Chapter 1

1.7K 26 0
                                    

"Shar, iniwan mo na naman ba yung baon mo?" tanong ni mommy na nakataas yung kilay.
"I told you mom, I'm not a grade school nor high school. Nakakahiya kaya sa mga classmates ko everytime na magdadala ako ng baon." I said.
"Mas mabuti na yun at least alam kong safe yang kinakain mo dun. Naku! Araw-araw kaya nirereport sa balita about sa food poisoning." She said.
"Mommy naman eh." Pagmamaktol ko.
Araw-araw nalang kasi kami nagbabangayan ni mommy everytime na papasok na ako ng school.
"Hon, wag mo ng binababy yang anak natin. Malaki na yan. Alam na niya yung dapat kainin at hindi." Sabi ni daddy and he laugh.
"Do you have a sweet potato?" singit ng kapatid ko.
"Inubos ko na." I said. Paborito kasi namin yung kamote. Ewan ko nga ba. Pinaglihi siguro kami ni mommy dun. Haha.
"Ate naman eh. Inubos mo? Sige ka, uutot ka mamaya." asar ng kapatid ko.
"So? Lahat ng tao umuutot." sabi ko naman.
"Tama na yan baka malate na kayo." singit ni papa.
"Bawas-bawasan niyo ngang kumain ng kamote. Baka malaman to ng kapit-bahay natin at sabihan pa tayo na mahirap kasi puro kamote yang kinakain niyo." sabi ni mommy. I rolled my eyes. As if I care. Sweet potato is life. Haha. Anyways, nauna na akong mag babye sa kanila at nagcommute na. We have a car naman kaso hindi pa magagamit ni papa. Kinuha kasi yung lisensya niya dahil nagkaviolation siya at mamaya pa niya ata makukuha. Ewan ko ba dun kay papa. Ang tigas kasi ng ulo eh.
Nilakad ko muna papunta sa sakayan ng jeep. Nakakastress! Sana nag taxi nalang ako. Kaso nagtitipid pa naman kasi ako ngayon. May iniipon ako and you'll find out what is it. *wink.
"Oh, lima pa. Lima pa." sigaw nung barker.
Wth? Lima? Eh dalawa nalang ata yung kasya dito. Whoo! Ang init. Putspa. Ang sikip pa. Naku! Kung hindi lang talaga ako nagtitipid ngayon.
"Ang gwapo talaga sis. Ayiieee." rinig kong bulong ng katabi ko. Tinitigan ko yung nasa harap ko. Nakaheadphones at natutulog na lalaki. Mukhang kaedad ko lang ata at mukhang mayaman eh. Medyo moreno at yung lips...ano..putspa! Bakit nakarating ako sa lips niya. Tsk! Oo nga. Ang gwapo nga at mukhang mayaman. Teka? Mayaman? Eh bakit nakasakay yan dito sa jeep? Duh! Baka naghihirap na. Tumango ako ng wala sa oras. Mukha akong baliw nito. Tssk.

Makaraan ng ilang minuto, bigla na kong nakaramdam ng sakit ng tiyan. Putspa! Alam ko to eh. Parang uutot na ako. Putspa! Pigilan mo to Shar. Nasa jeep tayo. At saka, malapit naman na yung school namin. Kelangan pigilan ko to. Ang lakas-lakas pa naman ng utot ko. Putspang kamote na yan! Hindi na tayo friends. Tsk!

Putspa! Pigilan mo 'tong utot mo Shar. Pigilan mo!
"Manong! Sa tabi lang po" sigaw ko ng mapagtanto kong malapit na yung school namin. Bwisit na utot na yan. Hindi ko na talaga mapipigilan. Bakit kasi nasa likod talaga ako ng driver pumwesto eh edi marami pang tao yung dadaanan ko bago ako bumaba. Baka mautot ako ng wala sa oras. Bilisan ko na nga. *prrrrrrrrrrrrt.
Automatic akong napahinto at napalingon sa kanila. Napatingin ako sa lalaking nasa likod banda ko. Yung nakaheadphones na lalaki. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong tulog pa rin ito. Siguro hindi naman niya narinig kasi naka head phones diba? Hindi naman kasi mabaho. Sadyang malakas lang talaga ang sound. Hehe. Putspa! Nakakahiyaaa! Lahat sila nakatingin sa akin maliban nalang sa lalaking tulog. Makababa na nga. Putspa! Nakakahiya talaga. Hindi na ako magjijeep. I swear!

