Celine's POV
" Mommy excited na po ako sa selebrasyon. Madaming foods." Natatawa ako sa anak ko.
Meet my one and only Boy,
My baby Calvin.
Ngayon lang namin siya nakasama ulit dahil sa mga ilang buwan nanatili ito sa lola at lolo niya.
" Tsk. Basta talaga pagkain noh. Ang hyper mo. Ang taba taba mo na oh. Bahala ka baka sa huli tutuksuhin kang baboy niyan." Napatingin ang lahat kay Cain.
Nga pala nandito kami sa sala.
At nandito din ang kambal at si Cain. Pati na din ang asawa ko at mga manugang ko.
About my Mom and Dad.Aattend din sila. Kaya lang sa mga ilang araw pa ang dating ng mga to.
" Mommy? Totoo bang sinabi ni Cain.?" Agad itong nagtanong sa akin.
" May point si Cain baby Boy. Baka sa sobrang paglamon mo lolobo ang katawan mo." Paliwanag ko naman dito.
Well talagang palakain itong anak ko. Kaya nga nababahala ako baka maging baby damulag na ito dahil sa kakain.
" Natatakot ako mom. Promise hindi na ako kakain." Napatawa naman ang karamihan sa sinabi nito.
" Naku nak huwag kang mangako na hindi ka na kakain. Anong gagawin mo sa sarili mo. Papatayin mo ang sarili mo. Ipangako mong hindi ka kakain ng marami. Ayos na yun." Paliwanag ko naman dito.
" Yes mom. Susundin ko ang sinabi mo." Sabi naman nito.
" Good boy." Saad ko dito at ginulo ang buhok.
" Oh ano Iha? Maayos na ba ang lahat sa selebrasyon? Naibigay na ba ang mga imbitasyon?" Sunod sunod na tanong naman ng manugang ko.
" Huwag kayong mag-alala Ma. Ayos na ang lahat. Salamat sa Honey ko." Sabi ko at tinignan ang asawa ko.
Ngumiti lang ito pabalik.
" Mabuti naman kung ganoon." Na sabi na lang ni Mama.
" Tita Mommy pwede po bang mag imbita din kami?" Napabaling ako kay Baby Cain.
Ang kay gandang bata. Manang mana sa kakambal ko.
" Oo naman Baby Caine. Ilan bang kailangan nyong invitation card.?" Malumanay na sabi ko dito.
" Tatlo po. Okay lang po ba.?" Tanong nito.
" Okay lang baby." Sabi ko dito.
Nagpasalamat naman ito ng bigyan ko.
Uno's POV
Natigilan ako ng may pumasok ng opisina ko.
Wala akong may inaasahan na bisita. Kaya hindi ko maiwasang magtaka kung sinong ponso pilato yun.
" Nakatanggap ka din ba ng imbitasyon mula sa kambal.?" I heard a familiar voice.