Warning: medyo spg!!!
-Flashback-
8 years ago...Don Donny calling...
"Hello?"
(L-Love.) basag na boses ang bumungad sa akin.
"Umiiyak ka ba? May problema ka?"
(L-Love...come here...please...I need you...)
"Nasaan ka? Anong nangyari?"
(Love...si lolo...inatake sa puso...)
"What? Nasaan ka?"
Pagkatapos ng tawag, dali-dali akong nagbihis at umalis papunta sa hospital kung nasaan nakaconfine si Lolo Maximo.Nang makarating na ako sa hospital, dali-dali akong pumunta sa kwarto kung saan nakaconfine si Lolo Maximo. Kagabi pa daw siya inatake sa puso at ngayong hapon ko lang nalaman.
Naabutan ko sila Tita Maricel at Dennis na nag uusap sa labas ng room.
"Tita." tawag ko.
"Shar! Buti at napadalaw ka." bati niya at niyakap niya ako.
"Kamusta po si Lolo Maximo?" tanong ko.
"Hindi pa rin siya okay eh." malungkot na sagot ni Tita.
"Don't worry Tita. May awa ang Diyos. Ipagpray ko pong gumaling siya." sabi ko. Napatango naman siya.
"Salamat iha. Gusto mo bang pumasok? Andun si Donny sa loob kasama si Lenon." sabi niya.
"Pwede po ba?" tanong ko.
"Of course! Sige na. Naghihintay na yun sayo." sabi niya. Napatango naman ako at pumasok na sa loob."Donny." tawag ko nang makapasok na ako sa loob. Agad namang nagliwanag yung itsura niya.
"Love!" tawag niya at niyakap ako ng mahigpit. Nag excuse naman si Lenon at lumabas na.
"Buti dumating ka. Kelangan ko ng energy ngayon eh. Hindi pa kasi ako nakatulog mula kagabi." sabi niya.
"Bakit kasi ngayon mo lang binalita sa akin?" inis na tanong ko.
"Sorry na love. Naiwan kasi yung cellphone ko. Nataranta na kasi kami kagabi eh." sabi niya.
"Buti nalang pinauwi ni Mom kanina sila Dad kaya pinakuha ko na rin ito. Namiss kita eh." dagdag pa niya.
"Bakit nagkaganito yung lolo mo? Mukhang healthy naman siya ah." tanong ko.
"Matagal na raw yan. Iniinda niya lang. Ayaw niyang mag alala kami sa kanya." malungkot na saad niya.
"Sana maging okay na siya." sabi ko.
"Love." tawag niya.
"Ano?" tanong ko.
"Gusto ko ng energy. Yung magigising talaga ako." sabi niya.
"Gusto mo ng kape? Ipagtitimpla kita." ngumuso siya.
"Ayoko niyan. Gusto ko ng kiss mo!" sabi niya. Napasapo naman ako sa noo ko. Ang kamanyakan niya talaga. Walang pinipiling lugar.
"Tumigil ka nga! Kita mong nandito yung lolo mo. Mahiya ka nga!" sabi ko.
"Bakit naman ako mahihiya? Dapat nga maging proud pa siya sa akin kasi mahal na mahal ako ng babaeng pinapangarap ng iba." sabi niya. I rolled my eyes. Corny talaga ng lalaking to. Napapailing na hinalikan ko siya ng mabilis."Hija, pwedeng favor?" bulong sa akin ni Tita Maricel.
"Ano po yun?" tanong ko.
"Pwede mo bang pauwiin si Donato sa bahay. 24 hrs na ata siyang gising. Gusto kong matulog siya ng maayos. Please! Ayaw niya kasi makinig sa amin ng Dad niya. Ang tigas talaga ng ulo niya." pakiusap niya.
"Sige po. Try ko pong kausapin siya." sabi ko.
"And please, bring Dennis and Lenon na rin. May classes pa kasi sila bukas." dagdag pa niya.
"No problem po tita.""Love." tawag ko sa kanya. Sa kasalukuyan siyang nagtitimpla ng kape namin.
"Hmm."
"Uwi na kaya tayo." sabi ko. Napatingin siya sakin.
"Gusto mo na bang matulog?" tanong niya.
"Hindi. Yung mga kapatid mo kasi. Pinapauwi na ng Mom mo. May klase pa sila bukas." sabi ko.
"Andun naman yung mga maids namin eh." sabi niya.
"Umuwi ka na rin." sabi ko.
"Ayoko love. Babantayan ko si Lolo." sabi niya.
"Andito naman sila Mom mo eh. 24hrs ka na atang gising." sabi ko.
"Ayoko." sabi niya. Piningot ko siya sa tenga niya.
"Aray!"
"Ang tigas talaga ng ulo mo!" sabi ko.
"Love naman!" reklamo niya.
"Uuwi ka o aalis ako? Sisiguraduhin kong hindi mo na ako makikita pa!" inis na sabi ko.
"Sige na! Sige na! Uuwi na ako....basta kasama ka." sabi niya.
"Oo nga. Ihahatid ko kayo at saka na rin ako uuwi sa amin." sabi ko.
"Doon kana matulog sa amin. Sige na. Please!" pagmamakaawa niya. Ang daming arte. Kainis!
"Pag iisipan ko." sabi ko. Tumango naman siya.Bago kami umalis, nagdinner muna kami. Nang makarating kami sa bahay nila, nagsiakyatan na sila Dennis at Lenon sa kani-kanilang kwarto.
"Matulog kana rin." sabi ko.
"Dito kana kasi matulog...please...minsan lang ako humingi ng favor sayo eh." sabi niya. Napabuntong-hininga naman ako bago tumango.
YOU ARE READING
Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)
RomanceThe story is about the two persons coming from the different heart breaks. They meet and decided to help each others mend what is broken. Will their hearts survive or will they create another love and more heart breaks together?