Dahil sa inis ko, tinulak ko siya. Kinabig naman niya ako ulit. "Sorry na." sabi niya ng may paglambing na tono sabay yakap sakin. Pinilit naman akong kumawala sa kanya.
"Tigilan mo ako Donato. Masusuntok talaga kita." banta ko.
"Gagawin mo?" paglalambing niya. Tang ina talaga to! Bakit ba siya ganyan?
"Bakit mo ba kasi ginawa yun ha?" inis na tanong ko nang sa wakas ay nakawala na rin ako sa yakap niya.
"I just want to mark my territory." sabi niya.
"Lasing ka ba, Donny? Paano mo naman ako naging teritoryo?" tanong ko.
"Because you're my girlfriend." simpleng sagot niya.
"Baka nakakalimutan mong nagpapanggap lang tayo? We're not really in a relationship. It's just a show." sabi ko. Ngumiti siya.
"So? Girlfriend pa rin kita. Sige na. Matulog na tayo. Good night, love." sabi niya at hinalikan niya ulit ako sa labi. Bago pa ako makaangal, dali-dali na siyang umalis papunta sa guest room kung san siya matutulog ngayon. Hinabol ko ang hininga ko. Ayan na naman tayo. Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko.
Pinatay ko muna ang TV bago ko niligpit yung mga basura namin. Bwisit na Donny na yan. Hindi man lang ako tinulungan dito. Potek!Nakaalis na si Donny nang magising ako. Nag turtle neck ako para itago yung ginawang kababalaghan ni Donny sakin kagabi. Magsisimba kami ngayon kaya advantage na rin sakin na magsuot ako ng ganito. Pahamak kasi talaga ang mokong na yun eh! Habang papunta kami ng simbahan sakay yung kotse namin, biglang nag beep yung cellphone ko.
1 new message
Don Donny:
May lakad ka ngayon?To: Don Donny
Yep. Magsisimba kami.1 new message
Don Donny
Same here :)Eh ano ngayon? Hindi naman ko nagtanong eh? Share niya lang, ganun? Hindi ko na siya nareplyan. Maya-maya, nag beep ulit.
2 new messages
Don Donny:
Hoy.
I'll fetch you later. Let's date <3Parang bakla 'tong magtext ah.
To Don Donny:
Ayoko.1 new message
Don Donny:
Bahala ka.Ang tigas talaga ng ulo niya! Hindi ko na siya nireplyan pa at hindi na rin siya nagtext pa. Pagkatapos ng misa, kumain muna kami sa labas bago kami umuwi ng bahay. Dahil sa pagod ko, nagbihis ako ng comfortable shorts pero di ko hinubad yung turtle neck ko na damit. Baka makita na nila yung 'kababalaghan ni Donny'. Humilata muna ako sa sofa sa may sala. Nakabukaka pa yung dalawang binti ko habang naglalaro ng mobile legends. Si Zilong yung ginamit kong hero sa rank.
"Mag Layla kana Rachelle. Hindi mo pa kabisado yang skills ni Balmond." inis kong sabi sa kanya. Madagdagan pa yung cancer sa laro eh. Nakakainis!
"Sige na nga." sabi niya.Nagfocus kami sa laro ni Rachelle. Tutok na tutok kami habang si mommy naman binubungangaan kami. Dedma muna siya sa amin. Hahaha!
"Ano ba yan! Sino ba yang prince Lenon na yan? Kanina niya pa ako tinitira eh! Nakakainis! Kakaresurrecting ko lang eh!" reklamo ni Rachelle.
"Ang sabihin mo, cancer ka!" sabi ko habang nakatutok pa rin."Oh Donny! Andito ka pala." muntik ko ng mabitawan yung cellphone ko nang marinig ko si mommy.
"Good afternoon po tita." bati ni Donny. Hindi ko siya pinansin. Bahala ka diyan. Malapit na kami manalo eh. Istorbo to!
Nagulat ako nung tinapik niya yung binti ko. Bigla ko namang sinirado yung nakabukaka kong mga binti. Inis akong napatingi sa kanya. Binigyan niya lang ako ng masamang tingin. Oh! Eh ano naman? Tsk! Umupo siya sa tabi ng paanan ko.
"Hi Kuya!" bati sa kanya ni Rachelle nang mamatay ulit siya.
"Nakakainis naman yang prince Lenon na yan! Arrrgh!" reklamo ulit ni Rachelle.
"Kuya, naglalaro ka rin ba ng bang bang?" tanong sa kanya ni Rachelle.
"Oo naman." nakangiting sagot niya.
"Pwedeng patulong? Paki attack naman yang Prince Lenon na yan oh! Nakakainis eh!" padabog na wika ni Rachelle. Binigay naman niya yung cellphone niya kay Donny.
"Mukhang pamilyar yung username niya ah. Kay Lenon ba yan? I-search natin mamaya, okay lang ba?" tanong niya kay Rachelle.
"Sige po."
YOU ARE READING
Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)
RomantikThe story is about the two persons coming from the different heart breaks. They meet and decided to help each others mend what is broken. Will their hearts survive or will they create another love and more heart breaks together?