Chapter 9

720 27 1
                                    

Waaaaaaaaaah! Nakakahiya! Ayoko na! Ayoko ng lumabas ng kwarto! Buti nalang nasa kusina si mommy tapos lumabas na si Daddy, yari ako pag nagkataon. Pero nakakainis naman! Bakit sa dinadami-dami pa na tao, siya pa? Nakakahiya. Feeling ko ang pula-pula ko na. Gosh!
"Ate! Dali an mo na raw sabi ni mama." sigaw ni Rachelle.
Hindi ako nakasagot. Mangiyak-ngiyak akong nagbibihis. I don't know how to face him. Haaays! Nakakahiya.
Nagsuot ako ng loose shirt at shorts. Okay na siguro to. Napabuntong-hininga muna ako bago lumabas ng kwarto. Nakayuko akong pumanhik papunta sa sala namin. Feeling ko talaga namumula pa rin ako. Shet! Nakakahiya talaga.
"Oh! Andyan kana pala. Bakit ang tagal mo?" masungit na sabi ni mama.
"Bakit ang pula ng mukha mo, ate? Nag blush on ka?" inosenteng tanong ni Rachelle. Bruha talaga 'tong batang to.
"Si Dad po?" tanong ko ng nakayuko pa rin.
"Umalis na. Teka! Bakit parang nastatwa ka diyan? Nahihiya ka ba sa bisita natin?" tanong ni mama.
"At bakit naman?" pagsusungit ko. Narinig ko ang tawa ni Donny. Isa pa to eh!
"Sige po tita. Aalis na po kami ni Shar." sabi niya.
"Okay. Umuwi kayo bago mag 7pm ha. Dito na kayo mag dinner." sabi ni mama.
"Sige po tita. Bye." paalam niya.
"Alis muna ko, ma." paalam ko naman.
"Mag iingat kayo." sabi ni mama.
Nauna akong lumabas ng bahay at naramdaman ko namang sumusunod siya.
Tahimik kaming pumasok sa kotse niya. Nakakainis! Bakit ang awkward?
"Sa susunod, wag ka ng magsuot ng manipis kapag wala kang ano ha." diretsang sabi niya bago niya inistart yung kotse. Hindi ako nakaimik. Nakakahiya kasi! Bakit ba ang straight forward niyang magsabi? Alam niya bang naaawkwardan ako?
"Humanda ka sakin kapag dumalaw ulit ako sa bahay niyo ng ganun yung ayos mo." sabi niya ulit.
"Hindi ka naman kasi tumawag or nagtext na pupunta ka." pagsusungit ko.
"Kahit na! Hindi dapat ganun yung ayos mo. Pano kapag ibang lalaki yung papasok sa bahay niyo?" pagsusungit niya rin.
"Eh nasa bahay lang naman ako ah." sabi ko.
"Kahit na!" sabi niya ng malakas. Hindi na ako nakaimik. Nakakainis! Tss.
"Porket nagpapanggap lang tayo eh wala na akong pake sayo. You're my girlfriend and I should protect you especially when it comes to your body. Paano nalang kung may manyak na pumasok sa inyo?" masungit na sabi niya.
"Oo na. Sorry na." sabi ko.
"Wag ka ng magsusuot ng ganun kapag wala kang ano ha." sabi niya.
"Oo na!" sigaw ko. Ang kulit.
"Good girl." sabi niya at ginulo yung buhok ko. Argh!
"At bakit ka nag shorts?" tanong niya ulit.
"Eh eto yung gusto ko eh. Bakit ba? Lahat nalang ng isinusuot ko, puro ka reklamo!" sabi ko.
"Aba't- hoy! Girlfriend kita. Ayokong mabastos ka mamaya." sigaw niya.
"Wag ka ngang sumigaw! Dapat yung boyfriend, malambing kung magsalita sa girlfriend niya!" sigaw ko rin pabalik.
