C2.0 15

1.8K 27 3
                                    

Uno's POV

"Mga iho tulong. Si Baby Caine inaapoy ng lagnat. Dyos ko." Natatarantang sigaw ni Manang.

Nanggaling ito sa kwarto ng bata.

Tapos na kaming mag-agahan na di pa rin bumaba ito. Kaya minabuting puntahan ni Manang.

Pero di inaasahan.

Nabigla kami sa sinabi nito pagkababa.

Nakatambay kami ngayon sa sala.

" Manang  huminahon ka." Agad si Tres lumapit dito.

Sinubukan namang huminahon ni Manang.

" Anong sabi mo Manang? Kamusta si Baby Caine.?" Sunod sunod namang tanong ni Tres.

" Anong nangyari sa kanya bakit siya inaapoy ng lagnat?"segunda naman ni Dos.

Kaya di mapakali si Manang kung sino ang uunahin nitong sagutin.

" Stop the both of you. Lalo nyong pinapalala. Manang let's go." Turan ko.

Nagtataka ang tatlo pero agad ding nakuha ng makitang papaakyat ako sa hagdan.

Narinig ko pang may binilin si Manang sa iba.

Agad naman silang sumunod dahil pupuntahan ko ito.

Dali dali kong tinahak ang kwarto nito at pumasok.

Napatigil ako ng makita ang bata na natutulog.

Dahan dahan akong lumapit dito. At hinawakan ang noo nito.

Napamura pa ako ng sobrang init nito kaya agad kong binawi ang kamay na sa noo nito.

Napatingin ako sa natutulog na bata.

Tinignan ko din ang leeg nito at kagaya ng noo mainit din.

Naabutan ako ng tatlo. At napatingin lang sa ginawa ko.

Binawi ko ang kamay ng mainit talaga ang bata. Nakita yun ng tatlo.

" Sinabi ko na sa inyo. Ang init init ng bata. Naku naku ano ba talaga ang nangyari sa bata? Nak gising?" Manang at pilit na ginigising ang bata.

" Naku baka sa pagpapagod ko sa kanya kahapon. Napahamak tuloy siya. Nak patawarin mo si Manang." Manang.

Agad naman lumapit ang dalawa at pilit na pinapakalma si Manang.

Tumayo na ako sa kama ng bata. At nag dial.

I need our family Doctor.

Mabuti naman at naagap na nasagot nito.

" I need you here Asap." Ako at binaba na ang tawag.

Napatingin ako sa kakapasok lang na kasambahay may bitbit itong palanggana.

Agad naman yung sinalubong ni Manang.

Napabalik ang tingin ko sa bata ng umungol ito.

Puro pag-alala ang makikita sa mukha nina Tres.

Ako?

Habang pinagmamasdan ito.

I feel something.

Nasasaktan ako.

At alam ko ang dahilan nun.

Nawala ang focus ko kay Caine.

Nang lumapit si Manang at isinigawa ang pagpunas dito.

" Nak ayos ka lang ba? Saan ang masakit.?" Mahahalata sa tono ni Manang ang pag-alala.

Cold version 2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon