Chapter 38

617 19 6
                                    

-Sharlene's POV-

"I want an annulment." hindi ko alam kung saan ko pinulot ang tapang ko para sabihin iyon ng harapan sa kanya.

Sandali siyang natigilan pagkatapos ay sarkastiko itong tumawa.
"You came here for that? Akala ko pa naman ay namiss mo ako." he said and sarcasm was hint on it.

"Ayoko na ng paligoy-ligoy, Donny. Permahan mo na yan para matapos na ang lahat." naiinip kong sabi sa kanya.

Lumapit ito sa lamesa niya kung saan nakapatong ang dokumento na nilapag ko kanina. Tinitigan niya ito na para bang kahanga-hanga ang bagay na iyon.

"Para matapos na ang lahat." inulit niya ang huling sinabi ko.
"Alam mo ba kung ano ang hinihingi mo, Mrs. Pangilinan?" his stern voice made me shiver.

"K-Kung ayaw mong permahan yan ngayon, babalik nalang ako sa susunod na araw." sabi ko. He went closer to me. Humakbang ako paatras hanggang sa maramdaman ko ang malamig na bagay na nasa likod ko. He cornered me while his dark orbs are intently looking at me. Ano na naman ang gagawin na mokong na to?

"D-Donny. A-Alis na ako. S-Sa ibang a-araw nalang." nauutal kong sabi. King ina! Nasaan na ang tapang ko?

"Hindi ako papayag." he said. His face went closer to mine while he brushed his fingers to my side cheeks. Halos nagpipigil ako ng hininga sa ginagawa niya.
"Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari." he gritted his teeth.  I pushed him away.

"Wala ka ng magagawa, Donny. Matagal nang tapos sa atin." sabi ko.

He scoffed. "Matagal? Isang taon lang akong nawala, Shar. Binigyan lang kita ng pansamantalang kalayaan mula sa akin pero that doesn't mean that I will let you go forever just like that. Ano ako tanga?"

"Donato!"

"Kung wala ka ng iba pang pakay ay makakaalis ka na." malamig na sabi nito bago tumalikod mula sa akin.

"Kami na ni Nash." pag-aamin ko. I was hoping that he will get mad and immediately sign the papers.

"Alam ko." bahagya akong nagulat.

"H-How d-did---" hindi pa natapos ang pagtatanong ko ay bigla itong nagsalita at lumapit ulit sa akin.

"Pwede ko kayong sampahan ng kaso dahil nakikipagrelasyon ka na kasal ka pa sa akin." sabi niya. I was taken a back and I gulped nervously. Hindi mo magagawa to sa akin.
"Pwede kong gawin iyon, Shar. Kahit ngayon pa. But on the second thought, wag nalang pala. Babawiin na lang kita. Gagawin ko lahat hangga't ikaw na mismo ang magmamakaawa na bumalik na sa akin." he said as if he is really sure about it.

Tumawa ako ng peke at galit na tumitig sa kanya.
"Hindi mangyayari iyon." sabi ko.

He held my face and lean closer. Hindi ko inaasahang halikan niya ako ng mariin sa labi. Gulat akong naestatwa lamang sa kinatatayuan. Pilit kong nilalabanan ang emosyon upang malayo sa mga labi niya pero para akong tanga na hindi gumagalaw. Halos sumabog ang dibdib ko sa nararamdaman ko at hindi na makahinga.

Nang humiwalay ang labi niya sa akin ay ngumiti ito na parang nanalo sa isang taya.
"I will do everything what ever it takes, Love." sabi niya at kumindat pa bago umalis nang tuluyan sa opisina niya habang hinahabol ko naman ang hininga ko.

Ngayon na ang kasal nila Blaire at Ricci. Hindi sumama si Nash at Sophia dahil nandoon sila sa magulang ng Mama niya at mag-iisang linggo na sila doon. Mabuti na rin na wala sila dito. Ayokong magkaissue. Walang sinuman ang nakakaalam sa relasyon namin ni Nash. Naisipan lang namin na aminin nalang sa kanila kapag annulled na kami ni Donny.

Hindi ko alam kong anong pumapasok sa isip ko kung bakit pumayag ako sa relasyon namin ni Nash at kung bakit basta ko na lamang iwan si Donny. Inaamin kong may nararamdaman pa rin ako sa kanya pero hanggang doon na lamang iyon. Ayoko nang bumalik sa kanya at isa pa sariwa pa sa alala ko ang mga nangyari noong isang taon ang nakaraan. Masakit pa rin sa akin.

Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)Where stories live. Discover now