Chapter 10

696 23 1
                                    

"OMG! Siya yung ka-date mo?" gulat na tanong ni Mika. Inakbayan ako ni Donny.
"Yes. I'm her boyfriend, got a problem with that?" tanong ni Donny. Kainis to ah!
"Boyfriend? Kelan lang?" tanong ni Nash.
"Nung isang araw lang. " sagot ni Donny.
"How did that happened? Masyadong mabilis. Kakakilala niyo lang, right? Humingi ka pa nga sakin nung number niya kahapon eh? Ang bilis talaga!" komento ni Mika.
"Eh ano ngayon? I like her, she likes me. Anong masama dun? Hindi pwedeng kami ngayon tapos araw-araw ko siyang liligawan?"- Donny. Corny!
"Well, why do you like her ba?" tanong ni Mika. Si Nash naman nanatiling nakakunot ang noo.
"We don't have a time for your question and answer portion. We're really hungry already, right love?" baling sakin ni Donny.
"Bakit Love?" bulong ko sa kanya. Ang corny! Potek!
"Makisakay ka nalang." bulong niya pabalik.
"Ang sweet naman. We're heading to mcdo. Baka gusto niyong sumabay samin." sabi naman ni Mika. Tumingin ako kay Nash. Bakas sa mukha niya na malungkot siya. Ano kayang problema ng lalaking yun ngayon? Iniisip niya kaya ako? Namimiss na niya kaya ako? Kasi ako, sobra. Hays.
"Ikaw Love? San mo gusto?" tanong ni Donny.
"Kahit saan nalang." sagot ko nalang.
"Sige na sumama na kayo." pagpupumilit ni Mika.
"S-sige." sabi ko na parang hindi sigurado.
"You sure about that, love?" ba't love siya ng love? Aba't!
Tumango nalang ako.

"What do you want?" tanong sakin ni Donny.
"Kahit ano nalang." sagot ko.
"Wala namang kahit na ano lang dito ha." biro niya. Siniko ko naman siya.
"Joke lang love. Ikaw naman." sabi niya na napatawa.
Naghanap na kami ng table ni Mika habang si Donny at Nash naman yung nag order.
"I didn't expect na magiging kayo nung Donny na yun." sabi sakin ni Mika nang makahanap ng kami ng pang apatan ng upuan at umupo na. Bale kaharap ko siya ngayon.
"Ako rin eh." sabi ko nalang.
"Kahapon kasi, humingi siya ng number mo, eh wala naman ako nun. Grabe! Pinipilit niya talaga ako kahapon. Hindi nga niya ako nilulubayan kaya naisipan ko nalang na humingi ng number mo kay Nash. Ang kulit pala talaga niya. Haha!" sabi niya.
Ngumiti nalang ako. The truth is, hindi talaga ako komportable sa kanya eh. Ewan ko nga ba.
"CR muna ako ha." paalam niya at umalis muna.
Maya-maya, dumating si Nash dala yung inorder niya. Lilingon pa sana ako upang hanapin si Donny kaso bigla siyang nagsalita.
"Pumipila pa siya. Ang haba kasi ng pinipilahan niya." sabi niya. Tumango nalang ako. Naiilang kasi ako. Umupo siya sa tabi ng inuupuan ni Mika. Walang nagsasalita sa amin. Nakatitig lang siya sa mga inorder niyang pagkain. Ako naman nakayuko lang. Bakit ang tagal nila?
"Ahmm..Shar, sorry." biglang salita niya. Napatingin ako sa kanya.
"Alam kong alam mo na iniiwasan kita. Sorry." sabi niya. Napatango ako. Parang ang bigat-bigat ng dibdib ko.
"Naiintindihan kita." sabi ko.
"I'm sorry. I hope we can still remain as friends." sabi niya. Napabuntong-hininga ako at napatango sa kanya. Ngumiti ako ng peke.
"I don't know kung ano pumasok sa kokote mo at pinili mong itapon yung matagal na pinagsamahan natin." mapait kong sabi. Natigilan siya at hindi makasagot. Alam kong nangangapa siya ng maisasagot. Napailing ako. Tatayo na sana ako para mag cr nang dumating si Donny.
"Saan ka pupunta love?" tanong niya at nilapag ng inorder niya at tumabi sakin.
"Mag si-CR sana." sagot ko.
"Okay." sabi niya. Umupo ulit ako.
"Akala ko magsi-CR ka?" curious na tanong niya ulit.
"Hindi na. Biglang umatras eh."sabi ko. Oo, tutulo na sana yung luha ko kanina kaso nang marinig ko yung boses ng mokong na yan, bigla itong umatras.
Napatawa siya.
"Let's eat." sabi niya. Tumango ako at tinignan yung mga inorder niya.
"Bakit ang dami? Anong akala mo sakin, patay gutom?" tanong ko.
"Hindi ko alam yung gusto mo eh." sabi niya. I rolled my eyes. Hindi ko napansin si Nash na kanina pa nakatingin sa amin. Bigla naman dumating si Mika.
"Wow! Baka tumaba ka niyan, Shar. Haha." bungad niya samin.
"Bakit ang tagal mo?" tanong ni Nash.
"Nag retouch pa kasi ako eh." sagot niya.
"Kakain lang naman tayo, nagmake up ka pa." sabi niya.
"Bakit ang sungit mo, babe?" masungit na tanong ni Mika.
"Hep! Tama na yan." pagpipigil ni Donny. Umupo nalang si Mika sa tabi niya at nagsimulang kumain. Walang kibo silang dalawang kumakain habang yung nasa tabi ko, panay pangungulit sakin.
"Dapat kasi marami ang kinakain mo. Gusto ko tumaba ka." sabi niya sakin.
"At bakit naman gusto mo akong tumaba?" tanong ko.
"Para masarap kang i-hug. Parang malambot na unan." sabi niya at tumawa.
"Inaasar mo ba ako?" masungit na tanong ko.
"Hindi. Gusto ko kasi sa mga babae, yung mataba." sabi naman niya.
"Eh di maghanap ka ng mataba diyan. Tsk!" inis kong sabi. Buti nalang gutom ako kaya ginaganahan ako sa pagkain.
"Bakit naman ako maghahanap ng mataba kung kaya naman kitang patabain?" biro niya.
"Tumigil kana." sabi ko at isinubo ang napakaraming fries sa bunganga. Nabilaukan naman siya. Napapatawang binigyan ko naman siya ng drinks.
"Alam niyo, you look good together." sabi ni Mika nang nakangiti. Ngumiti rin ako sa kanya but this time, hindi na peke. Alam kong sincere yung pagkakasabi niya nun kesa kanina.
"I know." sagot naman ni Donny. Siniko ko naman siya.

