*Flashback (13 yrs ago)*
"Sharlene! Sharlene! May nang aaway sakin. Huhuhu! Sumbong natin kay mommy. Waaaaah!" nagulat nalang ako nung bigla akong niyakap ni Nash. Sino ba naman kasi yung nang aaway sa kanya?
"Sino nang aaway sayo? Sabihin mo babangasan natin!" sabi ko.
"Si Mika. Yung magandang transferee. Sabi niya pangit daw ako tapos bungi daw. Waaaah!" humagulgol naman sa iya.
"Ituro mo sakin kung nasan yang babaeng yan! Dali!" sabay hila sa kanya palabas ng classroom namin.
Naabutan namin si Mika na prenteng dumidila ng hawak niyang ice cream. Nilapitan ko siya. Si Nash naman tumigil na sa kakaiyak.
"Huy! Ikaw ba umaway sa bestfriend ko na to?" sabay turo ko kay Nash na nakayuko.
"Oo. At bakit? May angal ka? Ano ka ba niya, nanay?" asar ni Mika sabay tawa ng mga kasama niya. Aba! Impakta to ah.
"Wag kang magsalita-salita diyan. Bungi ka rin naman eh. Kita mo, wala kang ipin sa gitna." sabi ko. Natigilan siya.
"At least maganda naman siya." sabi nung isang classmate namin.
"Ay wow sumasapaw! Ikaw ba sinasabihan ko?" sigaw ko.
"Sumbong kita kay mama. Nang aaway ka." sabi ni Mika.
"Edi sumbong mo. Susumbong din kita sa mama ni Nash. Binubully niyo siya." sabi ko.
"Totoo naman kasi yung sinasabi ko. Pangit naman talaga siya at bungi. Duh!" taray na sabi niya.
"Anong sabi mo!?" susuntukin ko na sana siya kaso dumating yung guro namin at sinumbong kami at pinapunta yung parents namin. Dinala kami sa principal' s office.
"Mrs. San Pedro, alam niyo ba na ang anak niyo ay gustong sapakin 'tong anak ni Mrs. Dela Cruz?" sabi ng principal.
"Totoo ba yan anak? Bakit mo naman gagawin yun?" tanong ni mommy sakin.
"Kasi po naaway nila si Nash. Pinagsabihan nila na pangit si Nash at bungi. Syempre bestfriend ko yun kaya ipagtatanggol ko." inosenteng sabi ko.
"Anak, hindi mo pa rin dapat ginawa yun. Magsorry ka kay Mika." sabi ni mommy.
"Sorry Mika. Pero sana wag mo na aawayin si Nash ha. Mabait naman yun eh." sabi ko.
"Ikaw anak, magsorry ka kay Sharlene at Nash." sabi naman ng mama ni Mika.
"Sorry Nash, sorry din Sharlene. I hope we can be friends." sabi ni Mika.
"Oo naman. Friends?" si Nash, sabay extend ng kamay niya kay Mika.
"Friends." at nag shakehands sila. Kita ko sa itsura ni Nash kung gaano siya kasaya.
"Shar, friends?" alok naman ni Mika sakin.
"Friends." sabi ko rin nang may ngiti sa labi.We were playing with her for over 2 years until napagpasyahan ng mama ni Mika na tumira sa abroad dahil separated na sila sa papa niya.
*End of flashback*
Hindi ko na namalayan na crush na pala ni Nash si Mika noon. Bakit hindi niya sinabi sakin noon? Edi sana hindi ako umasa ng ganito.
Nandito ako ngayon sa lugar kung saan ako parati pumupunta kapag gusto kong mapag-isa, kapag merong bago si Nash, kapag may pinopormahan siyang iba, kapag malungkot ako at nasasaktan dahil sa kanya. Etong lugar na to ay hindi niya alam, at hindi ko to pinapaalam sa kanya kasi kapag hahanapin niya ako, edi mahahanap niya ako agad. Tagong lugar kasi eto. Walang masyadong pumupunta. Ewan ko kung kaninong lupain to eh. Wala atang nagmamay-ari nito. Sayang. Ang ganda pa naman dito. Puro puno at ang pino ng bermuda grass. May ilog din kasi dito at malinis. Sana wala ng may makadiscover nito. Baka sirain pa nila ang lugar na to. Medyo malayo to sa amin eh. Mga 2 hrs ata ang byahe kapag hindi traffic. Masama mang pakinggan, pero parang inaako ko na itong lugar na to. Pinapangalanan ko na nga siyang "Reminiscing River". Hahaha. Corny no? Dito kasi ako nag rereminisce at nag eemote. Samahan mo pa ng magandang tanawin na ilog. Parang ang fresh lang talaga sa feeling. Haaayss! Ang sarap ng hangin dito. Tumayo ako at hinayaan kong tangayin ng hangin ang buhok ko at langhapin ang simoy ng hangin. Napapikit ako at inaalala ang masakit na pinagdaanan ko kanina. Biglang tumulo ang luha ko sa alaalang iyon.
