"Donny!!! Bakit andito kana naman? Jusko na bata ka oh." napabalikwas ako nang marinig ko kung sino ang nag dodoorbell sa labas. Pinuntahan ko sila.
"Sorry po tita. Namiss ko lang po kasi yung anak niyo." nahihiyang sabi niya sabay kamot pa ng batok. I gave him a cold look.
"Sige Mom. Ako na ang bahala dito sa kanya." sabi ko. Napailing-iling na umalis si mommy.
"Love!" yayakapin niya sana ako nang sinenyasan ko siyang tumigil.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na iwasan mo ng pumunta dito dahil hindi mo malulutusan ang problema ng kompanya mo kapag nandito ka!" sermon ko sa kanya at parang wala lang sa kanya ang mga sinasabi ko.
"Namiss lang kasi kita." sabi niya. Iritadong tinignan ko siya. Yan! Yan ang problema sa kanya. Simula nung namatay yung lolo niya, naging ganito na siya. Ayaw niyang nag-iisa. Gusto niya palagi kasama niya ako. Nagkaproblema rin ang kompanya nila. Nung nagsimulang magpull out ng shares ang mga Delavin, isa-isa na ring nawala ang investors nila Donny. Imbis na magfocus siya doon sa kompanya nila, dito siya, nakikipaglandian sa akin. Isa lang ang masasabi ko sa kanya ngayon, he's totally wrecked and I feel bad about it.
"Look, nakikiusap na ang Mom mo na kung pwede wag ka muna pumunta dito o wag ka muna makipagkita sa akin for the mean time and I really understand about that." sabi ko.
"What? She told you that? Anong karapatan niyang pigilan ang kaligayahan ko?" sabi niya na lalong ikinainis ko.
"Donny!!! It's your company we are talking. Pinaghirapan yan ng lolo mo." sabi ko.
"I am trying my best to help too." sabi niya. Sarcastic akong tumawa.
"You're trying your best yet you're here wasting your time."
"My time is important too. Kaya nga nilalaanan kita ng oras ko because you're more important than anything else. And I just badly want to see you." sabi niya.
"Buong magdamag tayong magkasama kahapon ah."
"Oo nga pero iba naman kasi yung ngayon." sabi niya.
"Ako ba'y pinagloloko mo?"
"Love naman eh." pagmamaktol niya.
"Ang tigas talaga ng ulo mo!" inis na sabi ko. Wala! Suko na ako.
"Donny, makinig ka..." malumanay na panimula ko.
"Your company needs you. Your Lolo needs you too. Alam ko kung nasaan man siya ngayon, he is unhappy about you. Ayaw mo bang maging proud siya sayo?" tanong ko.
"I've done my part, love. I know he's already proud of me." sabi niya.
"Oo. Proud nga siya sayo but seeing you like this, disappointed na yun sayo. Hindi lang sa akin umiikot ang mundo mo. You have a family and your company as well. Pinaghirapan yan ng Lolo mo at ng parents mo." sabi ko.
"Kaya na nila yan." sabi niya. Napasapo naman ako ng noo. Bigla naman ng ring yung phone ko. Si Tita Maricel. Ni loudspeak ko para marinig ni Donny.
"Hello po?"
(Iha! Sorry for bothering you. Nandyan ba si Donny?)
"Yes po, tita. Kakarating niya lang po dito."
(Good. Please tell him to be here in our company. We badly need him right now. It's so hard to find an investors. God! I'm so stressed!) Napabuntong-hininga akong tumingin kay Donny.
"Okay po. I'll tell him right away, tita."
(Thank you, Iha. You've always been so understanding to him. I hope you'll give him more a lot of patience. And I'm sorry to hinder your relationship. It's just for the mean time.)
"Don't worry, Tita. Ayaw ko rin naman na mawala yung pinagpaguran ni Lolo Maximo."
(Okay Iha. Please pilitin mo siya ha. Thank you again. Bye.)
"Bye po." I said then we hung up the call."Oh narinig mo na? Pumunta kana kasi doon." pagtutulak ko.
"Love...ayoko." pagmamakaawa niya
"Donny naman. Narinig mo naman di ba?" sabi ko.
"Fine! But I will see you tomorrow." sabi niya. Napairap naman ako.
"Sige na. Umalis ka na. Mag-iingat ka ha." sabi ko. Tipid siyang ngumiti bago umalis. Napabuntong-hininga naman ako. Konting tiis lang, love.Ganito palagi yung nangyayari sa loob ng dalawang linggo. Mangungulit siya sa akin, tapos tatakbuhan niya yung responsibilidad niya sa kompanya nila, tapos tatawag sa akin si Tita upang pauwiin siya. Wala naman akong magagawa. Saksakan kasi ng katigasan ng ulo ang lalaking yan. Nagiging sanay na rin ako hanggang sa nalaman ko mula kay Blaire ang balitang nakakapagbasag ng puso ko.
"Shar, si Donny...nakapasa yung application niya for civil engineering sa states and also the school wants to give him a full scholarship." sabi niya.
"Kelan lang siya nagpasa ng application?" tanong ko na kinakabahan.
"Matagal na. Nung hindi pa ata kayo nagkakilala nun." sagot niya.
"So...anong nangyari?" tanong ko.
"Hindi niya tinanggap. Sayang nga. Akala ko pa naman pangarap na niya yun. Tsk!" sabi niya.
"B-Bakit di niya tinanggap?" tanong ko.
"I dunno. Maybe it's because of you. I know he loves you much." sabi niya. Napasimangot naman ako.
