-Donny's POV-
*FLASHBACK*
"Whooo! Go Hon! That's my girlfriend!" proud na proud na sigaw ko habang kumikinang yung mata ko sa panonood magrampa ang aking pinakamamahal na girlfriend. Bakit ang swerte-swerte ko kaya pagdating sa kanya? She's so beautiful inside and out. The first time I saw her, my world and the people around us stopped. I am so madly in love with her. Kaya naman laking pasasalamat ko kay God nung binigay niya yung hiniling ko na maging girlfriend siya. I was so happy that time. Kisses Delavin, 2 years na kaming mag on. We were both living in states. Doon na rin kasi siya nag aaral at nagmomodeling at the same time.
"Hon, kamusta yung pag rampa ko kanina? Did I look like ewan?" she asked me habang ako naman ay nagmamaneho papunta sa bahay nila.
"Of course not. Ikaw na ata ang pinakamagandang modelo na nakita ko kanina doon." I said.
"Bolero ka talaga. Tsk! You said that because I'm just your girlfriend." she said.
"No, Hon. I'm just telling the truth. You're the prettiest among them." she laughed.
"Oo na. Sabi mo eh." she said.
"I love you, Hon." I said out of nowhere.
"I love you more." She smiled and I kissed her hand.Lumipas ang ilang linggo, mas nagiging busy na siya. Nag aaral siya sa umaga, at nagmomodeling siya kapag hapon hanggang gabi. Kung minsan may mga event din siyang inaattendan. So basically, wala na siyang time para sa akin. So, ako na rin ang gumagawa ng paraan para makita siya. Kaso nga lang, kapag pinupuntahan ko siya sa studio, hindi niya rin naman ako masyadong pinapansin kasi kaliwa't kanan yung shoot niya.
It's our 3rd anniversary at napag usapan namin na magkikita kami ng 7 pm. Pero mag te-ten pm na at wala pa rin siya kaya sinubukan ko ulit siyang tawagan. I've been calling her kanina pa pero wala talagang sumasagot. Mga ilang rings pa bago na niya ito tuluyang sinagot.
(Hon!)
"Nasan kana?"
(Sa studio pa po.)
"Matagal pa ba matatapos yan, Hon? Gumagabi na."
(Why, Hon? May lakad ba tayo ngayon?)
Napabuntong-hininga ako.
"It's our anniversary. And sinabi mo sakin na magkikita tayo dito."
(Oh my god! I think I couldn't make it tonight. I'm so sorry po. Nawala sa isip ko. I've been busy kasi, Hon. Please, don't get mad at me. Promise babawi ko sayo bukas.)
"It's okay, Hon."
(I'm sorry talaga, Hon. Sorry. Wait Hon, I need to hung up na. See you tomorrow, I love you.)
Bago pa ako makasagot ay namatay na ang sa kabilang linya. Nanlulumo kong tiningnan ang cellphone ko at umalis na.Dumaan ng ilang linggo at hindi pa rin kami nagkakausap at nagkikita ng matagal. Tiniis ko lahat ng yun at pinipilit na intindihin siya dahil mahal na mahal ko siya. Pinagkakaabalahan ko nalang ang sarili ko sa pag-aaral. I took up a Business Administration and 4th year na ako.
"Okay guys. Just do an advance study. I'll be giving you a surprise quiz within this week, so be ready. I'll see you tomorrow. Goodbye." sabi samin ng professor namin at umalis na. Niready ko na rin ang mga gamit ko bago ako lumabas ng classroom namin. Nang papunta na ako ng parking lot nakita ko sa tabi ng kotse ko si Kisses. Biglang nagliwanag at gumaan ang pakiramdam ko ng makita siya. I missed her so much. At himala na nandito siya.Dinala ko siya sa isang kilalang restaurant dito. Nag order muna kami then we talked about our day and napansin kong mukhang uneasy siya.
"Hon, may problema ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Well, I have something to tell you." sabi niya.
"What is it?" tanong ko.
"We're going to shoot in Korea for 3 months, then we'll be going to Paris for another shoot and fashion show, Hon." she said.
"For how long?" inis na tanong ko. Bakit ang tagal? Magshoshoot lang naman sila eh!
"5 months siguro." sabi niya.
"What? Bakit ganun katagal?" nakakunot-noong tanong ko.
"Calm down. I have a good news for you." sabi niya nang nakangiti.
"Siguraduhin mong good news yan ha." I said.
"I will be one of the cast sa isang movie. Pero supporting pa lang yung role ko dun. Kaya nga matatagalan talaga kami sa Korea that's because sa Korea naka base ang buong pangyayari." she said.
"Pero that's too long. Paano nalang ako dito? 1 week nga lang na hindi kita nakita ang hirap na, pano pa kaya kapag 5 months na." sabi ko.
Hinawakan niya yung kamay ko na nakapatong sa table.
"Don't worry, Hon lagi naman tayong magkikipag communicate, diba?" nakangiti niyang tugon. Hindi ako kumibo. Kung dito, ang hirap niya nang macontact, paano pa kaya kapag sa malayo na.
"Please, Hon. Wait for me here, ha. I know you love me, and I love you too but para naman to sa future natin eh." she said.
"Kapag nakatapos na ako ng pag-aaral, ako rin naman magtatrabaho eh." bulong ko.
"Hon, pangarap ko to. Please support me nalang. I need your support and understanding, please. Just wait for me, ha?" paglalambing niya. Napabuntong-hininga nalang ko. Ano pa bang magagawa ko, mahal na mahal ko siya.
"Alright. I'll wait for you." sabi ko dahilan ng paglapad ng ngiti niya.
YOU ARE READING
Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)
RomanceThe story is about the two persons coming from the different heart breaks. They meet and decided to help each others mend what is broken. Will their hearts survive or will they create another love and more heart breaks together?