Nagising ako sa hagikhik ni Sophia. Naramdaman ko din ang bigat na nakadangan sa katawan ko. Napamulat ako at tinignan ang sitwasyon. Nasa couch ako at hindi ako nag-iisa. Katabi ko si Nash na nakayakap at nakadantay ang isang binti niya sa akin. Anong nangyari? Bakit nandito kaming dalawa?
"Good morning, Tita Ganda!" Sophia greet me with excitement.
"Shh! Wag kang maingay. Baka magising si Daddy mo?" suway ko sa kanya. Tinakpan naman niya ang bibig niya. Dahan-dahan naman akong bumangon. I winced when I feel the pain in my head. It might be a hang over.
"Tita, I'm hungry but Daddy is still sleeping." reklamo niya. I ruffled her hair.
"I'll make you a breakfast." nakangiti kong sabi. She just gave me a smile and nodded.
Nagmumog muna ako at naghilamos bago pumunta sa kusina nila.
"What do you want to eat?" tanong ko habang tinitignan ang ref nila at hinihilot-hilot ko ang ulo ko.
"Anything, Tita." sagot niya habang nakaupo na sa sarili niyang upuan sa dining table. Napagpasyahan ko nalang na lutuan siya ng bacon at egg. Tapos tinimplahan ko na rin siya ng gatas. Nagluto din ako ng sopas para sa hang-over namin ni Nash. Nagtimpla na rin ako ng tsaa para sa amin.
"Kumain ka lang muna diyan. Gigisingin ko lang ang Daddy mo." sabi ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot dahil busy siya sa pagkain niya."Hoy! Gising na!" tinapik-tapik ko pa ng mahina yung pisngi niya. He groaned.
"Bangon na bro. Baka lumamig na yung niluto ko." sabi ko at tinapik-tapik ulit siya. Hindi siya dumilat sa halip ay hinila niya ako at niyakap. Nagulat ako sa ginawa niya. Ang lapit-lapit pa ng mukha namin.
"N-Nash!"-ako.
"Shut up! Five minutes." namamaos na bulong niya.
"Anong 5 minutes ka diyan? Lalamig na sabi yung sopas doon." reklamo ko at pilit na bumangon mula sa kanya.
"Ano ba! Baka makita tayo ni Sophia dito baka ano pang isipin nun. Bitawan mo na ako." suway ko. This is not right.
"Five minutes." he murmured while his eyes are still close. He hugged me tightly. Ano bang nangyayari sa lalaking to?
"Bro, I'm not your wife." paalala ko sa kanya baka sakaling matauhan.
"I know. I love you, Shar." bulong niya. Hinila niya yung ulo ko papalapit sa kanya. Nagulat ako nung hinalikan niya ako. Unti-unti naman siyang dumilat at parang nagulat din ito sa nangyayari. He was panic. I pushed him away and get up.
"I-I'm sorry. A-Akala ko nanaginip lang ako." nauutal na sabi niya at bumangon na rin. Hindi ko siya pinansin at dali-daling naglakad papunta sa dining table.
Padabog akong umupo sa tabi ni Sophia. Umupo naman siya sa harap ko.
"Sorry. I told you, I thought I was still dreaming. Maniwala ka naman." he pleaded.
"Kalimutan mo na iyon. Kumain ka na." sabi ko habang sinusubo ang sopas.
"You're not mad, right?" paninigurado niya.
"Oo nga. Kulit nito." sabi ko.
"Are you fighting?" singit sa amin ni Sophia.
"No baby." sabi ko saka tumingin nang masama sa tatay niya.
"You don't have to worry, Sophie. We're just joking. Just finish your breakfast." sabi ng tatay niya sa kanya. Inismiran ko lang siya."Bakit ang sungit mo sa akin? I thought you're not mad?" tanong niya habang nagliligpit kami ng pinagkainan habang si Sophia naman ay nasa living room.
"I'm not." sabi ko.
"That kiss..." - siya.
"Kalimutan mo na nga sabi yun." inis na sabi ko.
"Okay, okay. Sungit!" - siya. Pinaikot ko nalang ang mata ko.
"I'm going home now." - ako.
"Agad? Baka ayaw kang payagan ni Sophia." - siya.
"Ako na ang bahala." - ako. Nakita kong ngumuso siya.
"Mukhang ayaw mo akong pauuwiin ah." - ako.
"Wala na kasing magbabantay kay Sophia." - siya.
"Wow. Ako na pala ang substitute ni Yaya Lydia ngayon." - ako.
"Dito ka na kasi muna. Dadating naman na bukas si Yaya." - siya.
"Baka gusto mo na akong patirahin dito." - ako.
"Kung pwede lang, bakit naman hindi?" - siya.
"Aba Aguas! Tigil-tigilan mo ako diyan ha. Kahit mahal na mahal ko ang anak mo, ayokong maging yaya niya lang noh!" inis na singhal ko.
"Kung ayaw mo maging yaya niya, pwede ka rin namang maging Mommy niya." napatigil ako sa banat niya.
"Oh shut up!" - ako. Tumawa lang siya
"Ang cute mo!" gigil na sabi niya at kinurot ang ilong ko. Tinampal ko naman agad ang kamay niya. Masakit iyon ha!
"Stop it!" suway ko at ngumiti lang ang loko. Tumalikod na ako saka pumunta kay Sophia na nanonood ng cartoons.
"Baby, I will go home na ha. Just visit my clinic anytime. I'll wait for you." pagpapaalam ko. She gave me a sad face.
"Already, Tita?" malungkot na tanong niya. Naramdaman kong nasa likod ko na si Nash.
"Yes Baby. I have to go na kasi. May work pa ako tomorrow and you have to go to school too." sabi ko ng may paglalambing. Tumango siya.
"Okay po. But you have to promise me you will be here again." paninigurado niya.
"Okay, I promise." - ako. I ruffled her hair before I kissed her head.
"Be a good girl ha." masaya naman siyang tumango.
"Bye-bye!" kumaway lang siya pagkatapos ay itinuon ulit ang atensyon sa TV.
"Alis na ako, Bro." paalam ko kay Nash. Hinatid niya ako hanggang sa gate nila.
"Mag-iingat ka ha. Safe ba yang pinabook-an mo na Grab?" - siya.
"Oo naman. Wag ka ngang OA." sabi ko.
"Okay na ba yung hang-over mo?" tanong niya.
"Medyo. Ipagpapahinga ko nalang to ulit mamaya sa bahay." sabi ko. Tumango naman siya. Maya-maya, biglang dumating yung driver na pinabook-an ko.
"See you." paalam ko sabay tapik ng braso niya.
"Text mo ako or call kung nakarating kana sa inyo ha. Again, ingat ka. " bilin niya.
"Okay po tay." biro ko at tumawa. Ginulo naman niya ang buhok ko at hinalikan sa noo. Ngumiti lang ako saka pumasok sa loob ng kotse. Nakita ko pang tinanaw niya muna ang kotse na papalayo hanggang sa pumasok na siya sa gate nila. He's always like that. Ilang buwan na ang nakakalipas, naging extra sweet na sa akin si Nash. Nung namatay si Mika, naging ganito na siya sa akin. Siguro dahil nangungulila siya sa asawa niya kaya ganito yung inaasal niya sa akin. So hinayaan ko nalang din hanggang sa nakasayan na namin. After all, naging best friends na kami noon pa man nung mga bata pa kami kaya siguro komportable na rin kami sa isa't-isa.
YOU ARE READING
Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)
RomansThe story is about the two persons coming from the different heart breaks. They meet and decided to help each others mend what is broken. Will their hearts survive or will they create another love and more heart breaks together?