Chapter 26

710 25 2
                                    

"Aray!" sambit ko nang tampalin na naman ulit ni Blaire yung braso ko. Inaayusan niya kasi ako at hindi ito makaconcentrate ng maayos dahil panay baba ng ulo ko para titigan yung cellphone ko.
"Ano ba! Pag itong eyeshadow mo pumangit, ewan ko nalang sayo. Pikit!" utos niya na nakangiti ko namang sinunod.
"Kasi naman nagbabasa pa ako ng mga greetings sa insta ko. Uy wag mong kapalan ha." sabi ko pertaining to the eyeshadow.
"Wag kang mag-alala hindi pangpokpok iyong make up ko sayo. Wag ka lang magulo dahil pagmumukhain ko talagang clown yung itsura mo." sabi niya.
Hindi na ako muling gumalaw pa hanggang sa matapos yung make over niya sa akin. Nakabath robe pa ako at basa pa yung buhok ko kaya hindi pa ako nakabihis ng dress.
"Wow! Ako ba talaga to?" exaggerated na pagkasabi ko na ginaya ko lang yung reaction sa mga pelikula. Ang totoo kasi, masyado lang siyang simple na akala mo ay pang korean na make up. Yung parang walang make up pero meron naman and I really love it. Iba talaga itong si Blaire. Pwede na siyang magpatayo ng salon. Hahaha!
Binatukan ako ng kumag.
"Ang oa!" aniya.
"Pero seriously ang galing mo ha. Ikaw kaya kunin kong make up artist sa kasal ko." sabi ko.
"Fine. Pero humanap ka muna ng boyfriend. Duh! Wala ka pa nga nun eh." sabi niya. I rolled my eyes. Grabe siya!
Nag scroll nalang ako sa social media ko ng mga greetings nila. Napangiti ako sa mga mensahe nila sa akin. I didn't even know them but they still managed to greet and remember my birthday. Nakakaoverwhelmed naman. Hinanap ko yung greetings ni Ricci. Grabe! Wala man lang akong natanggap. Nakalimutan niya kaya or masyado lang busy iyon? Kasi naman nasanay akong siya palagi nauunang mag greet sa akin. Ngayon lang talaga hindi nagparamdam. Hay naku! Humanda talaga sa akin yun.
"Hello tita! Is everything ready? Nagbibihis na po siya. Andyan na po ba sila tita Maricel? Ah sige, bibilisan nalang po namin. Okay po. Bye!" si Mommy siguro kausap ni Blaire sa phone niya.
"Ikaw nalang ang hinihintay. Papunta na si Janina at Donny. Nandun na rin yung parents nila." sabi niya sa akin.
"Hala! Sige magbibihis na ako. Mag ayos kana." sabi ko.
"Mabilis lang naman akong mag ayos. Sige na." sabi niya sakin. Tinignan ko iyong dress. Tinapalan namin ito ng kaunting sequins para hindi magmukhang kapareho iyong dress ni Janina.

"Perfecto!" sambit ni Blaire nang nakaayos na ako.
"Okay lang ba?" tanong ko.
"Oo. Magpalate lang tayo ng konti para center of attraction ka." sabi niya at tumawa.
"I'm sure luluwa mata ni Donny sayo." sabi niya.
"Let's not talk about him. We will be there to celebrate our birthday." sabi ko.
"Okay fine! Excited lang din naman ako sa surprise namin sayo. Akala mo ha. Magugulantang itong gabi mo mamaya." sabi niya and then she just winked. She glanced at her watched.
"Hala! 6pm na. Patay tayo kay tita." sabi niya at napahagikgik.
Napailing nalang ako sa kabaliwan na. Ano kayang surprise ng mga kumag sa akin?

"Happy birthday Ate. I love you." si Rachelle yung sumalubong sa amin sa labas ng bar.
"You looked great." dagdag pa niya at bumeso sa akin.
"Thanks." nakangiti kong sabi.
"Pasok na tayo. Kayo nalang ang hinihintay." sabi niya.
"Oh? Andiyan na ang dalawa?" gulat na tanong ni Blaire.
"Yeah. Nagulat nga si Ate Janina kanina kasi hindi niya inakala na pareho kayong magcecelebrate ngayon." sagot niya.
"Hahaha! That's good then. Let her be. " natatawang sabi ni Blaire.
"Demonyeta ka talaga ate." natatawa ding usal ng kapatid ko. Napabuntong-hininga nalang ako. Andito na eh. Aatras pa ba ako?

Maingay nang makapasok kami sa loob. Sa kabilang table yung mga relatives and families ko, sa kabila naman sila Donato at pamilya ata ni Janina. Parang pinipiga yung puso ko nang makita kong nagkakasayahan sila. I think their families are good friends. Ano ba itong iniisip ko? I shouldn't feel envy.
"They're here." sigaw ng isa kong pinsan ng mapansin kaming papunta sa kanila. Tumingin silang lahat sa amin. Naunang tumayo at lumapit si Tita Maricel since mas malapit ang table nila sa direksyon namin.
"OMG! Happy birthday, Darling. You looked so good in your dress." sabi niya at niyakap niya ako pagkatapos bumeso.
"Thank you, tita." sabi ko ng nakatingi.
Sunod-sunod na nagsilapitan sila para batiin ako. Nagkatinginan kami ni Donato na nakaupo sa tabi ni Janina. Hindi man lang ako binati. Ngumiti ako ng mapait sa kanya. Agad namang lumapit si Janina sa akin at bumati. Syempre binati ko din siya pabalik. Pero alam ko talagang may something sa kanyang mga ngiti nang mapansin yung dress ko.
"Ang ganda mo sa dress na ito." sabi niya at tinalikuran ako.
Hinila naman ako ni Mommy papunta sa table nila.

Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)Where stories live. Discover now