Chapter 25

485 14 0
                                    

Buong araw kaming hindi nagpansinan ni Donato. Wala naman akong pake kasi hindi lang naman siya yung bisita ko. At tsaka marami ring mga ibang outsider ang pumunta sa clinic. Most of them are my subscribers and followers. May mga ilang vloggers at reporters din ang nagpunta at nag interview sa akin. Since opening pa lang ng clinic namin, may mga libreng consultation din sa amin ni Tita Kath. Pero iilan lamang. Umuwi na rin ang mga guest namin kasama na yung mga Pangilinan.
"Umm...Shar!" tawag sakin ni Janina. Oh? Andito pa pala sila? Akala ko nakaalis na.
"Hey." bati ko.
"Magpapaalam na kami ni Donny. Thanks for letting us in. Kahit hindi ako invited, still, you welcomed me." sabi niya.
"You're always welcome, Janina since you're now being part of them." sabi ko referring to Pangilinans. Ngumiti siya nang napakatamis. Kahit may pagkabitter ako sa kanila ni Donny, tatanggapin ko nalang hindi siya para sa akin because I know, she loves him the way I loved him. Sana matagalan niya yung kakulitan ni Donato. Ngumiti ako habang may namumuong luha sa mga mata ko na agad ko namang pinunasan nang mabaling yung tingin niya kay Donato na nakatitig din sa akin. Bigla akong nanliit sa kanila. Tumalikod na ako at naisipan kong puntahan nalang ang mga kaibigan kong vloggers kaso bigla naman akong pinigilan ni Janina.
"Wait Shar!" I looked at her
"Hmm..yeah?"
"Pwede ba kitang imbitahan sa birthday ko next week?" tanong niya. Nag isip naman ako. We're the same birthday. What a coincidence!
"Baka busy ako niyan." sagot ko. I didn't even mentioned what I found out. Bigla namang nag iba yung masigla niyang mood na ikinaalarma ko.
"Umm..but I'll try. Just tell me kung saan at anong oras." sabi ko. Ngumiti naman siya ulit at tumango.
Hindi ko namalayang kanina pa pala tahimik si Donato. Alam pa niya kaya yung birthday ko? Alam niha din kaya na kapareho kong birthday iyong girlfriend niya?
Nagpaalam na sila. Tanging tango lang ang binigay niya bago niya inakbayan yung girlfriend paalis papalayo sa akin. I guess...nakalimutan na niya. I told you, you're no longer important to him. Pati siguro apelyedo ko nakalimutan na niya. Umiling ako sa sarili ko. Talaga bang ganito na talaga ako ka martyr?

Buong linggo akong naging abala sa clinic. Minsan napapaisip ako, mabuti natong ganito palagi. At least hindi ko masyadong iniisip si Donato. Sunday ngayon at kagagaling ko lang sa simbahan. Nagbihis na ako at humiga sa kama dahil naisipan kong matulog buong araw. Hindi pa man ako nakaidlip bigla nalang nag-ring ang cellphone ko. Inopen ko ito. Hindi nakaregister yung number.
From: +639**********
Good afternoon Shar. This is Janina. I got your number from Blaire. Please be there tomorrow at 8 pm in **** bar. It's my birthday. I hope you'll be there kahit birthday gift mo lang to sa akin.
Thank you! ;)

Hindi ko na nireplyan. Sobrang inaantok na ako at bigla nalang akong natulog kaagad.

-The next day-

"Ano ba yan ate! Ang kj mo! Nakakainis ka! Kahit man lang doon mo na i-celebrate yung birthday mo. His brother will be there! Hindi ako makakapayag na wala ako...tayo doon! At hindi din ako papayag na nakatunganga ka lang sa importanteng araw mo. " pagmamaktol ng kapatid ko.
"Eh di ikaw pumunta dun. Bakit ako makikisabay sa celebration? I would rather eat sweet potato alone. It's just a birthday. Maybe we could go out for a movie or eat outside if you want. " sabi ko. She scoffed.
"Napaghahalataang umiiwas ka sa kanila. Affected ka pa kasi. Show them that you are no longer bitter." sabi niya at umikot pa ang mata niya.
"I'm not. Busy lang talaga ako. I have something to do after my duty. Again, my birthday is not really that special. " sabi ko. Oo, umiiwas ako. Oo, duwag ako.
"Tama na yan! Kung gusto mong pumunta, go on. Nobody's gonna stop you." sabi ko ulit.
Umiling lang siya.
"Duh! It's just a birthday party. Akala mo naman kasalan na." sabi niya then walked out.
Umiling-iling ako. I stopped as my phone beeps.

From: Blaire
Cyst! I'm expecting you to be there ha. Everyone's coming. Don't disappoint us. Love ya!

Napabuntong-hininga ako. Ayaw na ayaw ko talagang pumunta doon. Pag nangyari yun, mauuwi sa wasak itong puso ko. Look at them, they're happy with each other. It seems like I'm just an antagonist or maybe a supporting role on their lovestory. Masama mang pakinggan pero ayokong makitang masaya sila sa isa't-isa habang ako ay kinakain ng kalungkutan at sakit sa buong sistema ko. Kaya I choose to give a boundaries with them. The more na hindi ko sila nakikita, the less ang sakit na nararamdaman ko. It's her birthday, mine too. And knowing him, gagawa yan ng suprises sa kanya. Ano ako martyr na masasaksihan din yung mga paganyan niya? I would rather celebrate with my family alone than being with them...ayokong matorture.

Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)Where stories live. Discover now