Uno's POV
Ilang basong alak na ba ang nagawa kong mainom?
Kung tinatanong nyo kung saan ako. Nandito pa din ako sa party.
Well natapos na ang program ng Couple.
Ginamit ko ang pagkakataon na yun na lapitan at kausapin si Cold. Pero f@ck.
Hindi ko magawa gawa dahil parang iniiwasan ako nito.
No hindi parang....
Iniiwasan talaga ako nito. Lalo na't kaagapay nito ang nga kaibigan at kakambal.
Nang makita ko si Cain sa malapitan. Unti unti akong lumalapit dito.
Malapit na.
Kaunting hakbang na lang.
" Sorry but I need to go." Paalam nito sa kausap ag umalis.
Ikalawang subok.
Sa kung saan ang mga pagkain nakalagay.
Nakita ko itong kumuha.
Kunwaring nagugutom din ako at naisipan lumapit sa mga pagkain pero ang plano ko ay makipaglapit sa kanya.
Dalawang tao ang katabi ko bago siya.
Yung isa sa dalawa. Umalis kaya isa na lang ang na iwan.
Kunwaring kumuha lang ako ng pagkain.
Pero hinihintay ko lang ang pagkakataon na umalis ang nasa gitnan namin para makausap ito.
" Sis bilis bilisan mo sa pagkuha. Nakakagutom.Haha." I heard someone said.
Na dahilan ng pag-alis ni Cain. Sinundan ko ito ng tingin at lumapit to sa kakambal.
Ikatlong pagsubok
Narinig kong kailangan nitong mag cr.
Nagpaalaman pa ito.Plano kung abangan ito dahil mag-isa lang siya.
Doon ko siya kakausapin.
" Teka lang Cold. Sasama kami ni Hot." Pahabol na sabi ni Warm.
" Why?" Cold.
" Baka kasi may umaligid ligid sayo o may magtangkang mangharang sayo. Sa gandang mong yan. Hindi na kami magtataka." Hot
Kaya ayon failed ulit ang pagtangka kong kausapin to.
Kaya ito napapatunga na lang ako ng alak.
Napatambay ako sa bar counter na parte ng magarbing selebrasyon.
Nahihirapan ako dahil bantay sarado si Cold.
Nagawa ko namang makausap kanina ang kambal. Pumunta ang mga to kanina sa mesa pero agad din nagpaalam dahil baka hanapin daw nila ng mommy nila.