Uno's POV
Nagmamaneho ako ngayon.
Nang mag-isa. Mapuno ang daan kaya masasabi kong di karamihan ang dumaan dito.
Pero nagawa ko din naman na enjoy ang nature dahil sa mabangong hangin nito at hindi mausok.
Delikado nga lang at kapag nasiraan ka sa gitna ng daan. Mahihirapan kang maka alis.
Maswerte kong may dadaan at tutulong sayo.
But the worst is gagawan ka ng masama.
Your like will be risk. Sino naman tutulong sayo kundi ang sarili mo?
Dahil malayo layo ang mga bahay dito kaya kung ginawan ka ng masama sarili mo lang ang maasahan mo.
Kakasabi ko lang and then I witnessed it now.
Isang kotse ang nakikita ko sa di kalayuan.
Isang Ferrari.
Ang pinagkaiba nga lang black sa kanya habang puti naman yung akin.
Hindi naman bago sa akin ang makakita ng ganoon nasa sasakyan.
Hindi yun ang nakakuha ng pansin ko kundi ang nagbubugbugan.
Yeah.Sampung men in black vs. Isang babae.
Napa igting panga ko. At matalim na tinignan ang mga lalaking yun.
Tumigil ako sa pagmamaneho. Hininto ko ang kotse at agad na lumapit sa kanila.
Nakita ko ang pagsugod ng dalawa sa kanya. Akala ko walang laban ang babae. Pero what the hell. Ang bibilis ng kilos nito.
Hindi ko nga napansin kung ano abg ginawa nito para patulugin ang dalawa.
Nakita ko ang takot sa men in black. Pero hindi pa din umalis ang mga to.
Kaya ayon sumugod ulit ang mga to. At tatlo silang sabay sabay na sinugod. At kagaya kanina.
Nagawa nitong mapatumba ang tatlo.
Bigla akong napahanga sa babae. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito. Pero halatang maganda talaga ito. Sa porselanang kutis nito at sa napakagandang kurba ng katawan.
Nag eenjoy pa sana akong manood ng makita ang dalawang men in black na may hawak na patalim.
Abat? Hindi madadala sa lakas kaya patalim ang gagamitin?
Mga duwag.
I will not let them.
Bago pa maka kilos ang dalawa nasa harapan na ako ng babae.
Nagulat naman ang lahat sa pagsulpot ko. Ewan lang sa babaeng to dahil hindi ko nakita ang reaksyon nito.
Dahan dahan kong hinarap ang babae ng matigilan.