-8 years later-
"Hey guys! It's me, your Sharbet! I'm here na at NAIA. Almost 8 years na ata akong hindi nakakalanghap ng Pilipinas. How I missed being here. Let's see kung sino yung susundo sa'kin. Hahaha! Come on!" Hindi ko pinatay yung cam. I looked around to find my family and there they are! Tinutok ko ang cam kina Mommy.
"Look who's excited! It's my Mom, Dad and...where's Rachelle? Hmm..." hinanap ng mga mata ko si Rachelle. Yung bruhang yun! Hindi man lang ako namimiss.
"Okay guys. Let's forget about my kutong lupang sister. I'll be right back ha. Bye!" pinatay ko na pagkatapos yung cam ko at lumapit na kila Mommy.
"Anak!!! God! Miss na miss kana namin. Huhuhu!" mangiyak-ngiyak na salubong sa akin ni Mommy at niyakap ako. Si Daddy naman niyakap din ako. I really missed them. Sobra."Congrats anak. Balita namin naka 2M subscribers kana sa channel mo. We're proud of you!" sabi ni Dad habang nag dadrive. Napangiti ako. I'm a vlogger at nung isang araw lang, it reached 2M subscribers. Nagulat lang din naman ako eh. Karamihan sa kanila ay mga Filipinos.
"Sikat kana dito, nak. Hindi ka naman celebrity pero usap-usapan ka dito. Marami kang nainspired lalo na yung may mga depressions." sabi ni Mommy.
"I did not expect that to happened. Dati lang pinapangarap ko lang to." sabi ko.
"You've done so far, anak. We're proud of you." sabi ni Daddy.
"Thanks Dad. Para rin naman to sa inyo eh." sabi ko. "By the way, where's Rachelle?" tanong ko.
"Andun sa clinic mo. Nagpe-prepare yun para sa pagbalik mo." sagot ni Mommy.
"Wow ha. Akala ko hindi niya ako namimiss." sabi ko.
"Aba! Hindi ata yun nakatulog. Excited daw sa pagbabalik mo eh!" sabi naman ni mommy. Napatawa nalang ako.
Grabe! Ang dami talagang nangyari. After kong grumaduate, kaagad akong lumipad papuntang Japan upang tulungan yung Tita ko sa kanyang clinic. She's a psychologist. Laking pasasalamat ko talaga sa kanya dahil kung wala siya, hindi ko ito maabot. Marami akong natutunan habang nagtatrabaho ako sa kanya. I took a Master's degree and after a year, nakakuha na ako ng license. After nun, naging assistant na ako ni Tita. Kung meron siyang appointment, ako muna yung pumapalit sa kanya. Marami na rin akong natutulungan especially nung nagsimula akong mag vlog. I gave an advice to my viewers especially dahil karamihan sa kanila ay Pinoy. They were raining me a suggestion to have a service center in the Philippines. Hanggang sa nakapag ipon na ako at nagdecide akong magtayo ng sarili kong clinic dito."Rachelle!!!" tili ko nang makarating na ako sa clinic. Naabutan ko siyang naglilinis. It's not that big or even small. Nakalagay sa labas ng clinic yung pangalang "Heart and Soul Clinic". Si Rachelle mismo nakaisip niyan. Anyways, I opened my cam and show them our actual clinic.
"Hey guys! Andito ako ngayon sa clinic namin which is piniprepare pa lang po para sa inyo. I'm with my sister, Rachelle. Hoy bruha! Mag Hi ka!" sabi ko nung tinutok ko ang cam sa kanya. Kumaway naman siya.
"Siya nagprepare ng lahat ng to. Magiging psychologist din siya kapag nakagraduate na rin siya. Anyways, I am looking for a secretary and assistant for our clinic. Kung interested kayo or may kakilala kayo, you can tell them and see me here. I'll post our full address and landmark. I'm expecting you guys to come and visit us. We're soon to open and don't worry I'll let you know kung kelan. This is all for now. Thank you guys and have a mindful and soulful day! Love ya!" at pinatay ko na ang cam. Mamaya ko nalang to i-edit at i-upload.After kong pumunta ng clinic, sumakay nalang kami ng grab pauwi sa amin.
"Ate...uhm...may sasabihin sana ako." panimula niya.
"Nagkita kami ni Dennis kanina, yung brother ni ano...ni kuya Donny." natigilan ako nang marinig ko muli ang pangalan niya. It's been a long time.
"Hmm...I see. Nag-usap lang ba talaga?" I teased her.
"Ate naman. Hindi kami talo nun. Magkaklase lang kami and besides, I like someone else." sabi niya nang nakangiti.
"Aba! At sino naman yun?" tanong ko.
"His brother."
"Oh? Si Donato?"
"No! Jusko! Si Lenon ba." sabi niya.
"I knew it! Hahaha. I was just kidding." sabi ko.
Napangiti ako nang maalala ko yung kwento sa akin ni Rachelle. Si Dennis at siya, palagi silang nag-aaway dahil palaging masungit sa kanya si Dennis while when it's Lenon daw, palagi daw itong sweet sa kanya. Napatawa ako.
"What's funny?" tanong niya nang nakataas ang kilay.
"Wala. May naalala lang."
YOU ARE READING
Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)
Любовные романыThe story is about the two persons coming from the different heart breaks. They meet and decided to help each others mend what is broken. Will their hearts survive or will they create another love and more heart breaks together?