-Shar's POV-
"Donny, nakakahiya yung kanina." sabi ko nang makapasok na kami ng kotse niya. Pagkatapos namin mag moment kanina, hinila ko na siya papasok ng kotse niya.
"Hahaha! Ano bang pumasok sa kukote mo at ginawa mo yun?" tanong niya.
"I just want to apologized. I did not expect that it went through a lot. Kakantahan lang naman kita tapos magsosorry. Yun lang sana yun eh!" inis kong sabi.
"Ang cute mo kanina." napapangiting sabi niya. "Ngayon lang may gumawa sakin nito. Thank you." sabi niya.
"Kinilig ka naman?"
"Siguro." nakangiting saad niya.
"Aba! Dapat lang. Grabeng effort yun." sabi ko na kinatawa niya lang.
"Pero seryoso, ang ganda ng boses mo. Pwede kang bumuo ng banda." sabi niya.
"Talaga ba? I can sing but I'm not a singer. Magkaiba yun Dons." sabi ko.
"Seryoso. Maganda talaga boses mo." sabi niya. Hindi na ako kumontra pa.
"Oh..eh uuwi na ba tayo?" tanong ko.
"Hindi pa. Ayoko pang pauwiin ka." sagot niya.
"Kanina lang, nagmamadali kang umuwi tapos ngayon ayaw mo na akong umuwi." sabi ko.
"Iba yung kanina sa ngayon, Shar. Parang ako at si Nash." sabi niya. Nakakunot-noong napatingin ako sa kanya.
"Anong connect niyo ni Nash dito?" tanong ko.
"Magkaiba." sagot niya na hindi ko naman agad naintindihan.
"Ewan ko sayong lalaki ka." sabi ko.
"Kantahan mo ako ulit ha." sabi niya.
"Last na yun. Wala ng kasunod." sabi ko.
"Love naman eh." pagmamaktol niya.
"Heh! Wag mo nga akong tawaging love." inis na sabi ko.
"Okay love." sabi niya. Ang tigas talaga ng ulo niya. Napa'tsk' nalang ako."Anong gagawin natin dito?" curious na tanong ko nang mapadpad kami sa isang park kung saan wala itong masyadong tao. Konti lang ang pumupunta dito dahil bukod sa wala itong masyadong attractions, malayo pa ito.
Hinawakan niya yung kamay ko at dinala sa isang bench. Dito ka lang muna. May bibilhin lang ako." sabi niya at bago pa ako makaangal ay umalis na ito. WTH? Pa'no kung may kumidnap sakin dito? Hindi ba siya nag iisip? Tatayo na sana ako upang habulin siya nang marinig ko ang pamilyar na boses sa likod ko. Napalingon ako.
"N-Nash?""Ako talaga ang kumausap kay Donny na kausapin ka. Grabe pa yung pagmamakaawa ko para lang pumayag siya." sabi niya nang makaupo na kaming dalawa sa isang bench. Sinet up kami ni Donny...ako lang pala yung sinet up nilang dalawa at hindi ito alam ni Mika dahil pag nagkataon, magseselos na naman yun.
"Bakit kay Donny ka pa lumalapit? Pwede ka namang diretsang kumausap sa'kin." tanong ko. Napayuko siya.
"Nahihiya kasi ako." malungkot na sagot niya. Nalulungkot din ako, Nash. Hindi tayo dapat ganito mag-usap. Hindi ka dapat mahiya sa'kin dahil very comfortable na tayo sa isa't-isa...dati. Dati yun.
A moment of silence. Bumuntong-hininga muna ako.
"A-anong nangyari sa'ting dalawa, Nash? Hindi ka naman ganito dati ah. Marami ka ng naging girlfriend pero never mo akong iniwan sa ere." sabi ko habang nagpipigil ako ng iyak. Napatingin naman siya sakin at pinahid niya yung luha kong tumutulo na. Just like before. Lalo akong napaiyak.
"Shh...kasalanan ko to. Kasalanan ko. Sorry..." sabi niya na parang iiyak na rin habang pinupunasan yung mga luha ko.
"Nash...bakit ganun nalang? Ganun-ganun mo nalang ako itrato. Parang wala tayong matagal na pinagsamahan." sabi ko.
"Kasalanan ko lahat ng to. Masyado akong nabulag sa pagmamahal ko kay Mika. Sorry Shar." sabi niya.
