap nitong sampal. Alam kong masasaktan ang bata kaya ito ointment. Pagkagising niya. Lagyan nyo ang pisngi nitong nasampal ng mabawasan ang sakit. I'll go now. Just call me if you need me." Doc.

May inabot ito sa amin. Ako na yung kumuha dahil ako ang malapit sa kanya.

Ointment.

At nagpaalam din si Doc sa amin. Siguro madaming gagawin.

Nga pala. Family Doctor siya ng pamilya ni Uno kaya madali lang itong kontakin ni Uno kanina.

Nang umalis ang Doktor. Agad na bumalik sa dati. Ang tahimik na paligid.

Walang may bumasag ng katahimikan.

Hanggang sa sumulpot si Manang.

Napataas pa ako ng kilay.

" Manang ano ba kayo.? Magpahinga na muna kayo." Suway ko.

Kakagaling lang nito sa kapahamakan. Tapos nagpapagod pa. Tsk.

Cold version 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon