"Nakakainis! Bakit nasabi ko yun sa kanya? Tsk!!!" inis na reklamo ko sa sarili ko sabay padyak pa sa kama ko.
Nakakainis naman kasi talaga! Alam niya na tuloy na all this time, umaasa ako sa kanya. Argh!!!*Tok! Tok! Tok!
"Bukaaas!" sigaw ko nang may kumatok sa kwarto ko.
"Ate!!! Huhuhu!" bungad ng kapatid kong magaling nang makapasok siya ng kwarto ko.
"Ano?" inis na tanong ko. Bakit biglang nagdadrama to?
"Sorry ate kung hindi ko nasabi sayo. Ngayon ko lang din naman nalaman na may nililigawan si kuya Donny. Akala ko kasi friends lang sila. Huhuhu! Sorry talaga!" sabi niya.
"Ano ka ba! Wala na nga yun! Hayaan mo na. Masaya na yung tao at saka okay na kaya ako. Look, I'm perfectly fine." pagsisinungaling ko.
"Weh? Di nga?" hinampas ko siya.
"Umalis ka nga dito. Kita mong natutulog yung tao eh. Istorbo to." inis na sabi ko.
"Oh siya! Alis na ako. Pakisabi kay Mommy, umalis ako ha. May bibilhin lang ako. At ate..." biglang lumambing yung boses niya. May kailangan na naman to.
"Oh?"
"Pwede ko bang hiramin yung kotse mo? Please! Saglit lang naman ako eh." pagmamakaawa niya.
"Tsk! Fine!" sabi ko.
"Thank you ate!" sabi niya at niyakap ako.
"Ew! Virus! Alis!" pagtataboy ko.
"Ang arte! Chiao!" sabi niya at umalis na.
Nakangiting umiling-iling ako. Tumingin-tingin ako sa paligid at napansin ko ang isang maliit na box na nasa nakabukas kong drawer. Nandito pa pala to. Nilapitan ko to at kinuha.
I slowly opened it. Nang makita ko ang laman nito, bigla akong napaiyak. It was Donny's gift. Yung kwintas na nakaengraved na 'S'. Binigay niya to sa akin nung bumili ako ng gift kay Mommy. I guesss, I don't need it anymore. I slowly closed it and throw it in the trash can beside me. Kailangan ko na siyang kalimutan. Kailangan ko ng tanggapin na hanggang dito na lang kami.Sunod-sunod na araw ay naging abala kami sa pagprepare para sa opening ng clinic namin. Ang kapatid at mga pinsan ko ang bahala sa mga invitations ng guest. Ni hindi ko nga alam kung sino-sino yung ininvite nila eh. I won't mind basta special guest namin si tita Kath at siya mismo ang magri-ribbon cutting.
Lalo kaming naging abala ngayon dahil bukas na ang opening at kinakabahan ako.
"Ate, mag beauty rest kana. Hayaan mo na kami dito." sabi ni Rachelle.
"Oo nga cous. Kayang-kaya na namin ito." sabi naman ni Catherine, anak ni tita Kath.
"Wag na. Malapit din naman matapos to." sabi ko.
"Ate/Cous/Insan!" they said annoyingly in chorus. Napatawa ako.
"Okay fine! Bakit ba pinagtatabuyan niyo ako? Ang harsh niyo." natatawa kong sabi.
"Magpahinga kana kasi. Maghapon kana dito." mataray na sabi ng kapatid ko.
Nang makumbinse nila akong umalis, naisipan ko munang bumili ng maisusuot bukas bago umuwi.
Habang namimili ako ng mga formal dresses, may nakakuha ng atensyon ko. Kulay peach na formal dress. Simple lang siya. Hindi naman siya gaanong revealing pero maganda siya at patok na patok sa taste ko. I excitedly go to where it is pero bago ko pa man siya mahawakan, ay may nakauna na. I frowned.
"Oh my god miss. I'm sorry but I picked up it first." sabi ng babae. I looked at her and to my surprised...
"Sharlene/Janina!" we said in chorus.
"Sorry. Gusto mo ba? I won't mind naman. Iyo na lang." sabi niya nang nakangiti.
"Ahh..wag na. Sayo na. Ikaw naman yung nakauna eh." sabi ko.
"You sure?" napatango ako.
"Yeah. Iyong-iyo na siya." sabi ko out of the blue. Natigilan naman ako.
"I mean...mamimili na lang ako ng iba. Marami pa naman." sabi ko.
"But if you want this, I'll give it to you. Ikaw naman unang nakakita. Nasalubong ko lang naman ito that's why naunahan kitang kumuha nito." she said and laughed.
"Di na. Okay lang." nakangiti saad ko.
"Okay. As you say so." sabi niya.
