Cold's POVNagising ako sa isang kwarto. Pamilyar yun sa akin.
Nasa kwarto pala ako ng kambal.
Agad kung naalala ang panaginip ko.
Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako.
Kahit mabigat man ang nararamdaman ko ngayon.
Sinubukan kung baliwalain yun.
Bigla akong napatingin sa magkabilaan ng maramdaman ang paghinga. I saw my two angels.
Kaya dali dali kung pinunasan ang mga luha ko. Mahirap na at makita ng dalawang to. Alam kong mag-alala sila.
Maya maya'y nagising din ang mga to.
" Hi!" Bati ko sa kanila.
Nagulat naman ang mga to. Kitang kita ko ang kislap sa mga mukha ng mga to.
" Mom your awake. Akala ko kung ano na ang nangyari sayo Mom." Pigil na iyak na saad ni baby Cain.
Nagtaka naman ako sa sinabi nito.
" Anong ibig mong sabihin Baby." Tanong ko dito habang hinihimas ang buhok nito.
Biglang nagkatinginan silang dalawa.
" Hindi mo naalala Mom?" Si Cole.
" Hindi naalala? What do you mean by that Baby Cole." Sabi ko.
I saw him frowned. And I know what is the reason.
Hindi ko maiwasang mapangiti.
Muntik ko ng makalimutan.
" Mom dont call me Baby. I am Big boy now so please stop calling me that." He said.
Ginulo ko lang ang buhok nito. Ayaw na ayaw na pala nitong tawaging Baby.
Kung makaasta ang batang to akala mo ang tanda tanda na. Pero wala akong magagawa. Ang tatalino kasi ng mga to.
" Okay okay. I'm sorry." Sabi ko. Agad din namang nawala ang pagkunot ng noo nito.
" Apology accepted Mom. Befor we forgot. You need to know. Nawalan ka ng malay Mom ng mga oras na yun." Pagbibigay alam nito.
" Pagkatapos ng encounter kay Dad. Agad kang nawalan ka ng malay. We are really worried. Lalo na ng malaman namin na stressed ka ng sobra sobra dahil siguro sa nalaman mo. I'm sorry Mom. Kung hindi ako nagpa ka bad girl at nangialam. Sana hindi ito mangyayari. I'm sorry." Baby Cain. Hilam na hilam ang mga mata nito.
" Kaya pala. Dont worry mga anak. Okay na si Mommy. At wala kang kasalanan dun Baby Cain kayo ng kambalo kaya huwag na huwag mo sasabihin na bad girl ka dahil hindi ganoon. Maliwanag ba baby?." Saad ko dito.
Hindi ko naman alam na ganoon pala ang nangyari sa akin. Sa past ko.
" Talaga ba ayos ka lang Mom?." Parang ayaw maniwala ng mga anak ko.
Ngumiting tumango ako sa dalawa. Agad kong hinawakan ang mga pisngi ng mga to at kinurot. Pero sinigurado kung hindi sila masasaktan.