"Eh ang tigas kasi ng ulo mo eh!"
"At bakit naman? Porket nagshorts lang, issue na agad? 19 yrs na akong nagshoshort at sa tanang buhay ko, wala pang nang rape sakin." sigaw ko.
"Oh..eh, bakit sumisigaw ka? Dapat ang girlfriend malambing kung magsalita sa boyfriend." pag uulit niya. Ha! Gaya-gaya ah!
"Ewan ko sayo." sabi ko nalang at tinalikuran siya. Lumipat ang tingin ko sa bintana ng kotse niya.
"Doon ako matutulog sa bahay niyo mamaya." sabi niya. Napatingin ako sa kanya.
"Hoy! Anong kagaguhan na naman to?" sigaw ko sa gulat.
"Yung bibig mo ha. Ayaw na ayaw kong nagbabadwords ka!" sigaw niya.
"Aba't pati pagsasalita ko, binabantayan mo na rin! Tang-"
"Isa pa Sharlene, hahalikan kita." potek!
"Wag mo kong padaan-daanan sa ganyan, Donato!" banta ko.
"May isang salita ako." simpleng sabi niya. I rolled my eyes. Neknek mo.
"Oh, eh bakit doon ka sa bahay matutulog? Alam mo bang ayaw ni mommy na may outsider sa bahay. Bawal sleep over dun. Kahit si Nash, hindi pa nakakatulog dun." sabi ko.
"Magkaiba kasi kami. He was your bestfriend and I'm your boyfriend." sabi niya.
"Ha! Kahit na! Akala mo mapapayag mo sila mommy? Baka hahabulin ka pa nun ng itak." pananakot ko. Baliw ba siya?
"Kung alam mo lang!" sabi niya rin ng may pagyayabang.
"What?" inis kong tanong.
"Si mommy mo ang nagsabi na dun ako matutulog mamaya. If she insist, I can't resist." pagyayabang niya.
"Sure ka?" sigaw na tanong ko.
"Oo naman."
"Pano nangyari yun? Ni hindi nga siya  pumayag nung si Nash, tapos ikaw na kakakilala niya lang eh pumayag agad. Ano ka special?" sarcastic na tanong ko.
"As I"ve said, magkaiba kami." sabi niya nang nakangisi.
"Eh san tayo pupunta?" tanong ko.
"Pag-iisipan ko pa." sagot niya.
"Kita mo na! Argh!"
"Joke lang. Magpapasama ako sayo ngayon." sabi niya.
"Saan naman?" tanong ko.
"May bibilhin lang na mga gamit. Tapos mag gro-groceries." sagot niya.
Hindi na ako nagsalita pa. Maya-maya nagtanong ulit ako.
"Bakit ba kasi naisipan ni mommy na patulugin ka sa bahay?" curious na tanong ko.
"That's because nasabi ko sa kanya na wala akong kasama ngayon sa bahay." sagot niya.
"Bakit? Asan sila pumunta?" tanong ko.
"May camping sila Lenon and Dennis. Si Lolo naman hindi makakauwi ngayon. Ewan ko kung bakit. Tapos si Mom and Dad, pumunta ng Cebu for seminar at bukas pa sila makakauwi." sabi niya.
"Yung mga katulong niyo?"
"Day off."
"Huwaw! Eh ikaw, dapat tumutulong ka na rin mag manage ng company niyo para kahit papano may ginagawa ka." sabi ko.
"Hoy! Tumutulong din ako noh! Basta. I didn't see myself as a businessman." sabi niya.
"Bakit? Diba yan yung course mo?"
"Sila lang naman may gusto nun eh. I want to be an engineer." sabi niya.
"Oh! Eh bakit hindi yan yung kinuha mo?"
"Because they want me to manage our company. Alangan naman sila Lenon at Dennis eh ang babata pa yung mga yun." sabi niya.
"Tsk!"
"Well at first, ayoko talaga sa course na yan. Pero habang tumatagal, nagiging engrossed na rin ako about sa business."