"Sige. Una na ako ha. It's nice to see you again." sabi ko at umalis na.Naghahabol ako ng hininga ng makapasok sa restroom. Sh*t! Bakit nagkita pa kami? That was an awkward!
I looked at the mirror.
"God! It was you nga!" nagulat ako nang may tumapik sa tabi ko. Bakit hindi ko siya napansin?
"Mika." sambit ko."How are you, Shar? Matagal kitang hindi nakita ah. You looked blooming as ever." sabi niya. I looked at her smiling. Nandito kami ngayon sa starbucks. We decided to talk a bit so we went here.
"You too. Hindi halata na may anak kana." sabi ko. Totoo naman. She's prettier now kahit hindi na siya nakamake-up.
"Oh! Ipapakilala sana kita kay Sophia but she's with her Dad. Nakakainis nga eh. Hindi man lang nila ako sinamahan dito." sabi niya.
"I want to meet her." sabi ko.
"Wag kang mag-alala. Dadalhin ko siya pag magkita tayo ulit." sabi niya. I nodded as I sipped my coffee.
"Balita ko mag oopen na yung clinic niyo? Gosh! Palagi ko kaya pinapanood yung vlog mo sa yt. Even Nash, pinapanood ka namin." sabi niya.
"Thanks!" sabi ko. Nakakatawa lang, noon nakikipagplastikan pa kami, but look at us now, we were talking as if we were close friends from the past. Well, past is past nga naman. And I think she's a better person now. Nawala na yung Mika na nakilala ko noon. She has a light aura compared to the last time we had talked. And honestly, I feel more comfortable with her now.
"And Shar, I know it's too late but please forgive me for what I did in the past. I really am sorry." sabi niya.
"Naku! Wala yun. Let's forget the past. Move on na tayo." sabi ko. She smiled.
"Of course! Thanks Shar!" sabi niya.
May naalala ako. Buti nalang meron akong dala invitation for tomorrow. Kinuha ko ito sa bag.
"Mika, opening ng clinic ko bukas. I hope you'll be there together with your husband and your daughter. Please!" sabi ko sabay abot ng invitation. Nanlaki naman yung mata niya.
"OMG!!!" She squealed. "Of course! Why wouldn't we?" sabi niya.
We talked a bit more until we bid goodbyes to each other.Ngayon yung araw na pinakahihintay ko. Opening ng clinic namin. Marami ding dumating. Mga kamag-anak namin, si Tita Kath na kakarating pa lang, sila Mika kasama si Nash na karga-karga si Sophia, we don't talk too much kasi naman abala kami. Andiyan din yung mga Pangilinan, si Blaire at Mom niya, nandito din. Ngayon ko lang din napansin na wala si Donato. Okay lang naman. Hindi rin naman ako nag expect na pupunta pa siya dito eh. Well, bakit ko sisirain yung araw ko dahil lang sa kanya?
Si Tita Kath yung nagribbon cutting, after nun, bliness naman ng pari yung loob ng clinic while si Jed, yung isa ko pang pinsan ang navivideo. I v-vlog namin yan of course.
"Hija! Congrats! Sana maging successful yung clinic mo. Wag kang mag-alala. Marami kaming susuporta sayo." sabi ni Tita Maricel sabay beso sa akin.
"Thank you po tita. Buti po nakapunta kayong lahat." sabi ko.
"Of course! Kami pa. Wala nga lang si Donny. Pero he told me na susunod daw siya. Ewan ko ba sa batang yun. Kasama niya na naman siguro yung girlfriend niya." sabi ni tita. Ngumiti ako ng mapait. As what I expected!
"Okay lang yun tita. Ang mahalaga nandito po kayo." sabi ko.
Pagkatapos kong kausapin si Tita Maricel, kinausap ko din yung ibang Pangilinan at mga kamag-anak namin.
Pagkatapos nun nagsalo-salo kami.
I took a picture with everybody and I uploaded it on my facebook. Bago pa matapos yung inupload ko. Someone's calling me through messenger. Napangiti ako.
"Ricci!" sabi ko as I answered the call.
"Shar!!! Video call please." sabi niya.
"Sure."
"Hi!" I wave as I saw him on screen.
"Congratulations!" sabi niya.
"Thank you po. How are you? Bakit ngayon ka lang nagparamdam?" masungit na tanong ko.
"Sorry. I've been busy kasi. Sorry din kasi hindi ako nakasama kay tita Kath." sabi niya.
"Okay lang noh! Oh wait lang. I want you to meet my parents." sabi ko.
"Okay lang ba?" tanong niya.
"Oo naman! Mommy! Daddy! Say hi to my friend." tawag ko sa kanila.
"Sino ba yan?" tanong ni Daddy.
