Chapter 30

590 20 1
                                    

"Saan ka ngayon? Bakit hindi ka sumasagot sa mga mensahe ko sayo? Ganyan ka na ba talaga ka busy?" bungad ko kay Donato. Sa kasalukuyan ko siyang kausap sa phone at sobrang inis na inis na ako sa panloloko niya sa akin.

"Easy lang, love. Nasa Cebu pa ako. Kausap ko kasi yung isang client ko."

"Client? 8 pm na. Nagtatrabaho ka pa rin?"

"I'm sorry, okay?"

"Sorry mo mukha mo! Bakit ba kayong mga lalaki, mahilig kayong manloko ng mga babae!?"

"Oh? Bakit napunta sa ganyan? Ang sungit ng lalove ko ngayon. Meron ka ba?" I heard him chuckled. Mas lalo akong nahighblood.

"Nakakainis ka ha. Wag mo akong niloloko ngayon. Bistado ka na. I know that you're in Manila. Kailan pa naging Cebu ang Makati?"

"W-What do you mean?"

"Oh ngayon uutal-utal kana? Masarap ba sa pakiramdam na lokohin ako? Kayo na ba ulit ng Kisses na yan? Bakit siya ang kasama mo diyan imbis na ako? Akala ko ba mahal mo ako? Bakit nagawa mo akong lokohin? Sa ex mo pa talaga! Paulit-ulit nalang tayo Donny eh." nagsimula na ding lumandas ang mga luha ko. Bakit ang emotional ko ngayon? Siguro ganito lang siguro ako pag nasaktan.

"Love, let me explain. Please...don't cry, okay? Pupuntahan kita sa bahay mo ngayon din." sabi niya na may bahid ng pag-alala sa tono.

"Explain mo mukha mo. Huwag mo akong puntahan dito. Ayokong makita ang pagmumukha mo. Just give me a space! Bumalik ka nalang kapag natauhan kana!" sigaw ko sabay baba ng cellphone ko.

Ilang minuto ang lumipas, narinig ko ang busina ng sasakyan. I knew it! Ang tigas talaga ng ulo niya.
"Ate! Si Kuya Donny nasa baba." sigaw ng kapatid ko mula sa labas ng kwarto ko.
"Sabihin mo ayoko siyang makita." sigaw ko din sa kanya pabalik.
Maya-maya biglang pumasok si Mommy.
"Anak, nag-away ba kayo ni Donny?" malumanay na tanong niya.
"Niloko niya ako, my. Akala ko wala na sila ni Kisses. Manloloko siya!" sumbong ko habang umiiyak. Napabuntong-hininga siya.
"Hayaan mo muna mag-explain yung tao. Pag-usapan niyo." sabi ni Mommy.
"Ayoko. Ayoko siyang makita." malamig na sabi ko at nagtalukbong ng kumot. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at umalis na.
Ilang minuto ang lumipas at narinig ko ang pag-andar ng sasakyan mula sa labas. Dali-dali akong pumunta sa bintana at tinanaw ang sasakyan ni Donny na palayo sa bahay namin. Napahagulgol ako ng iyak.

Dumaan ang halos dalawang linggo nang hindi ko nakikita at nakakausap si Donny. Grabe! Hindi man lang siya nag effort na suyuin ako. Siguro araw-araw sila magkasama ni Kisses. Nanlumo ako sa iniisip ko at nagsimula na akong umiiyak. Bakit ang emosyonal ko these days?
"Saan ka pupunta, Rachelle?" tanong ko habang hinihilot yung sintido ko.
"Ahh..ehh...sasamahan ko l-lang s-sana si D-Dennis." sagot niya.
"Okay? Something's bothering you." I stated and trying to observed her. Umiwas siya ng tingin.
"Wala ate. Oa!" defensive na sabi niya.
"I'm a psychologist, Rachelle. And I can sense something from your reaction." sabi ko nang nagsususpetsya.
"Bahala ka nga diyan. Alis na ako. Bye!" sabi niya at dali-daling umalis. Napataas naman yung kilay ko.

"Mae!" tawag ko sa sekretarya ko sa labas.
"Yes po, Doc?" sagot niya.
"May sinabi ba si Rachelle sayo kung saan siya pupunta?" tanong ko.
"Wala po. Hindi ko naman din natanong kanina kasi nagmamadali po siyang umalis." sabi niya.
I shrugged my shoulder. Siguro nga may date siya. Wait? Magkadate sila ni Dennis? Yung kapatid ni Donny? Akala ko ba mas bet niya si Lenon. Hmm...parang may naaamoy akong something.
It's 4 pm. And wala ng patients ang nakaappoint ngayong oras. Naisipan kong magdinner kasama ang mga pinsan ko.
"Out na tayo, Mae. Gusto mo sumama mag dinner?" tanong ko.
"Sige po, doc. Salamat po sa pag-invite." kumikislap at nakangiting sagot ni Mae.
"Okay lang yun. Hindi ka naman iba sa akin." sabi ko at ngumiti pabalik.
"Saan sila Jed?" tanong ko.
"Nag early out po. Akala ko po nagpaalam sa inyo?" nagtatakang tanong din niya.
"Hindi. Hindi sila nagpaalam." masungit na sagot ko. Humanda talaga sila sa akin. Bakit kaya palagi nalang ako iniiwan? Si Rachelle, hindi man lang ako sinamahan dito mas pinili pang makipagdate sa Dennis na yun. Yung mga pinsan ko...hindi man lang sila concerned na broken-hearted yung pinsan nila. Sana man lang dinamayan nila ako.
Nagsimulang tumulo yung luha ko.
"H-Hala! Umiiyak po kayo, Doc. Okay lang po ba kayo?" nag-alalang tanong ni Mae.
"Okay lang ako. Huhuhu. Masamang tao ba ako, Mae?" naiiyak na tanong ko.
"Hindi po, Doc. Ang bait-bait niyo nga po eh." sagot niya na nag-alala pa rin.
"Bakit iniwan niya pa rin ako? Pangit na ba ako? Kapalit-palit ba ako?" nagdadrama kong tanong.
"D-Doc...siguro po magpahinga nalang muna kayo." nag-alalang suhestyon niya.
"No. We're going out. I invited you. Umasa ka. Ayokong masaktan ka at baka iwan mo din ako." pagdadrama ko ulit. Gosh! I'm so emotional!
"Okay lang po yun, doc. Magpahinga nalang p---"
"No! Tara na!" maawtoridad kong sabi.

Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)Where stories live. Discover now