"Naiintindihan ko naman yun eh. Siguro hindi na talaga babalik yung dati Nash. Nanghihinayang ako." sabi ko. Hindi siya sumagot. Pumikit muna ako bago ako nagsalita.
"May ipagtatapat ako sayo." sabi ko. Napatingin naman siya sa akin.
"Minahal kita higit pa sa kaibigan, Nash. Hindi ko ginustong maramdaman yun dahil magkaibigan tayo. Ayokong sirain yun kaya mas pinili ko nalang na itago." pagtatapat ko. Nakatunganga lang siya sa akin.
"Sa tuwing may ipapakilala kang girlfriend mo, nasasaktan ako. Pero wala yun sa sakit nung malaman kong naging kayo na noon ni Mika. Siguro nga dahil ramdam na ramdam kong mahal mo talaga siya. Alam mo bang hiniling ko nalang noon na sana ako nalang siya?" sabi ko at mapait na ngumiti sa kanya.
"Minahal kita Nash. Pero siguro hanggang doon nalang yung nararamdaman ko sayo." sabi ko.
"Etong sakit na nararamdaman ko ay walang kinalaman sa naramdaman kong pagmamahal sayo noon. Nasasaktan ako ngayon dahil sa nangyari sating dalawa. Dahil sa friendship natin. Bakit ganito yung naging kahantungan ng relasyon natin? I was not ready for this. Pero nangyari na eh at hindi ko alam kong maibabalik pa." sabi ko.
"Shar, nandito ako ngayon dahil gusto kong humingi ng tawad sayo. Gusto kong ayusin kung anong nasira sa atin." sabi niya. "At ngayong nalaman ko na na minahal mo ako higit pa sa kaibigan...sige, may aaminin din ako sayo." sabi niya. "I felt the same way as you...until now." gulat na napatingin ako sa kanya.
"Mahal kita noon pa. Hindi ko lang alam kung paano at kailan. Tinago ko rin dahil takot din akong masira yung pagkakaibigan natin." sabi niya.
"Nung dumating si Mika, unti-unti kong nakakalimutan yung nararamdaman ko sa'yo. Pero nung nakita kong magkasama kayong dalawa ni Donny, grabe yung selos ko sa mga sandaling yun. Lungkot na lungkot ako nung kinausap ako ni Mika na layuan kana. Dahil sa galit ko noon, pumayag ako ng hindi nag iisip at pinagsisihan ko yun. Kung sana hindi ako nabulag sa pagmamahal ko kay Mika. Kung sana pinili kita sa mga sandaling yun. Kung sana hindi ako nagpadala sa galit, hindi sana mangyayari to. Sorry sa lahat, Shar." sabi niya at nakita kong tumulo yung luha sa mga mata niya.
"Mahal kita Shar. Mahal na mahal at hindi ko alam ang gagawin ko nung malaman kong kayo na ng Donny na yun. Ang tanga ko." frustrated na sabi niya.
"Nash, may girlfriend kana at alam kong mahal na mahal mo siya." sabi ko.
"Oo mahal ko si Mika. Pero mas mahal kita Shar. At sana noon ko pa sinabi. Gago kasi ako. Napakaduwag ko!" sabi niya.
"Minahal din kita, Nash. Pero hanggang dito nalang tayo." malungkot na saad ko.
"Ma-mahal mo pa ba ako?" tanong niya.
"Hindi ko na alam. Basta ang alam ko lang, mahal kita...pero bilang kaibigan." sabi ko. "Nash, I think you should've focus to your girlfriend."
"Babalik pa ba tayo sa dati?" Tanong niya.
"Hindi ko alam. Pahilumin muna natin yung mga sugat bago tayo makapagsimula ulit, Nash. Babalik tayo, pero hindi na gaya ng dati." sabi ko at pait na ngumiti.
"Sa ngayon, makontento muna tayo kung anong meron tayo." sabi ko at tumayo na.
"Aalis na ako. Mag iingat ka...bro." sabi ko nang nakangiti at tumalikod na at nagsimula nang umalis.
"Bro." tawag niya. Tumigil ako pero hindi ako lumingon sa kanya.
"Mahal kita at maghihintay ako sayo. Wala akong pakealam kung may Mika o Donny tayo. Tutal nasabi ko naman sayo ang lahat, hihintayin kong matanggap mo ako ulit at makapagsimula tayo at pag nangyari yun, malaya na akong gawin ang gusto ko na dapat noon ko pa ginawa sayo." sabi niya. Hindi ako lumingon pero nagulat ako sa sinabi niya. Nagsimula muli akong naglakad hanggang marating ko ang kotse ni Donny.