-Far Eastern University

"Talaga? Nakakahiya ka Bro. I swear!" sabi sakin ni Nash, yung bestfriend ko. Kinuwento ko kasi sa kanya yung nangyari sa jeep.
"Bwisit na kamote na yan eh! Tssk!" sabi ko.
"Bakit kasi nagjeep ka? Sana nagtaxi ka nalang." sabi niya.
"Nag-iipon kasi ako." sabi ko.
"Ipon? Saan?" tanong niya. Ngumiti lang ako bilang tugon. Ayoko munang sabihin sa kanya.
"Saan nga!?" pagpupumilit niya.
"Sakin na muna yun noh! Tsismoso nito." sabi ko.
"May sekreto kana na hindi ko nalalaman ha. Bestfriend mo ako. Bestfriend!" sabi niya.
"Whatever BESTFRIEND." asar ko. Kiniliti niya naman ako.
"Nash ano ba! Hahaha! Putspa!"
"Sasabihin mo o hindi!"
"Ahahaha. Tangna! Huy!"
Matapos ang nakakamatay na kiliting inabot ko sa mokong na to, napagpasyahan na naming pumunta sa cafeteria. We became bestfriends since we were 6 yrs old and classmates kami ni Nash simula nung senior high namin.
"What do you want to eat, bro?" he asked.
"Bakit? Libre mo?" I sarcastically asked. As if naman. Once in a blue moon lang yan manglibre ng kusa. Kelangan pilitin pa ang mokong.
He laughed. "Oo nga. That's why I'm asking you, diba?" sabi niya.
"Aba! Himala ata bro. Something's good happened siguro noh?" I asked sheepishly.
"You'll see." sabi niya with matching taas-baba pa ng kilay niya.
I ordered 2 red velvet cupcakes and a carbonara, and then canned coke at mineral water. Sinulit ko na. Baka magbago eh. Dinagdagan ko pa ng dalawang burger. He looked at me like 'What the hell' look. Tss! Ang kuripot.
Nag order din siya ng dalawang burger and spaghetti. Isang box ng pizza at dalawang canned drinks.
"Hoy! Bakit ang dami mong inorder?" tanong ko.
"Ikaw ba magbabayad?" -siya.
"Dalawa lang naman tayong kakain ah! Mauubos natin to?" -ako.
"Nahiya naman ako sa inorder mo bro. Pangdalawang tao na nga yang inorder mo." -siya.
"Ewan ko sayo. Hindi naman ako yung mapupuraot. Ikaw rin naman." asar ko.
"Exactly. Kaya wag na angal ha." I rolled my eyes and naghanap na ng mauupuan.
Pumwesto ako sa harap niya.
As we eat, hindi ko maiwasang hindi ko maaadmire yung mukha ng mokong. He's gwapo. All of his are perfect. Yes, I secretly in love him eversince we were 6. Noon, akala ko crush ko lang siya kasi bata pa kami that time, pero nung nagkaisip na at nagkaroon na siya ng mga girlfriend, nagseselos ako. Nasasaktan. Umabot nga sa point na hiniling ko na sana nga sana ako nalang sila. But you know what, wala akong planong sabihin sa kanya na mahal ko na siya more than just a friend, it's because ayokong masira yung 13 yrs naming pagkakaibigan. I valued friendship over my feelings. I know hindi niya rin naman ako magugustuhan. He likes girly type unlike me, boyish ako manamit. Pero umaasa rin ako na balang araw, sana mahalin niya rin ako higit pa sa pagkakaibigan namin.
Bumalik ako sa ulirat ko nung tinawag niya ako.
"Bro." he called.
"Yes?" i asked as I gulp a coke.
"Alam mo bang masaya ako dahil nakilala kita?" napatigil ako bigla sa ginagawa ko. What's with the sudden words?
"Bakit Bro?" I asked.
"I'm so thankful to have you as my bestfriend. Alam na natin ang baho at sekreto natin sa isa't-isa. Komportable na tayo sa isa't-isa. Yung parang hindi na tayo mapaghihiwalay. Alam mo kasi bro, meron kang dapat malaman eh. I'm so sorry kasi ngayon ko lang to sasabihin sayo." bakit bigla akong kinabahan sa mga sinasabi nito.
"There was a girl I met 13 yrs ago, I liked her that time and now, alam ko sa sarili ko na mahal ko na talaga siya." Oh my gosh! Is it me? Wala naman akong alam na may kakilala siya na girl bukod sakin eh.
"She's really different than any other girls I met. Feeling ko siya na talaga. I waited for her for 13 years bro. 13 years. I know, this is the right time." I feel like I am going to explode. Did he just said that? He loves me too. He loves me too!
"Shar, listen. I'm in love..."
"Excuse me, mind if I sit here?" singit ng nakangiting magandang babae. Sobrang puti niya na kumikinang ang kagandahan niya. Biglang tumayo si Nash.
"Bro, this is Mika, remember her? Yung kaaway ko noong grade 1? Mika dela Cruz. Siya yung tinutukoy ko bro. She's now my girlfriend." sabi niya ng may kinang sa mata at ngiting hindi para sa akin.
"Shar, meet my girlfriend, Mika. Mika, si Sharlene, my bestfriend." Bestfriend? Oo, bestfriend lang pala ako. Oo, isang dakilang bestfriend lang ako. At siya...siya yung pangarap niya. Ang pangarap niyang makasama at hindi ako. Parang may anong karayom ang tumutusok sa puso ko. Parang may kung ano mabigat na bagay ang nakadangan sa akin.
"Congrats. I gotta go." I only said. Dali-dali akong tumakbo palayo sa kanila. At doon na bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. I'm only his bestfriend. I should never asked for more.

Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)Where stories live. Discover now