Cold's POVNakatitig ako sa loko.
Hindi pa rin kasi ako nakaka move on sa narinig ka gabi.
" Hey? Are you okay?" Nagtagpo ang aming mata. Imbis na ako ang umiwas. Nauna ito.
Weird.
Tumango na lang ako.
" Ready ka na ba?" Tanong ulit nito. Nang mahimasmasan.
Agad kong napagtanto ang ibig sabihin nito.
Nakalimutan ko. Nasa arcade pala kami.
Yeah. Arcade na sa loob ng Mansion.
At naglalaro kami ng table tennis.
Kakatapos lang namin kumain ng agahan na napagpasyahang maglaro.
Hindi ko akalain na naglalaro din pala ito.
I saw him played it.
At masasabi kong magaling ito.
Hinawakan ko ng mabuti ng racket ng makitang titira ito.
Tinansya ko muna.
Hanggang sa nag bounce ito. Agad kong pinalo nang pagkalakas lakas.
Hindi nito inaasahan kaya ayon puntos ko.
Napa iling iling ito.
" Hindi ko alam na magaling ka pala dito." Na sabi na lang nito.
Tumango lang ako dito.
Nasa akin ang bola.
Agad kong ni ready at pinalo yun. Nagawa nitong maibalik sa akin.
Malakas yun. Tumama ito sa line ball ng table. At tatalsik na sana palayo. Pero mabuti na lang at mabilis akong kumilos at hinatawa to pabalik sa kanya. Nagulat siya sa kinilos ko.
At dahil dun hindi nito nagawang tamaan ang bola.
Pumasok ito at puntos ko ulit.
" F@ck. Nagawa mong maabutan yun. Nice moves." Puri nito.
" Thanks." Saad ko.
Ngumiti lang ang loko.
Pagkatapos ng table tennis.
We also play basketball.
Paramihan ng puntos sa limang minuto.
Una sa malapit na linya hanggang sa palayo ng palayo.
I saw him smirk.
Dahil alam na alam nito.
Well lalaki siya at kilalang kilala talaga ng lalaki ang laro na basketball.
Pumwesto kami sa unang level. Nasa harap kami ng ring at malapit dito.
" Marunong ka ba? Kung ayos sayo tuturuan muna kita bago tayo magsimula." Saad nito.
" No need." Saad ko dito.
" Ikaw bahala. Ladies first." Sabi dito.
Kaya napangisi ako.
Hindi porket babae ako. Wala na akong alam sa basketball na ito.
Sorry na lang siya.
Nagsimula akong maglaro. Una pa lang agad nang pumasok hanggang sa sumunod sunod.
I heard him cussed.
Well hindi ko naman siya masisisi. Dahil lahat ay nagawa kong ipasok.
Hanggang sa kanya ang torno.