Nauna kaming nagpaalam sa kanila pagkatapos naming kumain.
"Your bestfriend, he's acting so weird." sabi sakin ni Donny nang makalayo na kami sa kanila.
"Bakit mo naman nasabi?"
"I think nagseselos siya sa atin."
"Wow! Assuming? Bakit naman magseselos yun?"
"I don't know." sabi niya nalang.
It's 3pm pa lang. San naman kaya kami pupunta nito?
Tumigil kami sa supermarket.
Mag gro-groceries pala kami.
Kumuha siya ng cart.
"Anong bibilhin mo?" tanong ko.
"Groceries." sagot niya. Oo nga naman Shar. Ang bobo ng tanong mo. Tsk! Hindi nalang ako nagsalita pa. Tumitingin-tingin nalang ako sa mga chips na nasa tabi ko.
"Love, pakikuha nga ng Chips diyan. Yung malaki." sabi niya. Kumuha ako dalawang malaking chips at nilagay sa cart niya.
"Bakit love ka ng love? Kelan lang naging 'love' yung pangalan ko?" inis na tanong ko.
"Endearment kasi yun." sabi niya na na namimili ng bibilhin niya.
"Ang corny. Bakit kelangan pa ng endearment na yan?" tanong ko.
"Part yun ng relationship at mas corny yung 'reminiscing river' mo." sabi niya na natatawa. As if naman na tatawagan ko rin siya ng ganun. Asa siya. Inismiran ko nalang siya.
Pagkatapos namin mag groceries, tinulungan ko siya magdala ng mga pinamili niya papunta sa kotse niya.

"Sa wakas at makakauwi na tayo!" sabi ko at nag unat-unat pa ng katawan.
"Sino nagsabi sayo?"
"Oh? May pupuntahan pa ba tayo?"
"Oo naman."
"Saan?" tanong ko.
"Sa bahay ko." gulat akong napatingin sa kanya.
"A-anong gagawin n-natin?" kinakabahang tanong ko. Pinitik naman niya yung noo ko.
"Ano ka ba! Kukunin ko lang yung mga gamit ko. Diba dun ako matutulog sa inyo? Alangan naman na kay Daddy mo yung gagamitin ko." natatawang sagot niya.
"Di mo naman sinabi agad." sabi ko.

