Dos POVIlang araw na ba? Nang malaman naming bati na ang dalawa.
Pero kahit na alam namin. Nagagawa pa din kaming magulat.
Lalo na ngayon sa nakikita namin.
Kung nagtataka kayo kung nasan kami?
Well nasa mall kami ngayon.
Ang dalawa na noon akala mo aso't pusa ngayon parang sila na yung tandem.
Napalingon ako ng makitang lumapit si Baby Caine kay Uno.
" Pahingi." Baby Caine said to him.
Kumakain kasi si Uno.
Kung noon hindi binibigyan ni Uno at inaaway ang bata.
Ngayon?
Nakita ko ang pagbaba ni Uno ng plato para hayaan si Baby Caine na kumuha.
" Salamat." Saad ni Baby Caine at kumain.
" Umupo ka." Rinig kong turan ni Uno at agad namang tumalima ang bata.
Naupo ito sa tabi ni Uno. Ngayon dalawa na silang kumakain ng tahimik.
Next Scene....
Kakagising lang ni Baby Caine at kababa lang ng kwarto. Nagpupunas pa ito ng mukha ng bumaba.
Agad itong lumapit sa amin.
Nasa hapagkainan na kasi kami.
Binati namin to at bumati rin to.
Binuhat ko ito para makaupo na ito sa pwesto niya.
Natigilan ang bata ng makitang may isang basong gatas sa tabi ng plato nito.
Kaya di nito agad maiwasang magtanong.
" Sinong nagtimpla nito?" Baby Caine.
Napakibit balikat kami ni Tres dahil hindi namin alam.
" Salamat." Napatingin kami kay Baby Caine ng nakatingin to kay Uno.
So si Uno pala ang naghanda. Well siya yung nauna kanina sa hapagkainan kaya di namin alam.
Tumango lang ang bata.
Next scene...
Kung noon kami ang magkakampi iba na ngayon.
" What the hell Uno naman." Reklamo ni Tres.
Natigilan din ako ng belatan ako ni Baby Caine. Nakalayo na ang mga to. Sakay sa kabayo.
Well si Baby Caine kay Uno na ngayon nakikiangkas.