Tulala akong pumasok ng kotse niya. Ngumiti siya sakin.
"Kamusta yung kwentuhan niyo? Gumaan ba yung pakiramdam mo?" tanong niya. Gumaan? Pinakiramdaman ko ng sarili ko. Oo gumaan siya pero...
"He loves me and he wants to win my heart back." sabi ko. He scoffed.
"Ang kapal talaga ng lalaking yun. Siya na nga yung tinulungan, siya pa may ganang agawin ka sakin." sabi niya.
"Hindi naman ako katulad ng iba diyan. Alam kong may girlfriend siya at nirerespeto ko yun. At hindi yun mangyayari dahil..." hindi pa ako tapos magsalita nang nagsalita siya ulit.
"Aba! Dapat lang. Hinding-hindi ko hahayaang mangyari yun. Ang akin ay akin" sabi niya at inis niyang inistart yung kotse niya. Napailing nalang ako.
Oa. Akala mo talaga totoo eh.Napansin kong kanina pa kunot ng kunot yung noo niya. Ano na naman kaya yung problema niya?
"Okay ka lang?" biglang tanong ko habang nagdadrive siya.
"Okay? Tsk!" inis na saad niya. Ano na namang ginawa ko?
"Ano bang problema mo?" inis na tanong ko.
"If I knew that it would turned out like that, I wouldn't let him talk to you." sabi niya.
"Ang alin?" ano bang pinagsasabi nito.
"Yung aagawin ka sa'kin."
"Hah! Eh ano naman ngayon?" inis na tanong ko. Bigla siyang nagpreno at muntik pa akong mapasubsob.
"What the...dahan-dahan naman!" inis na sabi ko.
"Anong ano naman ngayon? Gusto mo naman? Akala ko ba magmomove on ka? Hoy! May girlfriend na yun....at saka girlfriend na kita." sabi niya.
"Hay naku Donny! Hindi ko naman hahayaan yun eh. Alam kong may girlfriend at boyfriend na kami at nirerespeto ko yun. Anong akala mo sa'kin, malandi?" inis na sabi ko. Argh!
"Sige nga patunayan mo sa'kin." sabi niya.
"Aba! Wala ka bang tiwala sa'kin?" sigaw ko.
"Meron but I need an assurance." sabi niya.
"Bahala ka diyan." sabi ko.
"Hindi tayo uuwi hangga't hindi mo napapatunayan sa'kin na hindi ka magpapaagaw sa gagong yun." hamon niya. Potek! It's quarter to 8 at papagalitan na ako nila Daddy. Tsk!
"Nakakainis ka naman Donny!" sigaw ko.
"Ano na?" naghihintay na tanong niya.
"Ano ba yun?" pagod na tanong ko.
"Call me love and kiss me...now na!" utos niya.
"Aba't! Inuuto mo na naman ako! Ayoko!" matigas na sabi ko. Akala niya mauuto niya ako? Neknek niya! Ngumiti siya ng nakakaloko.
"Okay. Hindi tayo aalis dito." sabi niya. Tumingin ako sa labas. Nagbabakasakali na may dumadaang taxi or jeep pero wala. Tsk!
"Wag mo akong utuin." sabi ko.
"Gagawin mo o hindi?"
"Oo na. Tang ina naman. Palagi na-" hindi pa ako tapos makaangal nang hinalikan niya ako. Smack lang. Sinapak ko naman yung braso niya.
"Nakakainis ka!" inis na sigaw ko.
"Nag bad words ka eh." sabi niya at ngumiti ng nakakaloko.
"Ano? Gawin mo na. Tumatakbo ang oras." sabi niya.
Bumuntong-hininga ako. Patience Shar! Patience!
"Hindi ako magpapaagaw...l-love." sabi ko at dahan-dahan kong nilapit yung mukha ko sa mukha niya at hinalikan siya. Naramdaman kong nakangiti siya sa mga oras na yun at biglang lumakas ang tibok ng puso ko.
Ayokong mainlove sa'yo, Donato. Ayokong masaktan muli. Ayokong mahulog sa basag mong puso baka ako lang ang masaktan. Ayoko. Ayoko pa.
YOU ARE READING
Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)
RomanceThe story is about the two persons coming from the different heart breaks. They meet and decided to help each others mend what is broken. Will their hearts survive or will they create another love and more heart breaks together?