"Anong plano mo? Magiging tambay ka nalang forever? Hoy! Kahit mayaman ka, kelangan mo pa ring mag trabaho. Everything is temporary especially money. Nauubos yan. Kawawa yung magiging asawa mo sa huli. Tsk!"
"Alam ko. I'm planning to take civil engineering course next year." sabi niya.
"Alam na ba yan ng mga magulang mo?"
"Yeah. I already told them about that. Supportive naman sila eh. Wala naman silang magagawa dun. Yan ang gusto ko eh at saka tutulong din naman ako sa kompanya namin kahit papano." sabi niya.
"Eh di mabuti." sabi ko na lang.
"Don't worry. Hindi kita hahayaang magutom. Magkakaanak tayo ng maraming-marami at magkakaroon tayo ng malaking bahay." biro niya.
"Huwaw! Ang taas ng pangarap mo ha." sabi ko. Napatawa nalang siya at hindi na nagsalita pa.

Tumigil kami sa isang mall.
"Anong oras na ba?" tanong ko.
"11:45. Gutom ka na?" tanong niya.
"Hindi pa naman. Nagbreakfast kasi ako kanina eh." sagot ko.
"Okay. Mamaya na tayo kumain." sabi niya.
"San tayo pupunta?" tanong ko.
"National Bookstore muna." sagot niya. Sumunod naman ako sa likod niya. Ang bilis naman maglakad ng mokong na to. Lumingon siya nang nakakunot ang noo.
"Hoy! Salita ako ng salita dito. Akala ko nasa tabi lang kita." sabi niya sakin nang mapansin niyang wala ako sa tabi niya.
"Ang haba kasi ng paa mo kaya hindi kita masabayan sa paglalakad." reklamo ko.
Inabot niya sakin ang kamay niya.
"Oh! Anong gagawin ko?" tangang tanong ko.
"Kainin mo." sabi niya.
"Tsk! Ginagago mo ba ako?" pinandilatan niya ako.
"Isa pa Shar ha. Hindi ako magkakamaling halikan ka sa harap ng maraming tao. Isang bad words pa." banta niya.
"Halika na." utos niya sakin. Nanatili akong nakaestatwa. Seriously? Bakit feeling niya boyfriend ko siya? I mean oo, boyfriend ko nga siya pero pagpapanggap lang naman to eh. Bakit siniseryoso ng lalaking to?
"Halika na!" sabi niya sabay hablot nung kamay ko. He intertwined his fingers against mine.
"Ayokong nagsasalita ka ng bad words ha. Sabi ko sayo bad word is equal to one kiss." bulong niya.
"O-oo na. Tsk!" hindi niya ba alam na naiilang ako? Nakakainis! Bakit ang init ng pisngi ko?
Kinuha ko ang kamay ko na hawak niya nung nasa loob na kami ng bookstore. Namili naman siya ng mga school supplies ata. Para saan naman to? Akala ko next year pa siya papasok ah?
"Para san naman ang mga yan? Ba't ang dami?" tanong ko.
"I'll donate them at the charity." nakangiting sabi niya.
"Talaga? Pwede rin ba akong magdonate? Marami kasi akong mga hindi na nasusuot na mga damit at saka may mga laruan din doon si Rachelle na hindi na niya nagagamit." sabi ko.
"Pwede rin." sabi niya.
"Mga inabandonang mga bata ba yun?" malungkot na tanong ko.
"Yes. Marami nga sila noon kaso inampon na yung iba." sabi niya.
"How did you found out that charity?" tanong ko.
"Sila Mom at Dad kasi madalas silang nado-donate doon." sabi niya. Napatango naman ako. I'll ask Mommy about it. I smiled.

After niyang magbayad, nagpaalam siya muna na ihahatid niya lang ang mga pinamili niya sa kotse niya.