"Oh Shar! Don't feel bad! Ano ka ba! We're not blaming you for this. Even Tita Maricel...she really understands Donny. Sabi nga ni tito Anthony, if he were Donny, he would do the same thing. Hindi niya raw iiwan si Tita no matter what it takes and that makes us eww. Haha! So corny kaya!" sabi niya. Parang hindi ko narinig yung sinasabi ni Blaire. My mind clouded with thoughts. Thoughts about Donny and his stupid decisions. I know pangarap niyang magkaroon ng ganung opportunity. I remember when he told me about choosing engineering course over Business. Kaya nga wala siyang gana about business eh!"Donny!" tawag ko sa kanya nang makita ko siya sa parking lot ng school namin. Nakasandal habang nilalaro yung susi sa kamay niya.
"Love!" tawag niya sabay kaway sa akin.
"May balita ako sayo." excited na sabi niya nang makarating ako sa kanya.
"Ano naman yun?" tanong ko.
"You are qualified for the final audition." sabi niya.
"Huh? Saan?" tanong ko.
"Ano ba naman, love! Yung inauditionan mo noon. Yung sa younique band ba." sagot niya. Ang tagal na pala nun. Nakalimutan ko na nga eh.
"Gusto mo talaga akong sumali sa banda na yun?" tanong ko.
"Why not? Gusto kong maraming makadiscover ng talent ng girlfriend ko." sabi niya.
"Paano pag ayaw ko?"
"Love naman! Wag naman ganyan! I know you want that also." sabi niya. Napabuntong-hininga ako.
"Donny..." pagsisimula ko.
"Love nga eh! Isa pang Donny, hahalikan kita." sabi niya.
Patience Shar! Patience.
"Ano yung nabalitaan ko? You refused the biggest opportunity." sabi ko.
"H-Ha? Anong p-pinagsasabi mo, love?" pagmamaang-maangan niya.
"You know what I mean. Diba pangarap mo yun? Bakit ganun mo lang kadaling itapon yung oportunidad na yun?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Love...it was really hard for me also. Pero ayoko...magkakalayo tayo! Ayokong malayo sayo." sabi niya. Bullsht!!!
"Bakit ako na naman? Paano yung pangarap mo?" galit na tanong ko.
"Love...ayoko na. Iniwan na ako ni Lolo, ayokong pati ikaw mawala na rin sa buhay ko." sabi niya.
"Hindi naman ako mawawala eh. Magkakalayo lang tayo. But I will still here for you to support and understand you. Maghihintay ako sayo dito." pangungumbinsi ko.
"Hindi ganun kadali yun. Ayokong matulad kay Kisses. Ayoko ng ganung set up. Ayokong mawala ka dahil mahal na mahal kita."
"Donny naman! Iba tayo sa nakaraan mo." sigaw ko.
"Love...nakapagdecide na ako. Ayokong bumalik doon. I'll prefer to stay here with you."
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Pwede bang kahit minsan, sundin mo naman kami? Para rin naman sayo to eh!" umiiyak na sabi ko.
"Ayoko, Love. Sorry. Hindi ko talaga kaya." sabi niya sabay pahid sa mga luha ko at niyakap niya ako ng mahigpit."Hello po." sagot ko sa tawag. Sino kaya to? Mukhang sa ibang bansa kasi yung number.
(Hija, ikaw ba si Sharlene? Yung girlfriend ng apo kong si Donato?) bigla akong kinabahan. I never met nor talk to her. Kahit sa burial ni Lolo Max, she didn't showed up.
"O-Opo. Kamusta po kayo?" sabi ko.
(It seems that you already know me. I'm Carlota, grandmother of your boyfriend. Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa.)
"B-Bakit po?"
(Alam mo na siguro yung about sa apo ko? He refused his dreams over you.) sabi niya at halatang galit siya.
(Don't worry, hija. Malawak ang pag-iisip ko. I'm not mad at you. And Maricel also told me that you also helped us to convinced him.)
"O-opo."
(So please...convince him more. I'm not against with your relationship. I know you do understand the situation. It's his dream. Pangarap niya yan noon oa. Wala siyang mapatutunguhan kung palagi nalang siyang ganito. I hope you really help us. This is not just about Donny and us, but it's for your own good na rin. You guys will never be successful if your life relies on what you have right now. Wala kayong mapapala kung nagmamahalan lang kayo without reaching your goals and dreams. I hope you understand those, hija.)
"I know po, Lola."
(Good. Aasahan ko yan and I hope to see you soon. Bye!) she said then she hung up the call.Buong magdamag kong pinag isipan ang plano na mapapayag si Donny but neither of them are unconvincing. Anong gagawin ko? Ang tigas kasi ng ulo nun! At saka aaminin ko man o hindi, I don't want to be apart with him.
Suddenly a painful yet effective idea came into my mind. I called Lola Carlota about the plan. She agreed and told me that I am brave enough if I do that.
I even call Tita Maricel and Tito Anthony about this.
(Sure ka, hija? It's really okay with us if Donato didn't want to pursue his dreams anymore. I know half of him wants to go with it but he loves you so much.) sabi ni Tito sa kabilang linya.
(I'm sure magkakasakitan kayo niyan.) malungkot na saad ni Tita.
"But I don't want to be selfish, Tita. I love your son but I know that his dreams is really mean a lot for him."
(Pwede naman siyang mag aral dito.) si Tito naman ang nagsalita.
(But we all know that he wants to study in states.) rinig kong sabi ni Tita.
"I'm sorry, Love. But I have to do this."
YOU ARE READING
Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)
RomanceThe story is about the two persons coming from the different heart breaks. They meet and decided to help each others mend what is broken. Will their hearts survive or will they create another love and more heart breaks together?