Hindi na kami nakaimik nang makapasok na kami ng kotse niya. Tulala lang ako hanggang sa makarating kami ng bahay.
"Oh! Andito na pala kayo. Kain na kayo." yaya sa amin ni mommy nang makapasok na kami ng bahay.
"Ate, bakit ang putla mo? May sakit ka ba?" tanong sakin ni Rachelle.
"W-wala. Pagod lang. Magbibihis muna ako." sabi ko at dali-daling pumasok sa kwarto. Bakit iniisip ko pa rin yung kiss namin kanina? Feeling ko nararamdaman ko pa rin yung labi niya sakin. Shxt! Ano ba naman yan! Ginulo ko ang buhok ko sa inis. Bakit ba kasi binigla niya ako? Nakakainis! Argh!"Bakit ang tagal mo?" tanong sakin ni mama nang dumating na ako sa dining table namin. Hindi ako nagsalita pa. Si Donny naman nakatitig lang sa'kin habang paupo ako sa tabi niya.
"Okay ka lang?" bulong na tanong niya sakin. Ngayon tatanungin mo ako kung okay lang ako? Ikaw kaya yung rason kung bakit naging ganito ako. Ikaw ba naman biglang halikan. Jusko! First kiss ko yun eh. Kasalanan ko naman din kasi. Dapat pinigilan ko na yun. Wag na kasi akong maarte, aminin ko man o hindi, nagustuhan ko yun. Okay? Tama na! Nakakainis! Baliw na ata ako. Napabuntong-hininga ko at pilit na ngumiti.
"I'm okay." sabi ko. Tinitigan naman niya ako na parang sinusuri ako bago niya pagtuunan yung pagkain niya.
"Hmm...masarap po, tita." parang nanalo sa lotto na sabi niya. Oa! Parang ngayon lang nakatikim ng adobong manok ah.
"Salamat naman at nagustuhan mo." nakangiting tugon ni mommy.
"Asan si Daddy?" tanong ko.
"Bukas pa siya makakauwi eh." sagot naman ni Mommy.
"Kuya, i-try niyo din po yung palabok ni mommy. Masarap din yan." sabi naman ni Rachelle.
Tinikman naman niya yung palabok. Napathumbs up naman siya. Oa talaga. Tsk!
"Ang sarap po tita. Ang suwerte naman po ni tito at kayo po yung naging asawa niya. Ang sarap niyo po kasing magluto." wika niya. Kitams? Ang oa talaga.
"Hihihi. Yan talaga ang isa sa mga rason na nainlab sakin yung daddy nila. Tanda ko pa nga noon, lagi niya akong sinusungitan kasi lagi akong nakabuntot sa kanya noon. Hihi. Tapos nung pinagluto ko siya, simula nun, hindi na niya ako pinakawalan pa." kwento ni Mommy na parang inaalala yung nakaraan. Parang Highschooler ah. Tsk!
"Baka naman ginayuma mo." pagsisingit ko.
"Ano ka ba! Hindi uso yan sa'kin. Sadyang malakas lang talaga yung charms ko." sabi niya na ikinangiwi namin ni Rachelle. Napatawa naman si Donny.Nang matapos yung dinner namin, ako na nagpresentang maghugas. Umakyat na rin si Rachelle upang matulog, at si Mommy naman kasama si Donny na nanunuod ng TV sa sala.
Maya-maya, nagulat ako nung sumulpot si Donny sa tabi ko at pinapanuod ako. Parang kabute eh! Bigla nalang sumusulpot.
"Ang sipag naman." sabi niya.
"Bakit ka nandito? Samahan mo dun si mommy." pagtutulak ko.
"Umakyat na yung mommy mo eh. Matutulog na raw." sabi niya.
"Eh di manuod ka nalang dun." sabi ko.
"Boring. Wala akong kasama." sabi niya. Umismid ako. Daming rason.
"Pwede ba kitang tulungan?" tanong niya.
"Pwede. Kung marunong ka." sagot ko.
"I know how to wash the dishes. I somehow experienced to be an independent in states." sabi niya.
"Di nga? Wag na bisita ka namin dito." sabi ko.
"Sige na. Please!" pagpupumilit na.