"Hintayin mo nalang ako dito, ha." sabi niya at pinaupo niya ako sa isang bench malapit sa Bookstore.
"Sure ka, kaya mong buhatin yan? Pwede naman kitang tulungan eh." sabi ko.
"Wag na. Kayang-kaya ko to. Maupo kana lang diyan at hintayin ako." sabi niya at umalis na.
Luminga-linga nalang muna ako sa paligid habang inaantay siya.
Maya't-maya nabigla ako nang may tumapik sa balikat ko. I thought it was Donny, but it's Mika....with Nash.
"Sabi ko naman sayo, babe si Shar eh!" sabi niya na natatawa.
"Hi Shar! Kamusta na? Ikaw lang ba mag isa dito? Para kang loner eh." tanong niya. Hindi ko alam kung nagtatanong to o nang iinsulto eh.
"U-uy! Haha. Okay lang naman ako. Kayo? Hehe." pekeng tawa ko. Ba't ang awkward?
"We're good. Actually, we're heading to the mcdo. Kakain lang. Gusto mong sumama?" tanong ni Mika.
"H-hindi na." sagot ko.
"Anong ginagawa mo dito? Bakit mag-isa ka?" tanong ni Nash.
"Nope. May hinihintay lang ako." sabi ko.
"Your date? OMG! You're dating?" gulat na tanong ni Mika.
"Sino? At bakit iniwan ka niya mag isa dito?" nakakunot-noong tanong ni Nash.
"Ano kasi...hinihintay ko pa siya." sabi ko.
"Aww...baka hindi na sumipot yun." sabi ni Mika na parang naaawa. I knew it! She's bitchxng me!
"Hayaan mo na siya, Shar. Hindi dapat pinag-aantay ang babae. Aba! Pinagmumukha ka pa niyang pathetic dito!" sabi niya. Pathetic? Naiintindihan ba niya yung pinagsasabi niya?
"No. Pumunta pa kasi siya sa parking lot para iwan yung pinamili namin sa kotse niya." sabi ko.
"Wow! He has a car. How old he is? 26? 27?" manghang tanong niya pero alam na alam kong iniinsulto niya ako. Porket may kotse, may edad na?
"Tama na yan." awat na sabi ni Nash.
"No babe. I'm just interested eh. Pwede bang hintayin natin yung date ni Shar? I'm so curious. Ayiiiee!" oa na talaga 'tong babaeng to ah.
"Ahh. Wag na. Baka gutom na kayo. Hehe" sabi ko.
"Mamaya na. Hintayin lang natin siya.
Please. Hihi." konting-konti nalang babangasan ko na to.
Umupo sila sa tabi ko.
"Pagod kana ba, babe? Sorry kung napagod ka ha. Alam mo naman kaming mga babae, mahilig mag shopping." malambing na sabi Mika.
"Okay lang. Worth it naman eh. Don't worry, okay? I understand." sabi ni Nash.
Bakit dito pa sa tabi ko sila naglalandian? Nakakainis ha!
"Babe, my mom wants to see you tomorrow. Okay lang ba? Ipapakilala na kita eh. I want us to be legal. Ayokong itago yung relationship natin. Sino bang may gusto itago, diba Shar? Mas mabuti kung legal na?" bakit sakin yan nagtatanong. Napatango nalang ako.
"See? Please babe." paglalambing niya.
"Okay. I'm happy to hear that." sagot ni Nash. Mukhang masaya talaga sila. Napayuko nalang ako. Bakit naiinggit ako? Bakit gusto kong palitan si Mika sa posisyon niya ngayon? Napabuntong-hininga ako.

"Gutom kana ba, love? Sorry. Ang bigat-bigat kasi nung mga dala ko eh." bigla akong nagulat nung may nagsalita sa harap ko. It's Donny. Wait! Did he just call me Love?
"Love?" pag uulit ko. Baka nagkamali lang ako ng pandinig.
"Yes, love."

Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)Where stories live. Discover now