"Ahhhhhhh!!!!" sigaw ko ng malakas para lumabas ang halo-halong emosyon ko na kanina ko pa nararamdaman.
"Ahhhhhhhhhh!!!" sigaw ko ulit.
"Ayoko naaaaaaa!!!"
"Nahihirapan na ako. Whooooo!!!" sigaw ko.
"Ahhhhhh----" napatigil ako sa kakasigaw nang may narinig akong boses.
"Ang ingay." mahinang sabi nito.
Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses.
"Sino ka---" napatigil ako ng makita ko ang itsura ng lalaki. Siya yung kanina sa jeep. Yung gwapong mukhang mayaman na nakaheadphones. Takte! Bakit andito to?
"Hi! Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.
"Ahh..ehh..ano...ano kasi...bakit nandito ka rin?" tanong ko pabalik.
"I'm here to refresh my mind." sabi niya.
"Ako rin. I'm here to find peace." sabi ko.
Natahimik kami. Bigla akong humiga sa bermuda grass. Bahala siya diyan. Ako ang nauna dito kaya dapat umalis na siya. I won't talk to him. Nahihiya pa ako kanina sa nangyari sa jeep eh.
He sat beside me.
"I remember you. Ikaw yung girl na umutot kanina sa jeep." sabi niya. Putspa naman! Alam niya? Narinig niya?
"N-narinig mo?" tanong ko. Shemay. Lamunin niyo na ako lupa!!!
"Oo. Ang lakas eh." sabi niya at tumawa pa. Goosh!!! Nakakainis talaga. Bakit ang sarap pakinggan yung tawa niya kahit nakakainsulto?
"T-talaga! S-sige aalis na a-ako." bigla akong tumayo at aakmang aalis. Pero pinigilan niya ako nang hinawakan niya yung kamay ko.
"Stay here with me. I promise, I won't laugh at you again." sabi niya. Umupo ako sa tabi niya.
"Mukhang may pinagdadanan ka ah." sabi niya.
"I won't share it to you, though." sabi ko.
"Okay lang. If you want talk about some things, I am willing to listen, just to make you feel ease." sabi niya.
"Bakit ko naman gagawin yun? Close ba tayo?" taray na sabi ko.
"You're so sungit naman. I just want to have friends with you. Wala pa kasi akong friends dito eh." sabi niya.
"Hindi naman ako taga rito."
"Well, nanggaling kasi ako sa US. Kakauwi ko lang dito more than 15 years na ata. So basically, ikaw pa lang ang kilala ko dito besides of my family here."
Sa US? Eh nag jeep ka nga lang kanina eh. Gusto ko sanang sabihin kaso naalala ko na naman ng utot moments ko kanina. Haaays!
"Are you always here?" tanong niya.
"Hindi naman. Malayo kasi sa min dito eh."sabi ko. "Pano mo nalaman ang lugar na to? Diba sa states ka nga galing?" dagdag ko.
"Well, my lolo owns this place kasi kaya ako nandito to look around here but then I saw you." sabi niya. Biglang lumaki yung mata ko.
"Really? I thought nobody owns this place. Kasi naman walang masyadong pumupunta dito." sabi ko.
"I dunno. But I'll ask lolo about it. Kabisado mo ba ang lugar na to?" tanong niya.
"Medyo. You want me to tour you around?" tanong ko.
"Sure." sabi niya na parang excited.
"Next time. Gumagabi na kasi." sabi ko. He frowned.
"Oh! Okay. Ihahatid na sana kita kaso I don't have a car and besides, pupuntahan ko pa si lolo eh." sabi niya.
"No, it's okay. Aalis na ako." paalam ko.
"Wait! What's your name?" tanong niya.
"You can call me Sharlene." ngiting pakilala ko.
"Sa Far Eastern ka pumapasok?" tanong niya.
"Yeah. How did you know?" tanong ko.
"I just know." he shrugged his shoulder.
"By the way, I'm Donato. See you around." He said at nagpaalam na rin ako. Donato? Sounds weird.
YOU ARE READING
Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)
Storie d'amoreThe story is about the two persons coming from the different heart breaks. They meet and decided to help each others mend what is broken. Will their hearts survive or will they create another love and more heart breaks together?