Uno's POVNapatigil ang lahat ng matamaan ako ng unan ni Caine.
Naghaharutan kasi sila. Nasa sala kaming lahat at napagdesisyunan ni Tres na sa sala na lang matulog ng sama sama.
Ewan ko kung anong trip o drama ni Tres.
Na naisipan nito ang ganoon.
Pero ewan din sa sarili kong bakit napapayag ako nito.
Tsk.
" Oh oh." Dos
Na para bang may iniisip na may mangyayari.
Pinulot ko ang unan.
" Who the hell throw this one to me?" Ako.
Nagmamaangan lang ako. Alam kong si Caine ang nagbato.
" Uno calm down. Hindi sinasadya ng bata." Tres.
" So siya pala ang nagbato nito. She's going to pay." Kunwaring pagbabanta ko.
Hindi pa kasi nila alam na maayos na kami ng batang Caine.
Ano kaya ang magiging reaksyon nila kung malamang bati na kami.
At nang mapaniwala sila.
Agad kong dinampot ang unan. At dahan dahan naglakad dito.
Seryoso lang nakatitig sa akin si Caine. Plano ko talagang magmukhang galit. Habang sina Dos at Tres dali dali naming pumunta kay Caine.
Parang mga shield ang mga to. Nang hindi pa din ako tumigil.
Lumapit na talaga sa akin si Tres at pilit akong pinapatigil.
" Please Uno pagbigyan mo na kami. Ako na ang humihingi ng kapatawaran. Hindi sinasadya ng bata. Nagkakatuwaan lang kami." Tres.
Hindi ako nakinig sa kanya.
At lumapit pa lalo kay Caine.
Nakita ko naman ang kaba sa dalawa. Parang natatae.
Gusto kong pagtawanan ang mga loko kaya lang baka masira ang pag-arte ko.
Sayang naman.
Malapit na ako kay Caine. Habang itinaas ko ang unan at kunwaring hahampasin to.
Si Dos na umastang shield ni Caine na papikit na lang.
Hanggang sa binato ko ang unan kay Tres.
Napamura ito.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Caine.
At ngumiti. Natigilan naman ang dalawa.
Lalo na si Dos na nasilayan ang ginawa namin.
" What the hell? Anong nangyayari?" Dos asked.
" G@go ka ba? Edi binato ako ng unan. May mata ka naman ha. Bakit ka pa nagtanong." Inis na sumbat ni Tres.
" G@go. Hindi yun. Yung ngitian ng dalawa." Dos.
" Huh? Sinong dalawa.?" Takang tanong ni Tres.
Ininguso ni Dos ako at si Caine.
" Di nga?" Di makapaniwalang saad ni Tres.
" O diba di ka nga rin makapaniwala." Dos.
" Naku baka gawa gawa mo lang yan." Tres.
" Tsk. Kahit tanungin mo si Manang nakita niya rin yun noh." Dos.
Agad na tumingin si Tres kay Manang. Tumango lang si Manang.
At dahil naguguluhan ang lahat.
Napangiti na lang ako at tumingin dito. Tumango na lang ito na para bang naintindihan ang gusto kong sabihin.
" Nakita mo yun?" Dos.
" Oo." Tres.
" See." Dos
" What the hell. Oo nga. Teka ano bang nangyayari ha. End of the world na?" Tres.
" G@go. Himala ang nangyari." Dos.
Napa iling iling na lang si Manang.
" Para tumahimik na kayo. Sasabihin ko. Maayos na kami ni Baby Caine." Ako.
" What?" Magkasabay na tanong ng tatlo.
" Once is enough" sabi ko na ikinamot ulo na lang ng tatlo.
Napatingin ang tatlo sa amin.
" So ibig sabihin. Bati na kayo?" Si Dos.
" Exactly" ako.
" Wala nang bangayan o ano mang chu chu chu?" Tres.
Tumango naman ako.
" Wow himala nga yata ang nangyari ngayon Dos." Si Tres.
Napa iling iling na lang ako habang si Dos tinapik ang balikat ni Tres. Si Manang naman nakangiti sa narinig.
" Nga pala Uno. Sorry sa mga ilang araw." Sincere na sabi ni Tres.
" Ayos lang. Naiintindihan kita kung bakit naging ganoon ka sa akin." Ako.
" Alam kong nagkamali ako." Ako na ikinatingin nila sa akin.
Parang di makapaniwala sa lumabas ng bibig.
"Tama na nga tong drama." Ako.
F@ck. Rinig kong mura ni Tres.
Paano ba naman?
Tinamaan ulit ito ng isa pang unan.
Sinong may pakana?
Ako lang naman.
At doon nagsimula ang mahigpit naming labanan gamit ang mga unan.
Para na din kaming nag slumber party.
Buong magdamag ang tawanan at kulitan.
Nagkaroon pa nga ng oras para e kwento ko kung paano kami nagka ayos ni Caine.
Tsk.
Sina Dos at Tres ba naman.
May pagka chismoso din ang dating ng mga yan.
" Mabuti naman at magkaayos na kayo. Paano ba yan.? Putol na ba ang kasunduan sa pagitan nyo?" Di maiwasang ipapala ni Tres.
* Pak
" Aray naman Dos. Bakit ba?." Rinig naming angal nito kay Tres.
Paano ba naman. Sinapok lang naman ito ni Tres.
" Ikaw kasi. Wrong timing." Tres said to him.
Napatingin naman ang mga to sa amin.
Naging awkward tuloy.
Sumagi sa isip ko ang sinabi ni Dos.
Mabuti naman at magkaayos na kayo. Paano ba yan.? Putol na ba ang kasunduan sa pagitan nyo.
Mabuti naman at magkaayos na kayo. Paano ba yan.? Putol na ba ang kasunduan sa pagitan nyo.
Mabuti naman at magkaayos na kayo. Paano ba yan.? Putol na ba ang kasunduan sa pagitan nyo.
" No." Gulat na napatingin ang lahat sa sinabi ni Caine.
" Why not. Magkaayos na kayo. Anong problema dun.? Dapat nang putulin ang walang silbing kasunduan na yun." Tres.
" Kahit na. I'm not eating my words. Dahil lang bati na kami puputulin ko na yun. No. Lumabas yun sa bibig ko kaya paninindigan ko." Baby Caine.
Umalis ito at nagtungo sa mga nakahandang pagkain namin. Well dahil naghaharutan at nagspe-spend ng time.
" Wow. You heard it Dos. Came out from the mouth of a kid. What the hell." Di makapaniwalang saad ni Tres.
" Bakit ba ang tigas ng ulo mo baby Caine. Parang ayaw mo na talaga kaming makasama. At gusto gusto mo nang umalis. Tsk." Si Tres.
Tumango naman si Dos.
Habang ako tahimik lang. Pero merong bahagi din sa sarili na parang gusto kong pigilan ang bata.