"Si Ricci po." sabi ko sabay pakita sa kanya sa screen.
"Oh hijo. Kamusta? Nakita na kita doon sa vlog ni Sharlene." bati ni Mommy.
"Nice to meet you, hijo" sabi naman ni Daddy.
"Hi kuya! Punta ka naman dito oh. My ate is so lonely. She badly wants you here." sabi ni Rachelle. Piningot ko naman yung tenga niya na ikinatawa ni Ricci.
"Hello po Tita, tito. Kamusta po? Hello din Rachelle!" bati niya sa kanila.
"Oh! He knows my name!" sambit ni Rachelle. I rolled my eyes.
"Wait lang. Labas lang ako saglit. Masyadong maingay dito." sabi ko at dali-daling lumabas.
Si Ricci, he's my close friend. Simula nung nag japan ako siya lamang ang kaisa-isang kaibigan ko doon. Na meet ko siya sa clinic ni Tita. He was a patient. Nagkatrauma siya noon kasi nakita niya kung paano pinatay ng mga magnanakaw sa kanilang bahay ang Mama niya. Mula noon, hindi na siya nagsasalita. Ni hindi nga siya makangiti. But because of tita Kath's helped, gumaling na rin siya. Una nga niyang sambit noon was his Dad's name. Nagulat kami ni Tita noon nung bigla siyang magsalita. Pati si Tito Robert, yung papa niya, napaiyak na din.
Simula nun, palagi na siyang bumibisita sa clinic hanggang sa naging malapit na kaming dalawa.
"Kamusta ka diyan? Yung balbas mo, hindi mo na ata inaahit. Kadiri!" biro ko sa kanya.
"Eh kasi naman wala ng nag-aahit sa akin." nakapout na sabi niya. Potek na unggoy na yan. Nagpapacute pa.
"Tse! Maghanap kana kasi ng girlfriend mo para may mag aahit na diyan. Hindi yung umaasa ka sa akin palagi. Kotongan kita diyan eh!" sabi ko.
"Ayoko. Ayaw pa niya eh." sabi niya.
"Sus! Si Hannah ba yan? Akala ko ba nakamove-on kana?"
"Nah! Not her!" I rolled my eyes.
"Eh sino?" tanong ko.
"Secret! Ahitin mo muna yung balbas ko." sabi niya at tatawa-tawa pa.
"Bahala ka nga diyan. Nagiging secretive ka na sa akin ha." sabi ko.
He's just stuck his tongue. Parang bata talaga.
"So how's he?" biglang naging seryoso yung itsura niya. I know he is pertaining to my ex.
"He's happy with someone else." sagot ko.
"Sabi ko naman sayo eh. Look, 8 years mo siyang hinintay. Kung ako sa kanya, pakakasalan na kita agad." sabi niya.
"Ewan ko sayo. Maybe I should find someone else na rin. I'm already 27. Dapat may anak na ako niyan." biro ko.
"It might be that someone is me." sabi niya.
"Ha-ha-ha! Funny Ricci. Funny." sabi ko.
"Shar!" nabigla ako nang may tumawag galing sa likuran ko. A familliar voice.
Unti-unti akong lumingon sa kanya.
Oh! He's with his girlfriend wearing that dress. I smiled bitterly.
"Sino yan?" tanong ng nasa kabilang linya.
"I'm sorry we're late." sabi ni Donato.
"Hi Shar!" bati ni Janina.
"Oh! Hi guys! Pasok kayo sa loob." nakangiti peke na sabi ko.
"Thanks Shar. By the way, congratulations!" sabi ni Janina.
"Thank you." sabi ko.
"Tara na, babe." aya ng babae sa kanya at nauna ng pumasok
"Okay. Congrats Shar." sabi niya. Tumalikod na ako at humarap kay Ricci.
"Sino yun? Bisita mo?" tanong niya.
"Ahmm. Yeah. Bisita ko lang." sabi ko.
"Shar!" halos mapatalon ulit ako sa gulat ng tinawag niya ulit ako galing sa likuran ko.
"You have a guest inside, why are you here entertaining someone who's not here in the first place?" masungit na sabi niya.
"Aba! Loko 'tong taong to ah!" sabi naman ni Ricci. Narinig niya ata. Bigla akong nataranta sa sinabi ni Ricci.
"R-Ricci...I-uh..I think I should go back inside. I-I'll t-talk to you l-later. B-bye!" nauutal na sabi ko sabay patay ng tawag.
Tumingin ako ng masama kay Donato na nakatingin din sa akin ng masama.
YOU ARE READING
Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)
RomanceThe story is about the two persons coming from the different heart breaks. They meet and decided to help each others mend what is broken. Will their hearts survive or will they create another love and more heart breaks together?