-Shar's POV-
After naming magdeal, hinatid na ako ni Donny sa bahay namin dahil mag gagabi na. This time, siya na yung nag drive. Takot daw siya na magasgasan yung baby niya. Tss! Ang arte ng mokong na to.
"Oh yan, tapos lumiko ka." sabi ko. Sinasabi ko kasi sa kanya yung direksyon ng bahay namin.
"Kita mo yung dirty white na gate, dun ka tumigil." sabi ko.
"Yun na ba yung bahay mo?" tanong niya.
"Oo." simpleng sagot ko.
Tumigil kami nung nasa harap na kami ng bahay namin.
Naabutan ko si Rachelle, ang kapatid kong pinaglalaruan yung doorbell namin.
"Woi! Anong ginagawa mong bata ka?" sigaw ko sa kanya nang makababa na ako.
Lumingon siyang nakangising parang aso bigla itong natigilan nang makita kami at napalitan ang mukha niya ng pagkamangha.
"Ate, boyfriend mo?" diretsang tanong niya.
"Hin-"
"Yes." biglang singit ni Donny.
"Omg! Astig!" sigaw ng kapatid ko at lumapit kay Donny.
"Type mo ba si Ate?" inosenteng tanong niya.
"Oo naman." napapatawang sagot ni Donny.
"Did you know that she likes kamote?" bwisit na batang to. Wala talagang preno yung bibig niya. Humanda ka sakin mamaya.
"Really? That's why her ut-"
"Hep! Gusto niyo pag uuntugin ko kayong dalawa? Pumasok kana nga sa loob, Rachelle! Wag kang magdidisplay sa harap ng bahay. Para kang baliw diyan. Ngayon ka lang ba nakapindot ng doorbell? At ikaw naman Donato, umuwi kana rin! Tsk!" galit na sigaw ko. Nakakapikon eh. Harap-harapan kang pinapahiya. Tss.
"Susumbong kita kay mommy." sabi ng magaling kong kapatid at pumasok na sa loob.
"Hoy! Bakit mo sinabing boyfriend kita?" pagalit na tanong ko.
"Bakit? Nagdeal na tayo kanina, diba? We are dating, so that means, we are in a relationship." sabi niya. Lintek naman.
"Akala ko ba sa lolo mo lang tayo magpapanggap?" tanong ko.
"No, dapat malaman nila na nagdedate na tayo, kasi pag magduda yun, magtatanong yun sa kakilala natin. At saka pano tayo paniniwalaan niyan kung kay lolo lang tayo nagpapanggap?"
"Okay fine!" sabi ko nalang. Napatawa naman siya.
"Sige na, aalis na ako."
"Mag iingat ka." sabi ko. Tumango naman siya at umalis na. Pumasok na rin ako ng bahay at nakaabang na sakin si mommy, daddy at Rachelle. Humanda ka saking bubwit ka!"Anong sinasabi ng kapatid mo na may naghatid daw sayo at boyfriend mo pa raw?" bungad na tanong ni mommy.
"Hindi nga namin alam na may nanliligaw sayo. Tapos malaman-laman lang namin na may boyfriend kana pala." sabi ni Daddy.
"Ano kasi...anoo...uhhh.." nangapa ako ng maisasagot.
"Papuntahin mo yang lalaking yan dito bukas." sabi ni Mommy.
"Pero-"
"Hep! No buts. Magbihis kana at kumain. Bilisan mo. Aantayin ka namin." sabi niya at yumuko akong umalis papuntang kwarto ko. Nakakainis! Pano na to? Pano kapag hindi siya pumunta dito? I mean, pano pag hindi kami magkita at hindi ko masabi sa kanya to? Eh di patay ako kay mommy niyan. Wala pa naman akong contact number niya. Tsssk! Donato! Isa ka talagang problema!-Kinaumagahan-
Tama nga ang sinabi ni Nash. Hindi na kami madalas mag usap ngayon. Mukhang bilang nalang kung mag usap kami. Puro tango na lang kami sa isa't-isa. Naisipan ko, para hindi na mas magiging masakit sa akin, ako na ang gagawa ng paraan para hindi na siya mag isip ng palusot. Tulad nito,
"Ahh..Shar...hindi na muna ako sasabay sayo kumain. Pupuntahan ko pa kasi si Mika. Ano kasi...masakit yung ano...yung paa niya...kaya hindi siya kakain d-dito." sabi niya.
"Okay lang. Hindi rin naman ako makakasabay sayo ngayon. Sige alis na ako." malamig kong sabi na ikinatigil niya. Tumalikod na ako at mabilis na naglakad palayo.
Mas mainam nato Shar. Ikaw na ang unang umiwas para hindi ka masaktan ng sobra. Marahas kong pinahid ang pisngi kong may basa ng luha.
Sa halip na dumeritso ako ng cafeteria, lumabas ako at doon kumain ng mag-isa. Susubo na sana ako ng biglang magring ang cellphone ko. Unknown number. Sino kaya to?"Hello?"
(Shar.) kilala ko ang tinig na to ah.
"Donny?"
(Yes. Where are you? I've been looking for you. Wala ka naman sa cafeteria niyo.)
"Pa'no mo nalaman ang number ko?"
(Tinanong ko sa syota ng kaibigan mo.) Aba! Ang daming sources nito ha.
"Oh..eh anong kailangan mo?"
(Asan ka nga?)
"Dito sa labas ng school namin."
(Saan nga?)
"Eh bakit mo nga kasi ako hinahanap?"
(Sasagutin mo ba o hindi?)
"Aba't!" Ang suplado nito ah!
"Tse! Bahala ka diyan!" sabi ko at padabog na pinatay ang tawag. Nakakainis! Parang boyfriend kung umasta.
YOU ARE READING
Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)
RomansaThe story is about the two persons coming from the different heart breaks. They meet and decided to help each others mend what is broken. Will their hearts survive or will they create another love and more heart breaks together?