C2.0 30

1.6K 25 4
                                    

Uno's POV

Nang matanggap ang mensahe ng nito agad kung pinuntahan ang mga to.

Nakakapagtaka dahil nasa mall ang mga bata.

Sino naman ang kasama nila?

Patakbong hinanap ko ang minessage ng baby Caine sa akin.

Hanggang sa narating ko ito.

Sinigurado ko muna na yung tinext sa akin ay ganoon ang pangalan ng papasukan ko.

Mahirap na.

Nang masigurado agad akong pumasok.

Hindi ko nga napansin yung isang staff ng store na bumati sa akin.

Ngayon ko lang napansin na puro pambatang pagkain ang nandito.

Kaya pala nandito ang mga bata.

Kahit na ganoon ang mga yun. Mga bata pa rin sila.

Dumaan ako sa iilang section ng pagkain hindi ko pa rin sila nakikita.

Merong candy section
Ice cream section
Cake section
Cupcake section
At iba pa.

Asan na ang mga yun.?

Hanggang sa narating ko ang chocolate section.

" Kanina pa kayong pabalik balik dito. May kasama ba kayo? At abah? Ang dami naman yang bibilhin nyo. Sigurado ba kayong may ipangbabayad ba kayo diyan?" Rinig ko sa di kalayuan.

Nakita ko ang dalawang lalaki.

Yung isa sa kanila isang guard. Halata naman sa suot nito. Habang yung isa na nagsalita kani kanina lang ay yung isa sa mga staff ng store.

Hindi ko sana yun papansin kaya lang may nakakuha ng pansin ko.

Dalawang bata na kasing magkamukha.

Ang kakaiba nga lang babae yung isa habang ang isa lalaki.

Pinagtuunan ko yun ng pansin.

Hanggang sa makilanlan ko ang mga yun.

F@ck

Ang kambal.

Nag init ang ulo ko ng makitang hinahawakan ng guard si Cole habang si Baby Caine naman hawak hawak ng isang staff habang pinapagalitan ang mga bata.

" Kanina ko pa kayo napapansin at wala akong nakita may kasama kayo. Ano? Kawatan kayo noh?" Turan ng isang staff.

Maraming tao ngayon sa store. At napapatingin sa kanila.

Biglang dumilim ang paningin.

What the hell?

Pinagbibintangan ba naman ang mga anak ko na magnanakaw?

Bullsh!t kaya kong bilhin ang store na to para sa mga anak ko.

Agad akong lumapit dun.

Cold version 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon