Cold's POV
Sorry Maam, Malaki ang pinsalang ginawa ng bala.To the point na pinsala nito ang pinaka sensitibong ugat sa katawan ng tao. We did our best to save him. But I'm really sorry we failed. Seryosong saad ng doktor.pero makikita mo pa din sa mukha ng doktor ang pakikisimpatya.
Napako ako sa narinig.
Agad napunta ang pansin ko sa kambal na tahimik na umiiyak.
Nasasaktan sila sa narinig. At hindi ko kinakaya ang pag-iyak ng mga to.
I
think my heart is tearing because of them.
Napatingin ako sa babaeng napaluhod habang humahagulgol.
Noo. Hindi to totoo. Hindi to totoo. Please sabihin mong nagbibiro ka lang. Buhay siya. Buhay siya. Pleaaaaaase.
Sumisikip ang dibdib ko sa nakikita at naririnig na yun.
Alam kong hindi kami nagkaayos ng una. Pero hindi naman dapat mangyari to. Hindi dapat siya agad mawala sa buhay namin. Sa buhay ng kambal. No please. Buhay pa siya diba Dok? Please.
Mommy nakita ko ang paglapit ng kambal. Hinagkan ang Ina nilang nagmamakaawa sa doktor na buhayin ang Ama ng mga to.
" Mom?" Napalingon ako sa boses na yun.
Agad na bumungad sa akin ang malungkot na si baby Caine.
Agad ako nitong niyakap. Naramdaman ko din ang isa pang yumakap sa akin.
At alam ko kung sino yun. Si Cole.
" Alam kong nahihirapan ka Mom. But I dont want us see you crying Mom. Nasasaktan din kami." Isa sa mga kambal ko.
Sa sobrang panonood ko pala. Hindi ko na pansin na nadadala na ako nito. Tahimik akong umiiyak.
Paano ba naman kagaya ng sitwasyong ang nasa tv sa sitwasyon namin.
Napapikit na lamang ako.
" I'm sorry mga Anak." Mahina kong saad.
" Siguro kailangan ko ng patayin yung telebisyon. Lalo yata kayong nahihirapan. Tsk. Bakit ba kasi ganoon pa yung palabas." Cole said.
At ini off talaga nito ang TV.
Biglaan na lang nagpapop up yung pangyayaring yun.
Ang pag slow mo ng paligid ng kalabitin ni Uno ang baril para patayin ang sarili nito.
Hindi ko inexpect na gagawin na talaga yun." Hindi mo yan magagawa. Alam kong tinatakot mo lang kami." My twin said to him.
Kampante din naman ako dahil sinong matinong tao? Ang babaril ang sarili?
Kaya halos mawalan ako ng pagkakataon na huminga ng tinotoo talaga nito.
" Kung para sa pamilya ko. Magagawa ko." Nakangising saad nito. Walang makitang takot at alinlangan bago nito kalabitin ang baril.