Bahay niya to? Ang laki-laki naman. x2 na to ng bahay namin eh. Wow! Manghang-mangha kong nililibot ng tingin yung kabuuan ng bahay nila.
"Marami ba kayong nakatira dito?" tanong ko.
"Hindi. Kami lang nila lolo ang nakatira dito." sagot niya.
"Asan yung iba mong tita? Diba may pinsan ka?" tanong ko.
"Yes. Dalawa lang yung anak ni lolo. Si Mom lang at si Tita Erica, yung mommy ni Blaire." sagot niya.
"Isa lang yung pinsan mo sa side ni mama mo?" tanong ko ulit.
"Yes. Well, kami lang nila mama, lolo, papa at ng dalawa kong kapatid yung nakatira dito pati yung mga maids kasi sila tita, andun sa Makati."
"Asan naman yung lola mo. Bakit hindi ko siya nakikita dito?" tanong ko.
"Hindi. Naghiwalay sila ni lolo. Doon siya sa states nakatira ngayon kasama yung kapatid niya na si Lola Criselda." sagot niya.
"Ahh. So doon ka recently nakatira?" tanong ko ulit.
"Yep." sagot niya.
Napatango ako.
"Ang laki ng bahay niyo pero ang liit ng pamilya niyo." sabi ko.
"Kay lolo itong bahay na to. Oo nga, pero sa side ng Dad ko marami kaming pamilya dun kaso hindi naman namin ka close yun." sabi niya.
"Nasan yung lolo at lola mo sa side ng Daddy mo?" tanong ko.
"Sumakabilang buhay na." napatango ako. Kaya nga.
Pumasok kami ng bahay nila. Wala ngang katao-tao. Puro mga gamit lang ang nandun pero hindi naman siya malungkot tignan. Ang ganda nga dito eh.
"Ang yaman talaga ninyo noh? Nakawin ko kaya yung ibang kagamitan niyo dito." biro ko.
"Sige lang. I won't mind." sabi niya na natatawa.
"Oh siya! Bilisan mo na diyan. Dito nalang kita aantayin." sabi ko at umupo sa sofa nila.
"Maliligo muna ako. Amoy araw na kasi ako." sabi niya.
"Okay." sabi ko nalang at umakyat na siya papunta ata sa kwarto niya.
Whoo! Nakakapagod ang araw na to.
Humiga ako sa sofa nila. Feel at home ako ah. Haha! Minsan lang to. Wala namang tao dito eh.

Nagising ang diwa ko nang may sumusundot ng pisngi ko. Nakakainis! Ang aga-aga nang iistorbo na naman 'tong Rachelle na to.
"Ano ba?" nakakunot-noo kong reklamo habang nakapikit pa rin. Ang sarap-sarap pa ng tulog ko eh. Hinila ko yung katabi kong si Rachelle at niyakap.
"Ang bango mo ngayon ah. Amoy vanilla ka." sabi ko ng nakapikit pa rin at kinurot-kurot yung pisngi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit at sinisinghot-singhot. Ang bango. Pamilyar yung amoy. Parang si...teka!!! Minulat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang nakangiting si Donny! Bigla akong nagulat.
"Tangna!!! Bakit ka nandito sa kwarto ko? Potek!" sigaw ko at tinulak siya. Babangon na sana ako ng bigla niya akong hablutin at...
Halikan! Hinalikan niya ako sa labi! Biglang nagising yung ulirat ko. Andito nga pala ako sa bahay nila at nakatulog ako sa sofa.
Hindi ako makagalaw sa pagkakabigla. Hindi ko alam kong sasampalin ko siya o hindi kasi may part sa akin na hindi ko gusto dahil first kiss ko yun at may part din sakin na gustong-gusto ko dahil hindi ko pa ito nararanasan. Gumalaw yung labi niya. Shocks! Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Pumikit ako. Yun yung nakikita ko sa mga drama eh. Bahala na! Bigla itong tumigil. Didilat na ba ako? Tapos na ba? Yun na yun? Ano? Sabihin niyo? Didilat na ba ako? Tapos na ata eh. Napadilat ako. Nagkatitigan kami.
"I told you bad word is equal to one kiss." bulong niya at iniwan niya akong nakatulala.

Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)Where stories live. Discover now