"Wag na kasi. Ako mapapagalitan ni mommy eh. Tsk! Umalis kana nga at bumalik kana dun sa sala." utos ko na sinunod naman niya.Nang matapos ko ang ginagawa ko, pumunta ako ng sala at naabutan ko siyang prenteng kumakain ng chips na pinangmili namin kanina at nanunuod ng midnight sun. Feel at home ah. Umupo ako sa tabi niya.
"Nanunuod ka pala ng love story." sabi ko.
"Hindi naman. No choice lang." sabi niya. No choice? Weh? Di nga? Hindi na ako nagsalita pa. Nanuod nalang din ako. At nakikain na rin ng chips.Nakakainis! Kada magkikiss talaga si Katie at Patrick, naawkward ako. Pasimple nalang akong lumulunok ng laway ko at siya naman kunwari umuubo. Tss. Ang awkward!
"Lipat nalang kaya natin." sabi ko.
"Wag! Ang ganda na ng istorya eh." sabi niya. Di wag! Tumahimik nalang ako ulit. Itinuon ko nalang yung pansin ko sa pinapanuod ko hanggang sa scene na nagkiss sila sa tubig. Ano ba yan? Hindi naman ako ganito noon eh! Ang init! Napa 'ehem' ulit si Donny.
"Kamusta yung nararamdaman mo kanina? Yung kasama natin yung bestfriend mo at syota niya." biglang tanong niya.
"Hmm...honestly masakit pa rin. Nasasaktan lang ako kasi nanghihinayang ako sa friendship naming dalawa." sabi ko.
"Paano kapag...gusto ka rin niya?" tanong niya. Napatingin ako sa kanya.
"Imposible!" sabi ko.
"What if lang naman."
"Hmm...hindi ko alam. Oo, inaamin ko may feelings pa rin ako sa kanya pero hindi na tulad ng dati. Mahal ko siya pero hindi ko alam para kasing may pumipigil sa akin na magustuhan pa siya lalo. Ikaw? Paano kung bumalik yung ex mo?" tanong ko sa kanya pabalik. Natigilan naman siya.
"Ewan ko. Iniwan niya ako ng ganun-ganun nalang eh. Masakit pa rin sa'kin kapag inaalala yun." sabi niya.
"Mahal mo pa ba siya?" biglang tanong ko.
"Hindi ko alam. Siguro. Minahal ko kasi siya ng todo kaya siguro mahirap talagang alisin yung pagmamahal ko sa kanya." sagot niya. Umiling-iling ako.
"Mahihirapan kang mag move-on niyan." sabi ko.
"Alam ko. Tinatry ko naman yung best ko eh. That's why I came here."
"Okay lang yan. Makakahanap ka rin ng mas deserving kesa sa kanya." sabi ko.
"Pwedeng ikaw." sabi niya na ikinatigil ko.
"Woah! Alam ko naman na nagpapanggap lang tayo pero wag ka ngang feeling." sabi ko.
"Totohanin nalang kaya natin." sabi niya. Hindi ko alam kung biro ba yun or seryoso.
"Donny, we're both came from a heart break and we both know that we are still in a moving on process. We can't be in a serious relationship for now. Wala tayong nararamdaman sa isa't-isa." sabi ko.
Napatawa siya. "I was just joking. Hahaha." sabi niya. Napairap ako. Bahala siya diyan. Tatayo na sana ako nang pigilan niya ako. Hinila niya kasi ako paupo.
"Wag mo akong iwan." sabi niya.
"Oa ah! Kukuha lang ako ng pagkain sa kusina. Ubos na kasi yung chips mo." sabi ko at binitawan naman niya yung kamay ko.Bumalik ako sa pwesto ng may dalang popcorn.
"Bakit ang tagal mo? Tapos na tuloy yung movie." reklamo niya.
"Sorry ha! Nagluto pa kasi ako ng popcorn." sabi ko at umirap.
"Oh!!! Yung ano....Drag me to hell. Horror to." sabi niya.
"Oh..eh ano naman?"
"Hindi ka natatakot?" tanong niya.
"Bakit naman? Hindi naman yan totoo, tanga." sabi ko naman.Tumahimik na kami at nanood nalang ng palabas.
Maya-maya lang inasar niya naman ako.
"Ha! Baka mapayakap ka pa sakin niyan ha. Sige na nga. Libre tsansing." asar niya.
"Ha! Kapal ng mukha mo ha." sabi ko.
"Totoo naman! Baka mapasi-waaaah!!!" sigaw niya nung nagtransform yung matandang babae sa movie. Oa! Parang bakla.
"Eh ikaw pa ata yung takot sa'tin eh." sabi ko nalang. Hindi niya ako pinansin at nakatutok lang siya sa screen.
Tutok na tutok kami pareho hanggang sa meron nang gulatan na part.
"Ahhh!!!" sigaw ni Donny at napayakap sa braso ko.
"Shh! Wag ka nga maingay. Natutulog na sila mommy." inis kong sabi at binawi ko ang braso ko sa kanya.
"Hala! Yung matanda...wag ka diyan!" sigaw niya ng mahina at napayakap naman sa leeg ko. Inis kong kinuha yung mga braso niya sa leeg ko. Nakakainis na ah!
"Para kang bakla diyan!" reklamo ko sabay kain ng popcorn.
"Ahh!!! Shxt!" gulat pa rin siya. Tsk!
Tinatakpan-takpan niya pa yung mga mata niya. Haha! Priceless talaga yung reaksyon ng mokong na to. May naisip akong plano. Hahaha.
Kinuha ko ang cellphone ko na nasa tabi ko at vinideohan siya. Mahina akong tumawa sa mukhang tanga niyang reaksyon.
"Ahhh! Damn! May demonyo diyan! Patay!" sigaw niya ng mahina at parang batang tinatakpan-takpan ulit yung mata niya. Napahagikhik ako. Pxta! Tawang-tawa talaga ako sa reaksyon niya eh. Hindi ko na napigilang tumawa ng malakas. Napatingin siya sa'kin at gulat na gulat nang makita kung ano yung ginagawa ko.
Madaling kong sinave at nilock yung cellphone ko.
"Burahin mo yan." banta niya sa'kin.
"Ayoko nga. Ipapakita ko to sa Lolo Maximo mo pati na rin kina Lenon at Dennis. I'm sure bebenta to. Hahaha!" pxta! Tawang-tawa talaga ako. Lumapit siya sa'kin at pilit na inaagaw yung cellphone ko.
"Hep! Walang pakealaman ng cellphone." sabi ko at pilit na tinatago yung cellphone ko.
"Burahin mo yan. Isa." sabi niya at kinikiliti ako.
"Ano ba! Bwisit. Haha! Agawin mo muna." sabi ko na tawang-tawa pa rin. Bigla niyang hinila yung kamay ko kung nasan yung cellphone ko. Dahil sa malakas niyang paghila, pati mukha at katawan ko napalapit sa kanya. Bigla akong natigilan, ganun din siya. Nakatitigan kaming dalawa. Our distance is just an inch. Isang galaw nalang, magdidikit na yung mga labi namin. I bit my lower lip. Shxt! Ang lakas ng tibok ng puso ko. Bigla siyang nagsalita.
"I'm sorry if gagawin ko ulit to sayo." bulong niya at bigla niya ulit ako hinalikan. Hindi ako makapalag dahil nanghihina na ako. Muntik ko pa ngang mabitawan yung cellphone ko eh. Nagkusang pumikit yung mga mata ko. I don't know how to kiss but I tried my best to follow his moves. He bit my lower lip, I gasped for air but his tongue slids inside mine. Mas nilapit niya pa ako sa kanya. I kiss him back. He gently touch my neck and it gives me shiver.
"Donny." I called his name. Damn! Bakit gusto ko yung ginagawa niya? Sinubukan kong pigilan but my body refuses to do it. Traidor!
He stopped kissing my lips. Bumaba yung halik niya papunta sa leeg ko. I felt the foreign feelings down there. I gave him the access and he's devouring my neck.
"Donny." mahinang pagtawag ko sa kanya. He stopped kissing and glanced at my neck. He smirked.
"Bakit?" tanong ko.
"I'm sorry." sabi niya pero nakangiting aso.
"Bakit nga?" kinakabahang tanong ko.
"Because you have a kiss mark here." sabi niya sabay turo sa leeg ko kung saan niya pinaulanan ng halik kanina. Potek!!!
YOU ARE READING
Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)
RomanceThe story is about the two persons coming from the different heart breaks. They meet and decided to help each others mend what is broken. Will their hearts survive or will they create another love and more heart breaks together?